Chapter Sixteen

1.1K 39 2
                                    

"KAMI na po ni Vyn ang mamimili ng gulay, tiya." presinta ko.

Magluluto daw si kasi si tiya ng pinakbet para mamayang tanghalian. It was already Sunday and mamayang hapon ay uuwi na rin kami. We've been staying here for two days na mula nung umuwi ako ng Thursday. Vyn is sleeping in the twin's room while I sleep besides Desiree.

"Oh ay siya sige, mag iingat kayo, ha."

Agad kaming umalis. Mabuti at may dalang sasakyan si Vyn papunta dito. Naging madali ang byahe namin papunta sa palengke. Dinaldal ko lang si Vyn ng kung ano ano hanggang makarating kami.

"Let's just buy this one."

"Nope." Putol ko kaagad sa kaniya. "Hindi mo ba nakita na mapula yung mata? Ibig sabihin non hindi na fresh! Kaya sa suki namin tayo bibili, mura na may discount pa and fresh pa!!" wika ko with actions pa.

"Ganon ba yon?" tanong pa niya.

"Ayan, palibhasa hindi ka nag gogrocey e!" pang aasar ko na lang. "Hayaan mo next time sasamahan kitang mag grocery ng para sa bahay mo!"

Sumimangot naman siya dahil alam niyang guilty siya pero napangiti rin sa sunod kong sinabi. Nagpatuloy kami sa pamamalengke at panay ang bigay ko ng mga tips kay Vyn na pwede niyang magamit kapag mag isa na siyang namalengke.

"Loko ka, tinawaran mo pa yong matanda. 240 na nga lang isang kilo, ginawa mo pang 220." Natatawang sabi sa akin ni Vyn.

Paalis na kami ng palengke at huling tindahan na ng gulay yung pinuntahan namin na iyon.

"Hayaan mo na kumare naman ng inay ko yon!"

Nagtawanan kami saka napag desisyonan ng umuwi. Habang nasa daan ay kwento pa rin ako ng kwento about sa akin sa mga karanasan ko noong bata pa ako.

"Tapos nagalit sa akin kaklase ko kasi palagi akong top 1. Eh, kasalanan ko bang mas matalino ako sa kaniya?!" kwento ko pa.

"Is she that insecure to you?"

"Yes! Pinapunta niya pa si mama at saka ang mama niya sa school. Akala mo naman uubra sa sa'kin, talino ko kaya!"

"Yeah, you're the smartest." sakay niya pa sa kayabangan ko. Nung elementary lang naman iyon.

Mayamaya paglingon ko sa bintana ay natanaw ko ang paborito kong mangga vendor dito sa amin. Pinahinto ko si Vyn na agad niya rin naman na ginawa.

"Hi, manong!" magiliw na bati ko. "Kamusta po?"

"Ay ang pinakamaganda kong costumer! Kamusta ka, hija? Aba ay matagal tagal rin kitang hindi nakita, ah."

"Nag aaral na po ako sa Caringal manong. Pero namiss ko po talagaa ang tindang mangga niyo!" wika ko.

Agad kaming bumili ng dalawang kilong iuuwi sa amin. Dinagdagan pa ni manong dahil ika nga ay ako ang paboritong costumer. Muli kaming nag byahe ngunit nagulat na lang ako nang biglang prumeno si Vyn.

"Oh my God, Vyn!" I exclaimed.

"M-may batang biglang tumawid. Glad that I stop the car even it hit the kid."

Nanlaki ang mata ko. Dali dali kaming bumaba only to see a little kid crying in the middle of the road.

"H-hi... Are you alright, kid?" Kinakabahang tanong ni Vyn sa bata. Nanginginig ang kamay na sinubukan na hawakan niya ang kamay nito. "Where are your parents, huh?"

"I...I.. I d-don't know..po.. I just run when I heard them fighting again." Umiiyak na sumagot ito.

"Do you know where you live? Pwede ka namin ihatid." I said.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now