Chapter Twenty Six

1K 29 12
                                    

VYN continued going home late for the next weeks. Nabibilang ko na sa mga daliri kung ilang beses kaming nakakapag usap sa loob ng isang linggo. Hindi na rin kami palaging sabay kumain, iniisip ko na lang na busy kami pareho kaya wala ng time pero ang totoo hindi ko na alam ang mga nangyayari sa buhay niya and vice versa.

"Nakapag pasa ka na nung assignment sa anatomy class?" Si Phia, isa sa mga classmates ko na naging kaibigan ko na rin.

"Mamaya pa pagdating ni ma'am."

"Same." Segunda n'ya.

It is nearly Christmas kaya naman makikita ang mga nagliliwanagang Christmas lights sa bawat tahanan. Ang mga parol na nakasabit sa bintana at labas ng mga bahay ay idinuduyan ng malamig na ihip na hangin.

Nakahalumbabang pinanood ko ang senaryong iyon sa loob ng 7/11 na malapit sa condo. Hindi ko alam ngunit iba ang lamig ng hangin ngayon kesa nung mga nakaraang taon. I am busy spacing out when I heard my phone beep.

loveeee: Can't go home early tonight. Eat your dinner before sleeping. I love you.

Atleast he updated me.

I sighed and chose not to reply him. Inubos ko lang ang kinakaing cup noodles bago ako bumalik sa unit ko. Once I entered the place, silence embraced me. It is already seven thirty and usually Vyn and I are already chatting while eating the dinner I cooked but right now it's only the cold adobo in my table.

Hindi ako kumain gaya ng sinabi niya bagkus ay natulog na lang ako habang yakap ang isa sa mga t-shirt ni Vyn na nasa kwarto ko. Naiiyak na ako because I badly want to hug him right now! I miss his smell!

Nakatulugan ko na pag iyak kaya naman nang maramdaman kong gumalaw ang kaliwang parte ng kama ko, awtomatiko akong umikot paharap. And there I saw him! Wearing his black silk pajama and topless, he's now ready to dive in the bed.

"Hey, did I wake you up?" He asked and caressed my cheeks to plant a soft kiss on it. Halos maluha na kaagad ako when I felt his warmth palm against me.

"No.." my lips quivered.

"Shit!" Mahinang mura niya at kaagad kumilos para mayakap ako. "Why are you crying?"

"I missed you.." Hindi napigilang umiyak na ako. I looked like a crybaby right now but I couldn't care less. I miss him too much to even think that.

"Hush, baby..." Pag aalo niya sa akin. "I'm sorry, I'm here now.. please stop crying,"

Humikbi ako lalo sa kaniya. Nababasa na ang kaniyang dibdib pero tila ay wala na siyang pakialam doon.

"I'm sorry.." paulit ulit niyang banggit habang panay ang halik sa ulo ko.

Panay lang ang banggit niya sa akin ng paulit ulit na mga salita hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"I'm sorry, love. I just want you to be happy even if without me."

I'm not sure of I heard that correctly because my mind was really occupied by the thoughts of missing him.

When I woke up the next day, I am welcomed by a breakfast in bed prepared by my boyfriend. Napangiti kaagad ako nang makakita ng note. Typical Vyn.

Good morning, my prettiest love!

Wear something comfortably today, we'll going on a date all day. See you later. I'm at gym upstairs, by the way.

Don't forget to eat your breakfast. I love you!

I took a photo of me and the food that I am eating it and send it to Vyn.  I also posted it on my IG story. May caption pang ‘thank you, love’.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now