Chapter 30

4 0 0
                                    

Halik mula sa sinag ng araw ang kumakapit sa balat namin ng anak ko. Tuwing linggo ay pumupunta kami rito ni Natalia sa baryo para makapag laro siya. Hindi naman pwedeng sa bahay lang kami magdamag, hindi lang pagpipinta at libro ang nais kong kaharap niya.

"Nieves, galit ka ba sa akin?"

Nakasunod sa akin si Euan ngayon habang papunta ako sa bahay kubong nasa tabing ilog. Hindi ako galit sa kaniya, sa totoo nga niyan ay nahihiya pa ako sakaniya dahil nakita niya kung papano ko kausapin ang pamilya ko. Hindi siya sanay na makita akong ganon. At kahit mismo ako, sa sarili ko. I was doomed, hindi ko na alam kung saan ko pa hinugot ang galit ko nung araw na iyon.

But I overthink it all, hindi ko na dapat pang malaman ang dahilan. I'll just gonna keep my life and my daughter's life here at bakas, here alone. Dito ko na palalakihin ang anak ko. Malayo sa kanila. Ayokong kainin ako ng galit habambuhay, totoo iyon.

"I'm sorry.." I heard him say

I sighed and looked at him. "Hindi ako galit." Tumingin ako kay Natalia na ngayon ay busy sa pakikipag habulan sa kalaro niya. "Hindi ko lang maintindihan, sinabi nilang hindi kinasal si Alejo kay Islana. Papaanong nangyari iyon Lyon?"

"I don't know.." he sounded defensive

"Wala kang alam? papano? hindi ba't lagi kang nasa Casa Buena?"

"Yes, but what do you expect? makipag kwentuhan ako sa ex mo?"

"Hindi, pero imposibleng hindi mo alam."

"Hindi ko talaga alam, Nieves."

Hindi ko na siya muling kinausap pa tungkol roon. Hindi ko lang rin kayang ibalunbon pa sa utak ko ang mga nalaman ko mula sa tatay at kapatid ko. I don't know if they are lying, pero kung magsisinungaling sila ay bakit? marriage isn't something we should take lightly. Kaya kahit anong pilig ang gawin ko sa ulo ko ay hindi ko makulayan ang kwento sa isipan ko. Hindi ikinasal si Alejo kay Islana, pero bakit?

Natapos ang maghapon na sinuyo ako ni Euan, hindi ko naman kayang magalit sa binata. Minabuti namin na umuwi na bago pa magdilim, pasado alas kwatro na nang makarating kami sa bahay. Ang dalawa ay nasa loob ng bahay habang nanunuod ng cartoon ako naman ay narito sa labas at inililigpit ang mga sampay ko. Tunog ng isang itim na ford bronco ang nagpatigil sa akin sa ginagawa. Tinted iyon kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Ngiti lamang ang naging reaksyon ko ng iniluwa noon si Nanay Ne at Tatay Dolfo.

"Nieves hija, mabuti at naabutan kita rito sa bahay ninyo."

Ipinagpag ko ang dalawang kamay ko bago nagmano sa mga ito.

"Nanay ne, ano hong sadya nyo rito?" nakangiting saad ko.

"Nais lang sana namin kayo dalhan ng ginataang galungong. Sakto at mag hahapunan na, para makakain na rin si Talya." iniabot nito sa kin ang isang garapon ng ulam.

Ngiti rin ang ibinungad ng mag asawa kay Euan at Talya ng magkasama itong lumabas sa bahay. Nagmano ang mga ito sa dalawang bisita, nag prisinta pa si Euan na ipapasok lang niya ang ulam at maghahain na ng hapunan para na rin makasalo namin ang mga bisita.

"Pasensya na ho kayo ah, hindi pa ako nakakapag luto ng hapunan hindi ko po alam na dating kayo."


"Ayos lang iyon, naisipan lang rin namin na ipasyal ang amo ni Dolfo.." lumingon ito sa kung saan.

I heard the car door closed, hudyat na may lumabas mula roon.

"Ayos lang ba sa'yo na dito na rin maghapunan si Engr. Contreras?"

