Chapter Twenty Nine

883 27 5
                                    

SAKA ko lang naramdaman ang sakit ng sugat ng tuhod ko pagkabalik ko sa condo. Kaagad ko iyong ginamot at nilagyan ng band aid. Hindi ako makaramdam ng antok, ang daming pumapasok sa utak ko at nakatulugan na.

Vyn the next day went home in a different outfit from last night. His black hoodie is already discarded and now he's wearing a simple plain pink t-shirt na sa tingin ko ay kay Mira. I pretended that I didn't notice it  but after that night, Vyn become more distant.

Two days since that day happened, I pretended that everything didn't affect me at all. Tinuloy ko pa rin ang pagtuloy at pag akto sa harap ni Vyn. Kung magtatanong kayo kung may nagbago, meron. Vyn really became more distant and cold.

We sleep in the same bed but we are occupying the ends of the bed. We stayed in the same house but we rarely see each other. We eat in the same table but we never talk. Alam mo yung tipong ang lapit namin pero parang ang layo layo namin. 

"Aren't you just fooling around?" pag uusisa ni Rivera.

Him and Phia are the only one who knew about my problem with Vyn. Sila lang din naman ang may alam na boyfriend ko si Vyn. Nagulat pa nga sila nang malaman kung sino, aniya ay ang swerte ko daw.

"Sinasanay ko lang sarili ko na ganito kami. Tatapusin ko rin naman." saad ko.

"Sinasanay or sinasaktan?" Untag ni Phia. "I mean, if he wanted to make you stay, he'll do something, right? Sabagay, kung ako din naman, magtitiis na lang ako. Hot kaya ni Mr. CEO." Dagdag pa nito.

"Loko!" Inirapan ko s'ya. "Mauuna na pala ako, may gagawin pa ako. Bye, guys!"

Kumaway ako sa mga kaibigan. Deretso uwi ako pagkatapos. As usual, nagluto ako ng pang dinner namin ni Vyn bago naglinis ng bahay. Naligo na rin ako para mabango.

Inaasahan ko nang malelate ng uwi si Vyn kaya naglabas muna ako ng reviewer. I used my headphone and played the recorder I recorded during class while writing notes. You know, this study habit of mine is really helpful na kapag may may hindi ako naiintindihan ay pinaparinggan ko na lang tapos saka ko isusulat at pag aaralan.

Wala pa rin si Vyn matapos ang ilang oras. Tumayo ako saglit para kumuha ng tubig ngunit natigilan ako nang makita si Vyn na nakatayo sa may gilid ng pinto. Nakasandig pa s'ya at tila kanina pa ako pinapanood. Bahagya rin siyang nagulat.

"Vyn. ." I mumbled. "K-kanina ka pa dyan?"

"No, I just arrived."

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dyes na. "K-kumain ka na?"

"Hindi pa. Nagluto ka ba?" tanong n'ya.

Kaagad akong tumango. "Yes. Kain tayo?"

Hindi siya umimik bagkus ay nauna s'yang pumasok sa kusina. Binitbit ko ang cellphone at sinundan siya.

"Iinitin ko na lang, kanina pa kasing seven pm yan," ani ko at sinimulang initin ang ulam. Mabilis lang naman kaya naghain na rin kaagad ako.

Ramdam ko ang panonood ni Vyn sa bawat galaw ko kaya ilang na ilang ako. Mula sa pagkuha ko ng plato, paglalagay ng tubig at pagsasandok ng kanin, pinanood n'ya. Iniiwasan ko na lang talagang magtama ang aming mga paningin.  Ako na rin ang naglagay ng kanin sa plato ni Vyn, usual routine.

"I will surely miss this," wika n'ya habang nakapanood pa rin sa akin. "I never want to forget this moment."

Malamlam akong tumingin sa kaniya. "You don't have to miss nor forget this, Vyn. I can show this to you everyday, just let me."

"I. . can't," he averted his gaze from me.

"Why, Vyn? Just give me one acceptable reason, I'll leave." I said with determination. "Walang lingunan, kakalimutan kita. Isang rason lang."

Love at First TouchWhere stories live. Discover now