Chapter 18

15 1 0
                                    

Aking Tangi
Hello, how are you?
Are you busy?

Nakatingin lamang ako sa text ni alejo at bumuntong hininga bago ibinagsak ang sarili sa kama. Pinili kong ipikit ang mga mata kaysa kausapin ang binata. I've had enough today, sobrang pagod ko sa pag aaral, pati mga issueng umaalingawngaw sa bawat sulok sa CDA ay nakadadagdag sa isipin ko. Dalawang araw magmula non, hindi natatahimik ang media sa buhay ni alejo, they have been stalking him.

Ang hindi ko magustuhan doon ay may mga litrato. How many months we've stopped working together? ilang bwan magmula nun hindi pa kami muli nagkikita. Kung noon ay marami itong oras para ihatid sundo ako ngayon ay pailan ilang beses na lamang.

Hindi ko alam kung nagiging clingy ba ako dahil sa nararamdamang pagkamuhi sa ginagawa niya. I want him to be with me all day. Pero alam ko rin ang trabaho niya, kung ako nga ay apektado sa bali–balita tungkol sakaniya, siya pa kaya?

Do I need to talk to him personally? para maintindihan ko ang nangyayari ay malaman nya rin kung anong nasa isipan ko? I can't just avoid him forever.

"Ma'am nakahanda na ho ang pagkain." katok mula sa pinto ang nagpamulat sa mata ko

Nag unat ako at kinusot ang mga mata bago sumagot. "susunod na lang po ako."

"Oh sige ho ma'am." iyon lang at narinig ko na ang kaluskos ng sapatos nito hudyat na umalis na ito sa harapan ng kuwarto ko.

Naghimalos ako at sinuklay ang buhok bago bumaba sa kusina. I gulped when I saw them talking seriously. Tumigil lang ang mga ito ng makita anh presensya ko.

"Ano pong meron?" takang tanong ko

Nang tawagin ako kanina ay akala ko simpleng hapag lang ang mayroon ngunit ay hindi. Kasama rin namin si islana at ang mga magulang niya.

"We are just talking about some things nieves, kumain ka na." Ani lola conradina

"What is it about?" I asked

Inabot lamang ako nang mga katulong ng sariling pinggan at baso. I thanked them.

"About islana." Ani tito al

"Pa, I don't want to marry yet." mahinang sabi ni isla

Napatingin agad ako sa dalaga, her face displays frustation and anger. Hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa balita. If she was about to marry someone who is it then? at bakit biglaan. Ilang bwan na rin kaming hindi nagkakasama ni islana, I have no clue about what she's been doing for the rest of that month. She seems quiet about it, ngayon lamang rin nagkaroon ng ganitong usapan sa pamilya namin.

"Oh yes you are, you're gonna marry that guy islana! I won't be hearing your goddamn reasons anymore!" his father muttered

Kumabog ang dibdib ko sa lakas ng sigaw ni tito al, he's irritated.

"Alam mo ba kung gano kita iniingatan isla?" humina ang boses nito ngunit madiin ang pagkakasabi

"Hon." hinimas ni tita dalisay ang braso ng asawa niya. "H'wag naman ganito baka may ibang paraan pa?"

"Ibang paraan dalisay?" lola conradina hysterically laugh as her reaction "Nabuntis ang anak mo, what do you want to do? Umalis ng pilipinas at itago ang kagagahan ng anak mo?"

"Mama baka lang po kasi-" hindi siya pinatapos ng ginang.

"No!! Kakakunsinti mo sa mga anak mo ganito ang nangyayari! You better look after esquivel baka pati iyon ay makabuntis." she mocked her

"Ma.." pigil ni tito al sa ina niya

"What?! Wag mo ako mai-ma riyan Allenon we both know this would happen pero isa ka pa takot kang pagsabihan iyang asawa mo!"

"Lola, tama na ho." alo ko sa matanda "Pakinggan muna natin si isla."

Tila ba ito ay hinihingal na sa kunsumisyon sa nangyari kay isla.

"Kung sana ay kagaya ka ni nieves." nagngitngit na ito sa galit "Baka rin hindi ganiyan ang natamo mo."

Kumunot ang noo ni isla at tumawa habang humahagulgol. "Exactly! Baka ho kung si nieves ako hindi nyo ako tinatrato ng ganito!!" Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni islana.

Sinubukan itong patigilin ng sariling ina ngunit hindi nagpatinag. "Anak tama na 'yan!" ani tita dalisay.

"No mom! Anong tama na, ako nanaman ang tama na? kapag si nieves okay lang sainyo? why? how can you be so sure na sobrang perpekto niyan!" she screams to her mother

"Islana!!" Umalingawngaw ang boses ng ama niya

"You have always favoured nieves but never...even bit... saw me?! how could you!?"

"Isla.." alo ko sa dalaga nagbabakasakaling tumigil ito sa pagsigaw. "I'm sorry I-uhh baka need lang naman ito pag usapan ng maayos.." humarap ako ako sa kaharap "Lola.."

Bumuntong hininga ang matanda halata sa mukha ang pag titimping ginagawa kaysa makapag bitaw ng salita. "Kung sana ay hindi ka luman--"

"Lumandi?!! wow." she laughs hysterically. "Si nieves ba hindi malandi huh?! Will you please stop pointing out everything about me!!" she looked at me."Lagi kang nasa kwarto mo, manang oo pero sigurado ka? inusente ka?"

"Islana tumigil ka na!"

"Bakit ako titigil pa?? Hindi ko ba pepwedeng depensahan ang sarili ko!? Lahat kayo, pinupuntong malandi ako?! Come on! Baka nga kayo ni mama mas bata pa sa edad ko nung lumandi–" isang sampal ang nagpatigil sa pagsasalita ni islana.

"Hindi kita pinalaking bastos sa tatay mo islana! We didn't tell you to lay yourself off into this kind of mess! Ngayon ay sa amin ka pa magsasalita nang ganito kung ang gusto lang namin ay mapaayos iyang sitwasyon mo?!" sigaw ni tita dalisay sa sariling anak "You made this mess, you gonna marry that contreras guy!"

Gulat na nilingon ko si tita dalisay ngunit kahit na anong salita ay walang gustong lumabas sa aking bibig. Contreras? sino? si alejo? Papaanong nadamay dito ang mga Contreras!

"Nakakahiya sa mga contreras gayong wala naman kayong relasyon ay ganito ang nangyari!! nakikita mo ba ang mga pinag gagagawa mo islana!?"

She sobbed. "W-what if he have a girlfriend? Ma ayoko, kaya ko naman ito mag isa."

"No.. bago ka pa sana gumawa ng kalokohan dapat ay naisip mo na 'yan." ani tito al "We'll set a meeting with them, I don't need to hear any of your excuses." Tumayo ito at umalis na sa hapag naiwan lamang kami ni islana sa kusina.

Hindi ko alam kung papaano ito aamuhin, alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman nito ngayon. Pero hindi ko rin maalis sa isip ko kung sino ang ama ng dinadala niya.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now