Ang kaninang nakangiti kong labi ay napalitan ng kung anong kaba. Umubo ako at tumango, I heard a foot step, I didn't even bother to look. Mali ang iniisip ko hindi pwedeng siya yon. Masyadong malawak ang mundo para ngayon at dito pa kami magkita. He can't be that Engineer and specially that Contreras, hindi lang siya ang nagkakaroon ng titulong iyan.

"Hija, siya si Sir Alejo.." hinawakan nito ang kamay at hinila sa lalaking kanina pa yata nakatayo sa likuran ni tatay Dolfo. "Sir, siya si Nieves, yung ikinekwento ko na naging anak anakan na namin ni Dolfo."

Kahit pa man hindi ko tignan ang taong ipinakikilala nila sa akin ay alam ko na agad kung sino iyon. The name and the profession, pwedeng may pagkakapareha. Pero ang sapatos na suot nito ngayon ay iyon rin ang suot niya noong una ko siyang nakilala at ang pabangong kanina pa lumulukob sa pang amoy ko ay  hindi na isang pagkakataon lang.

It's him.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapagtantong tama nga ako, it was him. Natalo ako sa kaninang pakikipagtalo ko sa sarili. He's looking at me as if he's amused, stunned, or has found something he's lost. His dark almond eyes never left my sight.

He closed the gap between us, rushed over to me, and hugged me tightly as if he didn't want to lose me again. I heard him exhale smoothly, cup my face, and begin to curse under his breath. Sunod sunod ang naging pag hinga niya. Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa akin.

My tears began to form as I was shocked to react. But I didn't want to cry because I didn't want him to think about how much I should feel him, see him, and hold him. How I missed his scent, which drew me into the depths of the sea, and how I only wanted his breath when I was cold.

"My Nieves, oh... oh.. I found you." he muttered. I see his eyes starting to loose strength wanting to cry. "Oh God, I thought I'd lose you forever."

He kissed my hand, I felt his tears. "I won't loose you again, never again."

"Mom.." everyone became silent after we heard the soft and innocent voice of my daughter.

Natalia. Agad ay inalis ko ang pagkakahawak ni Alejo sa kamay ko. Tinalikuran ko kaagad sya, at hinarap ang anak ko. How would I explain this to her? binuhat ko siya at mabilis na naglakad palayo roon. Hindi niya dapat makita ang tatay niya. Hindi pa dapat.

"Dad?"

One word from Talya and I stopped from walking.

"Dad.." she said, sobbing.

Maingat na pumiglas sa hawak ko si Talya at tumatakbong umiiyak papalit sa tatay niya. Matapang na hinarap ko si Alejo, I saw how his curiosity became eagerness and enthusiastically hugged our daughter. Hindi ko siya nakitaan ng pagdadalawang isip at pagdududa. He hugged her, the way how other father would hug their child. I finally witness it, my every day and night desire. Ang makita silang magkasama at mag kakilala.

"Dad, I thought you wouldn't come home til my next birthday. Mom always says you're busy, but she help me understand." She cried. "Na you're just busy, so you could give me tons of toys."

Hinarap niya ako, mas kita na ngayon ang luha sa mata niya. Muli ay nilingon niya si Talia.

"I'm so so sorry baby, I-I became so busy, I-I didn't..."

"Dad's here just like how he promised Talia." singit ko.

Alam kong hindi alam ni Alejo kung saan niya huhugutin ang mga dapat niyang ipaliwanag sa anak namin.

"I missed you so much papa." She cried.

Tumingin sa akin si Alejo na hindi ko alam kung para ba sa pagpapasalamat o pangamba. Nilingon ko ang dalawang mag asawa sa gilid namin na ngayon ay parang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

"I missed you too princess, dad's not gonna leave you again." He said while kissing our daughters head.

"P-Promise?"

"Ofcourse, I promise." He chuckled while sobbing. "I promise, I won't leave you, and your mom." He hugged her again. "You won't lose my sight again."

"I won't lose neither of you, I promise." Hindi niya pinuputol ang tingin sa akin at ang yakap niya kay Talia.

He used to hold me as if he was traumatized by the loss of someone. I could see it in his eyes, how his eagerness was defined. And now that he's holding our daughter, his eagerness and enjoyment are amplified. As if he was all in, ready to fill in whatever he missed on the edge of one's seat, and that this was the final stop on his journey.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now