Chapter Two

2.7K 58 0
                                    

NASA isang sikat na fastfood kami ngayong pamilya para i-celebrate ang graduation ni Desiree. Hindi na kami naghanda ng bongga dahil maghahanda rin kami sa isang araw para sa graduation ko naman at despidida ni mama.

Kami ni Aldrich ang umorder at habng iniintay ang pagkain ay nag uusap kami.

"Kuya patingin naman nung mga pictures,"

Binigay kaagad ni Alden ang cellphone niya para matingnan ni Des ang mga kuha sa kanya. At dahil katabi ko si Desiree ay nasisilip ko iyon. Mabilis mag next ng litrato si Desiree pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang litrato namin nung kuhaan ng diploma.

"May video ka ba kuya?"

"Huh? Anong palagay mo sa cellphone ko maraming storage!" Inagaw ni Alden ang cellphone sa kapatid. "Manood ka na lang ng live, naka live naman kanina at sigurado naman akong hindi buburahin ng school 'yon,"

They continue talking habang inilibot ko naman ang tingin sa buong paligid. Nasa gilid kami at natatanaw ang nasa labas. Wala sa sariling pinagmasdan ko ang mga sasakyan na lumalampas, ang mga taong naglalakad sa gilid ng mga establishment. Ibabalik ko na sana ang tingin sa mga kapatid ko nang makaramdam ako ng parang may nakatitig sa akin.

Kumunot ang noo ko.

My breathing hitched when I saw a pair of blue eyes staring at me. Nasa isang mamahaling restaurant siya na nasa kabilang parte ng kalsada. Marahil ay natatanaw niya ako dahil glass wall din ang lugar. Kahit malayo ang pogi talaga!

I arched my brow at him. Hindi naman nakatakas sa akin ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Bumaling lang siya sa unahan niya when a tall and pretty woman sat infront of him. Ay may girlfriend pala.

Uniwas ako ng tingin sa kanila at itinuon ang atensyon sa mga kasama ko. Dumating na rin kasi ang pagkain namin. Umuwi rin kaagad kami pagkatapos.


"Ynarez, Celeste Dianne M. With highest honor."

Agad akong tumayo nang marinig ko ang pangalan ko. It's my graduation today and I will graduate with flying colors.


Mama also stood up and followed me on stage. I was smiling widely as I was receiving all my awards. Kumpleto kami kagaya ng dati. Bumalik kami kaagad sa upuan pagkatapos ko matanggap lahat.

"Unfortunately, our special guest for today didn't make it but he sent us video to give you dear graduates a very meaningful message."

Lumingon ako sa projector na nasa gilid ng entablado kung saan natatanaw ng lahat ng mga estudyante.

"Hi graduates! Congratulations to all of you for completing high school....."

Buong video yata ay hindi ko tinanggal ang titig ko sa projector. Bakit ba siya palagi ang mga guest speaker? Yes, he give the best speech and message but why it has always to be him?

"Ang pogi, grabe!"

"Sobra. Pero mukhang mas matanda sa atin,"

"Eh ano naman. Age is just a number!"

Ang mga estudyante sa likod ay hindi napigilan na mag comment sa hitsura ng lalaki. Nang matapos ang graduation ay nagpicture picture lang kami. Nagpicture rin kami ni Ella for memories syempre pagkatapos ay umuwi na rin kami para sa celebration.

Love at First Touchحيث تعيش القصص. اكتشف الآن