Chapter 27

11 0 0
                                    

Pinunasan ko ang pawis sa noo ng anak ko at ng matapos ay pinaghanda siya ng makakain. I sliced her two apples and gave her four pieces of grapes. That's her favorite.

"Anak huwag na masyado magtatalon ah? ayos lang ang mag laro, pero huwag yung papagurin mo halos ang sarili mo." paalala ko dito

Inilagay ko ang baong bimpo sa likuran niya.

"Yes mom."

Kumuha siya ng isang pirasong prutas bago kinain iyon. Inalok pa ako nito ngunit ay tumanggi ako dahil hindi pa naman ako nagugutom.

"Anak, Nieves, narito pala kayo ng anak mo."

Sinalubong ko agad ang matanda at agad na nagmano. Sila ang naging kapitbahay namin ni Natalia rito sa bakas. Tinanggap rin ako ng mga ito ng malugod bilang bagong taga baryo nila.

They are all pretty traditional, I remember they even asked me once, if where is my husband. Nabuntis raw ba ako ng walang asawa, napaka bata ko pa raw noong nabuntis ako.

Sa pagiging tradisyonal nila ay hindi ako nakatakas sa iilang tsimisan sa bayan. Sina nanay ne lang at tatay dolfo ang tumanggap sa akin rito sila lang rin ang hindi pinagpyestahan ang kung ano man ang nangyari sa akin bago dumating dito.

"Nanay ne!" masayang nagmano sa kaniya si Natalia

Malugod naman iyong tinanggap ng ginang at pinisil pa ng mahina ang pisnge ng anak ko.

"Hala sige, at kumain nang kumain."

"Nanay ne, buti po at nakabalik na kayo mula sa bulacan."

"Aba ay oo nga anak, hindi na ako nagtagal pa roon dahil ang tatay dolfo lang naman ang kinakailangan don."

"Ganoon ho ba, nakapag pacheck naman po kayo habang naroon?"

"Oo anak, mabait yung amo ng asawa ko at talagang siya ang sumasagot sa pampa ospital naming mag asawa."

Ngumiti ako bilang sagot. Madalang na sa tao ang ganiyan ka asikaso at kaalaga sa mga trabahante nila.

"Matagal na kasing inaalagan ni dolfo ang amo niya, mula pa tatay niya at hanggang sa nagbinata ang anak."

Napukaw ni Natalia ang pansin ko ng kalabitin ako nito at itinuro ang iilang batang nag aaya na mag laro. Tumango lang ako at pinaalalahanan siya na mag iingat sa paglalaro.

"Mag iingat ah? nandito lang si mama sa tabi ni nanay ne, if you need anything, you call mom okay?"

"Yes po mom." humalik pa ito bago ako iniwan

"Ang laki na ng anak mo Nieves, wala ka pa rin bang balak na bisitahin ang sarili mong pamilya?"

Nanay ne is the only person whom I entrusted my whimpered about. Kahit sa kabila ng pagiging tradisyonal niya ay nag iingat ito sa mga sasabihin, malayo sa ibang taga bakas.

"Wala pa po nay."

Tumango ito. "Hindi ko pinanghihimasukan ang sitwasyon mo anak, pero kung patatagalin mo papaanong matututo ang anak mo sa buhay elitistang mayroon ka noon?"

Bumuntong hininga ako. Wala na sa isip ko ang buhay na mayroon ako noon. Kahit mismo ang sarili ko ay nakalimutan ko na kung sino, kung anong gusto ko, at kung ano pa ang pwedeng ipaglaban ko.

Isang bagay lang ang naipamana ko sa anak ko, iyon ay ang magpinta dahil iyon lang naman ang sinikap kong tapusin dahil sa ganoong bagay lang ako magaling.

If I ever continue being away with them, at masanay ang anak ko wala namang masama roon, ngunit ay hindi niya matututunang magkaroon ng mas malaki pang pamilya. Hindi ko rin naman alam kung papano, it's just too much to handle for my daughter, kahit pa sabihing gawa sa pagmamahal ang anak ko ay mali pa rin dahil ikinasal ang tatay niya sa ibang babae na kasama sa pamilya namin.

