Chapter Twenty Four

1K 36 8
                                    

NAGPATULOY ang celebration ng binyag ni Nieve. Gabi na pero nandidito pa kami kina Nio dahil umiinom pa ang mga lalaki. Vyn on the other hand is not drinking that much, magmamaneho pa kasi siya. I am drinking my drinks too pero paunti unti lang. Vyn's friends are planning to stay for the night maliban sa amin because we're planning to go home. Kaya naman panay ang inuman nila.

Mira was besides Cara and she is also nonstop drinking. Nieve is already sleeping.

"I feel like my head is spinning already." Mira said.

"Let's go upstairs, I've prepared one guestroom for you." Cara being the good friend, she insisted.

"No! I'm still okay, mare. Im brokenhearted today and I need this!" Aniya pa at muling lumagok ng alak na hawak.

Randam kong napatingin sa amin si Caramel bago niya muling aluin ang kaibigan na patuloy pa rin sa pag inom ng alak. Nararamdaman ko rin na alam ng mga kaibigan ni Vyn ang dahilan kung bakit ganyan si Mira but they choose to shut up.

"I'm happy for you, Nathan.." mayamaya ay tumayo na ito. Halata nang lasing dahil mapula na ang mukha. "Really, Nathan... Ang saya saya ko para sayo.."

Again, pakiramdam ko ang sarcastic ng pagkakasabi niya.

Or baka naman napa paranoid lang ako? Sa huli ay hinayaan ko na rin lang at piniling hindi pansinin ang nararamdaman. Di na rin kami nagtagal sa inuman at nagpaalam na si Vyn na uuwi na kami.

"I'm sorry for Mira's attitude earlier. Mag iingat kayo pauwi." Caramel bid us goodbye.

I thanked her then we left.

Pagkarating namin ay sa unit ko kami dumeretso. Si Vyn ang nauna sa Cr para mag intindi ng damit habang ako ay napatitig sa tanawing natatanaw ko mula sa balkonahe. Ang mga liwanag na nagmumula sa malawak na paaralan ng DIS maging ang mga buildings na nakapalibot at malapit dito ay napakagandang pagmasdan.

"What's bothering you?" Vyn asked as he hugged me from behind.

Naramdaman ko ang kaunting tulo ng tubig mula sa kaniyang buhok na pumapatak sa aking balikat. I also notice that he's only wearing a bathrobe kasi ramdam na ramdam ko ang kaniyang matigas na dibdib mula sa aking likuran.

Ipinatong ko ang kamay sa braso niyang nakayakap sa akin at saka pinagsakop ang mga daliri namin.

"Wala naman." Sagot ko.

"Yeah? Kahit kanina ka pa tahimik?", He kissed the side of my head. "Tell me, what's our problem love?"

"Naisip ko lang, how Mira and you broke up?"

Hinalikan n'ya ako sa pisngi at ipinatong ang ulo sa aking balikat. "Do you want to know?"

"Sasabihin mo ba?"

Humarap ako sa kaniya. Kaagad niya akong ikinulong sa mga bisig niya.

"Mira and I met during our med school. She was my classmate and maybe because we were the teachers favorite kaya kami naging close. Mira was the first one to tell me her feelings and then maybe because we're always together, I also liked her. We became in a relationship after I courted her, then she said yes and that relationship last for five years. But then something happened and we decided to broke up. It was a mutual decision and we broke up, very peaceful. No hard feelings."

"What happened?"

"We were reviewing for board examination while we're in last year of residency when her sister went ill and she had to undergo a surgery. I was the resident and assistant of the surgery but something happened inside the Operating Room and her sister d-died," pumiyok ang boses ni Vyn at himigpit ang kapit sa aking kamay. Hinayaan ko siya at pinakinggan pa ang kaniyang kwento. "Mira blamed me. I mean, I wasn't the head of the surgery but Mira told me that it's our fault because we did not do our best. It was frightening that I had to question the head surgeon of that operation to know in which part of the surgery went wrong but he told me, none. And I'm sure that there's no wrong in the process because I am inside and if there's something wrong, I would've fight with the surgeon. Unti unti lang talagang bumaba ang vitals and blood pressure ng ate niya and then flat line."

Love at First TouchOn viuen les histories. Descobreix ara