Chapter 17

15 1 0
                                    

Months have passed since that night. Hindi ipinaramdam sa akin ni Alejo ang pagkapahiya at pagkadismaya. He assured me that choosing him and loving him was reliable enough to keep him.

"Nieves, look oh may bagong update sa boss mo?" iniharap nito sa akin ang laptop niya naglalaman iyon ng mga artikulo tungkol sa mga idinedate ni Alejo

Madilim ang lugar puro lamang ilaw mula sa balkonahe ang naroon kaya hindi masyadong naaaninaw ang mukha ng kasama niyang babae.

"That's her girlfriend that's for sure!"

"I don't know.. hindi naman kami nag uusap tungkol diyan." sagot ko

Iniiwas ko na lamang ang sarili pag tungkol kay alejo ang pinag uusapan ng mga kaklase ko. Four weeks na rin magmula noong pumasok ako sa Colegio de Arcangel. Bago pa man iyon ay nagsabi rin ako kay alejo tungkol doon. He agreed, gusto nga niya ay magfocus na lang ako dito at saka na lang magtrabaho pag nakatapos na.

Ngunit sa katigasan na rin siguro ng ulo ko ay gusto ko pa rin ipagpatuloy kahit na part time na lamang sa kompanya niya.

"Well, halata naman na sikretong relasyon ang meron sila."

"Swerte naman ni girl!"

Bumuntong hininga na lamang ako at hinayaan sila sa mga pinagsasabi nila. They just know me doing a part time job at CDoE pero hindi ko ipinagsabi pati ang tungkol sa relasyon namin.

"I miss you, how's school? " he asked

We are talking over the phone, kahit man gustuhin kong pumunta ngayon sa kaniya ay di ko magawa dahil may mga assessment pa akong kailangan ipasa para bukas.

"I miss you too, okay naman, sorry kung nakakailang absent na ako sa trabaho."

He chuckled. "You don't have to apologize, and aside from being your boyfriend I also own the company, whenever you're free to work, baby. Hindi mo na nga kailangan magtrabaho kaya naman kitang buhayin."

"Alam mong gusto kong maranasan magtrabaho diba?" I don't want to disappoint my family, I understand his opinion pero ayoko rin sundin iyon dahil pansariling pananaw ko naman ito.

"I know, kaya hinahayaan kita kung gusto mo magtrabaho, dahil kahit ayoko ikaw pa rin ang masusunod."

Pinamulahan ako ng mukha sa pinabatid ng binata. I didn't know what did I ever do to deserve his treatment. Sobra kung umintindi at pinipilit kahit na hindi nya man gusto yung ginagawa ko. He is giving his best to understand my own nature preferences, nagkakabuklod man ang amin ay sumusubok pa rin siya.

Kakalabas ko lamang ng unibersidad ng may humintong pulang sasakyan sa harapan ko, nakakunot ang noo na hinintay ko itong ibaba ang bintana ng sasakyan niya. Laking gulat ko nang iluwa noon si Alisha. Nakangiti ito ngunit hindi ko pa rin nagustuhan ang presensyang meron siya ngayon. What is she even doing here?

"Hi! pwede ka bang makausap?"

"About what?" agad kong sagot

"Your boyfriend."

Tumamlay ang itsura nito ng banggitin iyon siguro ay nahulaan nito ang nasa isip ko ng mapansing medyo hindi ko gusto ang presensya niya. I know I should be good with her bestfriend siya ng nobyo ko, pero hindi ko rin matansya sa sarili kung ano bang nararamdaman ko.

"What about him?" sumimsim ako sa kape bago tinignan ito

She just sighed and smiled. "Kumusta kayo? siguro nagulat ka na alam ko? well halata naman kasi he's been deleting our photos on his account and hindi na ako ang nakabalandra sa opisina niya."

"And?"

"Hmm... I could say.. he's inlove, eww." maarte ngunit madiin na sabi nito

I gritted my teeth. "Anong nakakadiri doon."

She parted her lips while still mocking me. "Oh! yeah right, I remember you've got no friends! that's just a bestfriend-thing nieves, nothing serious."

Lalong pumakla ang paligid ko sa sinabi nito, she've got no right to told me that! ano ngayon kung wala akong matalik kaibigan? maybe I have no one, pero I have isla!

"Really? someone told you I've got no friend? sana tinanong mo na lang ako para primary source ang hawak mo." balik ko rito

Nakita ko itong natameme ngunit ay agad rin na nakabawi. "Sayang kayo noh? di kasi marunong mag ingat si Alejo ayan tuloy." she looked at my face. "I mean, there's a safe space everywhere right? sana sa iba na lang."

Hindi ko naintindihan ang gusto nitong ipahiwatig sa akin, but it still caused me to overthink my relationship with alejo. Alam kong sa araw araw ay may kumakalat na issue tungkol sa binata, litrato o maski man ibang video. But I am expecting less from that! pwede naman na past issues na iyon ng binata na pilit lang binabalikan ng mga tao dahil gusto syang sirain ng mga ito. And besides, he won't do such things that would hurt me. I am his girlfriend for pete's sake! If I could just say that.

Alam ko desisyon kong itago ito, dahil iniingatan ko siya mula sa iba, at ang sarili ko mula sa sariling pamilya.

"Bakit kasi pilit mo itinatago? magugustuhan sya ng pamilya mo nieves, sobra."

Hindi ko maintindihan ang gusto nitong mangyari, ang lumakas ang loob ko o ang panghinaan pa lalo ng loob. She's making me mix my feelings up! She's very satisfied to my undecent look as if she won something.

May mga patak ng luha ang lumabas sa mga mata ko. Nandito ako ngayon sa labas ng kompanya ni alejo, I did not bother to call him or to text him that I am here. Hindi ko kayang makisabay pa sa mga trabaho niya, I just need to know that he's roaming somewhere near me. That's enough for me. Gagaan agad ang loob ko pag ganito.

I know him, we won't hurt each other, we even made promises. He'll wait for me, tatlong taon na lang ay paniguradong pwede na kami magsama.

Huminto ang pagpatak nang mga luha ko dahil nakita ko itong lumabas ng kompanya niya, ngunit hindi nag iisa. Kasama nito si islana, what is she doing here? They are seemingly serious about whatever they are talking about. Hindi ako nakikita ng mga ito dahil sa pagitan namin.

They are busy with each other, na parang nagtatalo, pero nananatiling kalmado si alejo kahit na si islana ay halos mapunit na noo sa pagkakakunot, she seems frustrated to what maybe the reason is. Are they talking about business? pero about saan? sa A.P.E. ba? bakit si isla ang kausap niya? why not tito al? he ows the company pero si isla ang nandito para doon?

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now