How would I ever explain that to her?

Kung sa pamilya, wala na akong pakialam, hindi ko naisip na ipaliwanag at ipakilala sa kanila ang anak ko. I am too contented to what I have. Basta at mag kasama kami ni Natalia, sapat na.

"Kailan po pala ang balik ni tatay dolfo?" pag iiba ko nang usapan.

"Bukas makalawa lang ay babalik na rin iyon. Kasama ang amo niya, matagal tagal na ring hindi nakakabisita rito ang amo niya dahil sa trabaho, nakalimutan na yatang kaniya ang lupa dito."

Natatawa pa ang matanda habang sinasabi iyon.

"Amo nyo po ang may ari ng lupa rito?"

"Oo anak, kaya nga at wala masyadong makapag patayo ng mga establishimento dito marahil ay dahil sa pangalan."

"Ano po bang pangalan niya?" nagtatakang tanong ko

"Engineer—"

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ng ginang dahil naalarma ako sa pag iyak ng isa sa mga bata. Agad ay dinaluhan namin iyon at napagtantong hindi si Natalia ang umiiyak.

"Anong nangyari?" ani nanay Ne

"Si Natalia po kasi!" sumbong ng mga ito

"Anong ako! k-kayo nanguna e!" nakakunot na noo ng anak ko

"Anak ko... mag sorry ka."

"No mom! I won't say sorry to haru, she's been a bitc–"

Hindi ko na ito pinatapos at agad na sinuway siya. I didn't display that kind of manner, hindi ko alam kung saan niya iyan natutunan!

Hirap na hirap akong magpakabuting ina para sa kaniya.

"Natalia!"

She inhaled exhaled, deeply, almost crying, then she runs out.

Bumuntong hininga ako at nagbigay ng pasensya sa mga kalaro niya pati na sa magulang nito. Thankfully, nanay Ne is there with me to explain things. That it just a plain kid teasing nothing serious. Alam kong hindi natutuwa ang itsura ng magulang nang bata dahil sa inakto ng anak ko. Ngunit minabuti kong ikalma ang sarili at huwag sabayan ang init ng ulo nito.

"Natalia." mahinang tawag ko rito

Naabutan ko siyang umiiyak sa terrace. Ever since she was a kid, terrace became her favorite place to hid. Dito madalas ang punta niya kapag nag aaway kami o di kaya ay talaga gusto lang niya mapag isa. Hindi ko alam kung sa akin ba niya iyon namana, o sa ama niya. Ang gustuhing mapag isa sa oras na kailangan niya. I guess, she get traits from me.

"What happened back there?" Hinaplos ko ang buhok nito.

Nakailang pag hinga pa siya bago nagsalita.

"Sabi niya wala akong tatay, I told him I have, he didn't believe me, told me I am liar, I am not a liar mom.... you didn't raise one."

"I know, I would never raise a liar. So why are we upset?"

"Because he told me I doesn't have a father?" umiyak pa ito lalo.

"That he didn't want to play with some burdened abandoned child."

"As if naman na gusto ko siya kalaro, if dad is here he'll tell him to back off, I'm sure. And he'll ask me first what happened before telling me to say sorry."

May sumidhing sakit sa dibdib ko. Tama naman ang anak ko, I didn't bother to asked her what happened, bagkus ay inutusan ko agad siyang manghingi ng pasensya.

Kung nakilala mo lang ang ama mo anak, alam kong hindi niya papayagan na ganito. He'll explain to you everything that is too confusing for you. Tutulungan ka niya na makaintindi at maging kalmado.

Kaso ay wala siya, ako ang narito at pilit na umiisip ng paraan kung papano kita papalakihin ng tama. Kaya ako ang gumagawa nito, I made everything in my power to handle you so well, without asking for his help, and so he didn't even know about you. I didn't tell him because I don't wanna cause any more trouble. Ayokong maging produkto ka ng kahihiyan anak.

I know, we made you in so much love.

Pero hindi na tama ang makilala mo pa siya.

As Pure As The Driven SnowOnde as histórias ganham vida. Descobre agora