Chapter One

7.1K 158 7
                                    

"AALIS ka ma?"

Kakadating ko lang sa bahay galing sa school at narinig ko ang usapan ni mama at ng ninang ko. Narinig ko na nag apply ang nanay ko sa isang agency at tinutulungan lang siya ni ninang sa mga papeles. At natanggap na daw si mama.

Nagulat si mama at napatayo. "A-anak.."

"Ay kumare, ako ay uuna at mukhang may pag-uusapan kayong mag ina." Nagmano muna ako kay ninang bago siya umalis.

"Ano yung narinig ko, ma? Nag apply ka para mag abroad? At natanggap ka na?" Sunod sunod na tanong ko.

Mabuti na lamang at wala pa ang tatlong bunsong kapatid ko. Nasa eskwelahan pa.

"Anak, kailangan kong gawin 'to."

"Bakit?! Okay naman po ang buhay natin ah!"

Hinawakan ni nanay nang mahigpit ang kamay ko. "Sa ngayon anak, oo, maayos. Paano sa mga susunod na taon. Ikaw magkokolehiyo na, si Aldrich at Alden mag sesenior high na tapos mag ha high school na din si Desiree."

Apat kaming magkakapatid at ko ang panganay, kambal naman ang sumunod sa akin. Pagkatapos ay sinundan pa ng isa. Nang mag grade 8 ako ay iniwan kami ng papa ko at sumama sa iba. Sobrang galit ako sa tatay ko dahil iniwan niya kaming lahat kay mama at hindi man lang sinuportahan. Matapos anakan ang mama ko, iiwan kami! Gago. Isa pang dahilan kaya malakas ang loob mangbabae ay hindi pa sila kasal ni mama. Sa hirap ng buhay ay hindi na nila nagawang magpakasal. Pero hindi pa rin dahilan na hindi sila kasal ay may karapatan na siyang mambabae. May mga anak siya, for fucking sake! Hindi lang isa, apat pa!

Mabuti na lamang at naitaguyod pa rin kami ng mama ko. Napapalaki at napapag aral niya pa rin kami. Iyon nga lang ay doble kayod si mama.

"Pagbutihin niyo ang pag aaral niyo dahil iyan lang ang maipamamana ko sa inyo."

Iyan ang palaging paalala sa amin ni mama. Kaya naman patuloy akong nagsisikap. Bilang panganay alam kong sa akin umaasa ang mama ko.

"Ma.." patuloy na pagprotesta ko.

"Dianne, anak makinig ka sa akin. Hindi ko naman kayo papabayaan e. Ang mga perang ipapadala ko ay gamitin niyo sa pag aaral." Pangungumbinsi niya sa akin.

"Paano kami ma? Lumalaki pa lang si Desiree. Kailangan niya ng ina."

"Alam ko naman na hindi mo siya papabayaan, 'di ba?"

Panganay things. Ikaw ang aasahan sa lahat kaya pag nagkamali ka, lahat disappointed.

Pagkatapos nang usapan na 'yon ay hindi na ako inimikan pa ni mama. Dumating na rin kasi ang mga kapatid ko. Nagbihis lang ako at nag intindi na para magluto ng hapunan namin.

"Kuya, ano ba!" Dinig kong sigaw ni Des mula sa sala. "Nag aaral pa ako!"

"Kj mo, bunso. Halika na laro na tayo sa labas." Napapikit ako.

For sure that's Alden. Makulit at maingay si Alden habang kabaligtaran naman ni Aldrich na tahimik at hindi palakibo. Mana kaming dalawa sa papa namin at yung dalawa ay kay mama.

"Puntahan mo muna ang mga kapatid mo 'don. Ako na bahala sa niluluto mo." Kinuha ni mama ang sandok sa akin.

Walang imik akong lumabas sa kusina at pumunta sa sala. And I am right! Alden keep bugging my little sister na inis na inis dahil nag aaral.

"Alden, tigilan mo ang kapatid mo." saway ko kaagad sa kaniya. "Nakapag gawa ka na ba ng assignment mo?"

"Ate..."

"Ano?"

"Tapos na." Nginuso niya ang bag at nakita ko naman na maayos nang nakatupi ang mga libro at notebook niya. Hindi naman sa pagmamayabang pero matatalino kaming lahat. Palagi kaming kasamang apat palagi sa third honors at di bumababa. Ang mga kwarto nga namin ay puno ng mga medalya at nakatago ang mga certificates.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now