Chapter Seven

1.3K 48 0
                                    

After eating, bumaba ako ng kwarto dahil alam kong sa haba ng tulog ko ay mahihirapan na ulit akong makatulog. Naabutan ko sila doon sa cottage namin kanina na mga nag iinom. Maraming iba't ibang alak at pagkain sa mesa. Andon silang lahat maliban kay Hazel.

"Dianne!" Brix was the first one to notice me.

"Hi guys."

Nagtama ang mga mata namin ni Vyn. Khalil stood up at lumipat ng pwesto.

"Upo ka, Dianne." Umupo ako sa pinag alisan niya. Katabi iyon ni Vyn.

"Did you eat your dinner?" Tanong kaagad ni Vyn. Tumango ako siya naman ay tumayo. "Cr lang."

"Umayos ka nga, Vergara! Masasapok kita!" Angil ni Wendell sa patuloy siyang kinukulit na si William.

"Tanginamo! Para kang hindi Vergara kung maka Vergara ka ah!"

Tumawa silang lahat. I look at Nio when he put a glass of orange juice pero ayaw ko galawin 'yon. The smell of alcohol is calling me.

"Can I drink?" Mahinang tanong ko habang tinuturo ang hawak niyang baso.

"Alcohol?" He asked and his lips slightly parted.

"Yeah,"

"Sigurado ka?"

"Hoy Nio tigilan mo yan, magagalit si Nathan sa'yo." Dinig kong sabi ni Khalil kay Nio na nakikinig pala sa amin.

Ngumuso ako. "Wag kayong mag alala, akong bahala kay Vyn." Walang kasiguraduhan na pagninigurado ko.

"Paano to?" Tila nahihirapang saad ni Nio, he even scratched the back of his head.

"Just let her. Gusto niya 'yan e. You're in legal age to drink naman, diba good girl?"

Tumango ako. "I'm nineteen."

"See? She's legal!" Patuloy na pagpu push ni Wendell.

"Tanginamo Vergara! Kapag si Nathan nagalit.." Nio hissed.

Bakit ba ayaw nila akong painumin? Minsan lang naman.

"At bakit naman ako magagalit?"

Napalingon ako sa likod ko at nakabalik na pala si Vyn. He's eyeing his friends like he's waiting for their answer.

"Si Dianne gustong uminom." Pagsusumbong ni Nio.

Vyn's eyes landed on me. "Are you sure?"

"Ngayon lang naman, e. Promise! Konti lang!" I showed him my index and thumb finger to show the little sign. And I also pouted and make my eyes softer.

He sighed and sat beside me again. "Okay."

Naghiyawan ang mga lalaki habang si Nio ay inabot na sa akin ang baso ng alcohol. Brix is just intently looking at us-i mean kay Vyn-na parang may iba siyang nararamdaman. Umiwas lang siya ng tingin nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Alanganin akong ngumiti.

Kinuha ko ang baso at dahan dahang ininom 'yon. Napapikit kaagad ako nang malasahan ko ang pait sa dila ko. Mabilis na gumuhit ang init na dala ng alak sa lalamunan ko. Damn, ganon ba talaga pag first time?!

"Mali ka, Dianne." Pansin ni Khalil sa paraan ng pag inom ko. "Wag mong unti untiin ang inom, malalasahan mo talaga ang pait niyan. Dapat ganito, watch me..." Then he drank the alcohol in one straight!

"Ayaw daw painumin pero siya pa ang nagtuturo ngayon. Ayos ka talaga, Khalil!" Sabi ni Brix sa kaibigan.

Napangiwi ako sa ginawa niya. But I found myself drinking my tequila the way Khalil drink it! Nakakalimang baso na ako at ramdam ko na ang pag ikot ng sistema ko!

Love at First TouchWhere stories live. Discover now