Chapter Seventeen

1.1K 43 4
                                    


KINAGABIHAN ay nakatanggap ako ng text kay Vyn. Tinanong kung kumain na raw ba ako pero hindi ko siya nireplyan. Pumapasok pa rin sa utak ko lahat ng nakita ko kanina. Hindi na rin naman siya nagtext kaya hinayaan ko na.

"Good morning!" pupungas pungas ang matang pinagbuksan ko ng pinto si Vyn.

Nangkakatok ba naman ng alas sais ng umaga.

"Ang aga, anong ginagawa mo dito?"

"Naghatid ng breakfast!" Itinaas pa ang pagkain na nasa isang paper bag. Kitang kita pa ang brand.

Starbucks. Yayamanin.

"Bakit may ganyann ka?" Naiinis pang tanong ko.

"Bakit? ayaw mo ba?" Napanguso ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "Do you want something else? Or do you want me to make our breakfast?"

Natigilan ako.

Bakit ba siya ganiyan? Kapag tumitingin ako sa kaniya naalala ko yung kagabi. Parang ang dapat ko yatang itanong ay bakit ba ako nagkaka ganito? Naiinis talaga ako sa kaniya!

"H’wag na! Magto toothbrush lang ako pagkatapos ay kakain na tayo."

"Okay, I'll prepare the table!"

Vyn excitedly stood up and went to my kitchen. Napailing na tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko. Nagderetso ligo na ako kaya medyo natagalan. Paglabas ko ay naka ubob na sa mesa si Vyn.

"Hey," I slightly tapped his shoulder.

"Oh. I'm sorry I fell asleep. I don't have a proper sleep last night." wika nito, bahagya pang nagkukusot kusot ng mata.

Tumaas ang kilay ko. "And why is that?"

"I was thinking why you didn't reply." He answered.

Natigilan naman ako. "S-sorry.. maaga ako nakatulog kagabi pagod kasi ako, eh. Intrams kasi namin I was assigned to bring foods and waters to the players."

Half lie, half truth. I was really tired last night dahil sa mga paglakad lakad ko sa mga pagkain ng mga players pero nag iisip talaga ako nung nakita ko kahapon sa mall kaya mas lalo akong hindi nakatulog.

"Nadia told me you went home early." Vyn stated as he gave me the breakfast.

"Ah, nagpunta pa akong mall. I..bought something,"

Vyn nodded. Akala ko magugulat siya or sasabihin man lang na nasa mall rin siya kagabi but it didn't happen. Natapos kami ng breakfast na puro about sa intrams ang pinag uusapan. Hinatid niya pa ako sa school pagkatapos namin bago siya pumasok sa trabaho.

"Manonood ka mamaya?" Tanong ni Nadia.

"Anong meron?" Clueless ko na namang tanong.

Kasalukuyang binabagtas namin ang daan patungo sa soccer field, manonod daw siya ng finals ng soccer. Maglalaro daw yung crush niyang taga engineering. Last day na rin ng five days intramurals namin at mamayang gabi pa ang awarding.b

"May Mr. and Ms. Intramurals mamaya. Fourth year pambato natin, galing sa Tourism." sabi ni Nade.

Sumimangot kaagad ako. Nakakatamad manood."Required daw ba manood?"

"Hindi ata. Pero manonood ako candidate crush ko, eh!"

"Eh, di hindi na ako manonood. Magpapahinga ako, masyado akong pinagod ng mga lintek na players ng volleyball." Umirap pa ako sa ere para ipakita sa kaibigan ang pagka inis.

"Ano bang nangyari sayo?"

"Akalain mong sa court pala ng junior high school ang finals ng volleyball kahapon. Eh ako ang nagbitbit nung mga bola. Malay ko bang doon pala yon, nalate tuloy ng 20 minutes yung game."

Love at First TouchWhere stories live. Discover now