Chapter 33

5 0 0
                                    

"Oh magtubig ka." inabot ko ang baso kay Euan, pawis na pawis na kasi siya dahil kanina pa niya inaayos ang sira sa bubungan ng bahay namin.

Bumaba ito at kinuha ang baso na kanina ko pa inaabot. Binigay ko rin ang bimpo sa kaniya para makapag punas siya ng pawis. Nakita ko itong luminga sa kung saan, hindi na ako nag abalang tignan pa kung ano iyon, inayos ko na lang ang mga niluto ko kanina. Gusto ko kasi sanang magtanghalian dito sa labas para na rin makalanghap kami ng sariwang hangin.

"Let me help you." Ani Euan. Hinawakan niya ang kutsara na nasa kamay ko.

Nakangiti siya habang tinutulungan ako sa pag aayos ng lamesa.

"Ehem." Napapitlag ako sa matigas na boses mula sa likuran ko.

"Alejo."

Tinabangan ako ng makitang kasama rin niya ang babaeng nung nakaraan pa sunod nang sunod sa kaniya. Wala bang sariling bahay ang babaeng ito?

He looked at Euan's hand holding onto me.

"Papa!!" sigaw ni Natalia. "Are you done na po ba?"

"Not yet princess, marami pang gulay don." tinuro nito ang ilang bahagi ng lupain. "Samahan mo si mama at papa mamaya pupunta tayo don."

"Okay po!"

Lumapit siya sa amin at tinabig ang kamay ni Euan na kanina pa yata nakahawak sa akin.

"Sorry, padaan kasi." Ani niyang nakatingin sa binata.

Hindi umimik si Euan.

"Uhh.." tumingin sa akin si Alejo. "Ang init don."

"Sabi ko naman sayo huwag ka na sumali don diba?" ani ko.

Kumamot ito ng ulo. "Yeah, but I just wanted to help them harvest."

"Oh edi wag ka magreklamo."

"Hindi ako nagrereklamo, gusto ko lang sana ng." humina ang boses niya. "Tubig din."

Agad naman akong naguilty. Bakit kasi nauunahan ako ng inis eh. Aabutan ko na sana siya ng tubig pero naunahan ako ng babaeng kasama niya. Bwisit na Merlinda 'to! Feeling asawa? sakin nanghingi ng tubig diba?

"Eto Alejo, inom ka na." maarteng saad niya.

At mas nakakabwisit dahil tinanggap iyon ni Alejo! The nerve! Sa harapan pa ng panganay niya ah!

Nagsunod sunod ang ilang araw ay ganoon parati ang ginagawa ni Alejo. Hindi ko nga alam kung bakit nagtyatyaga siyang mag harvest dito eh may kompanya naman siya bat di nalang siya manalagi don! Sunod pa nang sunod sa kaniya si Linda!

"Mom! Look pinitas po namin ni papa 'yan!" masiglang inabot sa akin ni Natalia ang mga bulaklak na kanina pa pala nila pinagkakaabalahan ng ama niya.

"Papa said, you'll like this." she looked at her papa and turns her head back to me. "So do you like it ma?"

I smiled. Ginulo ko ang buhok niya. "I love this, thank you." I kissed her cheeks.

"What about papa? no thank you? no kisses?" she giggles

Pinamulahan ako nang mukha at sinamaan ng tingin ang tatay niya. Sigurado ako pakana nanaman ito ni Alejo. Noong nakaraan pa nila ako dinadalhan ng bulaklak. Magmula non ay kapag hahalikan ko si Natalia biglang sasabihin nya na dapat ay ang papa rin niya meron dahil pareho silang naghirap na pumitas non.

"Hay nako, tigilan nyo ako."

"Aasikasuhin ko na ang tanghalian natin." Ani Alejo bago binuhat si Natalia at sinama sa kusina.

Dinala ko agad ang bulaklak sa lamesa at inisa isang inilagay sa vase. Pati ang vase na ito ay binili pa ng mag ama sa bayan. Sa ilang araw ni Alejo dito ay hindi palyado ang pag bawi niya sa anak namin. Minsan nga ay talagang nagluluto pa sya ng hapunan natin at pagkatapos ay binilan niya pa kami ng pares na pajama.

Nagawa na rin namin na manuod ng mga cartoons at disney bago matulog. It became our daily routine. Sa umaga ay tinutulungan nya ako na asikasuhin ang mga dapat asikasuhin sa bahay, minsan nga nauuna pa siyang magising at mag luto ng agahan. Hatid sundo rin niya si Natalia sa school.

I smiled the entire time I was placing the flowers in the vase.

"You look.." I looked at him. "Happy." Euan said.

"Euan..."

"Yeah, I just thought you might need me here." I saw his jaw clenched. "And it's clearly not."

"Euan, anong sinasabi mo?"

"Nothing."

I sighed and bit my tongue. "Euan, kailangan ni Natalia ang tatay niya what am I gonna do?"

"She needs him, or do you?" he asked frustratedly.

"What do you mean?" ngayon ay inis na sabi ko.

"I was here with you with almost seven years and now what? I'm nothing? at dito pa sya nakikitira, kung ititira ko ba si Haze sa bahay ko magugustuhan mo?"

My lips parted to what he just stated. At bakit nadamay pati ang pinsan ko dito? At pati si Alejo.
Wala akong ideya sa kung anong relasyon ang meron siya kay Haze. Pero hindi niya dapat isinasama yan sa kung anong sitwasyon ko ngayon.

"What are you talking about?!" I asked.

"Papayag ka ba na ang nobyo mo ay titira sa iisang bahay kasama ang ex nya?"

"What the—" tinalikuran ko siya dahil sa frustration ko. "I'm sorry Euan, pero hindi kita nobyo. Saan ba papunta itong usapan nato?"

"What do you mean."

"Euan, I-I, ewan! anong sinasabi mong relasyon? we are friends Euan." hinarap ko siya. "Bestfriends."

"Bestfriend.." he laughed in pain.

"I'm sorry, mahal kita pero hindi sa pagmamahal na gusto mo."

"Nagkulang ba ako?"

"Euan, hindi."

Tumango siya. "Alright, sadyang mas lamang lang siya."

Walang lingon likod siyang umalis. Deretsyo siyang sumakay sa sasakyan nya at pinaandar iyon paalis.

"Are you okay?" Gulantang ni Alejo sa akin.

"Huh? uh yes."

"He's your boyfriend?"

"No!" pagtatanggi ko.

"Alright, I'm just making sure." he dominantly. "Kain na tayo, naghain na ako."

Pag katapos namin kumain ay si alejo pa din ang nag hugas ng pinag kainan namin. Gusto ko sanang mag protesta dahil nahihiya rin ako pero sinabi niyang maligo na ako at isabay si Natalia para manunuod na lang kami ng palabas pagkatapos.

My daughter cannot hide the happiness that lured her after seeing that her father is wearing the same pajama as we have. Para kaming isang buong pamilya.

"Mom, will I end up like cinderella? will I loose both of you?" Talya asked.

Tinignan ko kaagad siya. "No baby."

"Iiwan mo po ba ulit kami ni mama, pa? kagaya ng pag alis ng daddy ni Cinderella?" she asked without breaking her gaze with the movie.

"No baby, I won't go anywhere else without you." he looked at me. "Not without your mom."

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now