Chapter Twenty-one

1.1K 60 11
                                    

Happy 90 followers sa akin and happy 4.9k!!




"HAY, grabe na talaga mga inlove! Lagi nang late!" Nadia rolled her eyes at me.

I shot her a deadly glare before occupying the seat beside her. We are currently in the church. Nagsisimula na ang misa nung dumating ako.

"Where's kuya Vyn?" bulong niya pa.

"Nasa meeting." pabulong na sagot ko rin.

Tumango lang siya at saka nakinig na sa sermon. Usually pag sisimba kami, kasama namin si Vyn unless he's busy. E may meeting ngayon kaya hindi siya makasama.

When the mass ended, Nadia and I decided to have fun. Dumeretso kami ng mall.

"Feeling ko kailangan ko na magtipid, Nade." Humawak ako sa braso ng kaibigan.

"At bakit naman?"

Bumuntong hininga ako. "Kailangan ko magtipid para sa mga kapatid ko. Hanggang ngayon kasi wala pa rin kaming contact kay mama at ayoko naman na sa kaniya pa rin umasa hanggang huli. Kung aasahan ko ang padala ni mama b'wan buwan, hindi na 'yon sasapat sa amin lalo pa at college na rin yung kambal." Lintaya ko.

"Do you know some jobs I can do? Para naman may magawa ako habang bakasyon pa."

"I'm not sure. Pero si kuya malamang merong alam." Suhestiyon niya na kaagad kong inilingan.

Ngumuso ako at saka uminom sa milktea na hawak ko. "Wala nga akong balak sabihin kay Vyn. Sigurado kasi akong pag nalaman niya, poprovidan niya kami at hindi ko na 'yon matatanggap."

Vyn already helped and love me a lot. His presence is already enough for me. Hindi ko na kayang tumanggap ng kahit ano kay Vyn unless our relationship is involved. Kargo ko na ang mga kapatid ko. Having Vyn beside me is already enough.

"Please promise me na hindi mo sasabihin kay Vyn kahit anong mangyari." Inoffer ko ang hinliliit na daliri sa kaibigan.

Bumuntong hininga siya at tinanggap ang daliri saka namin pinag dikit. "Promise!" It's a pinky promise, then!

Naglaro pa kami sa arcade at nanood ng movie bago namin naisipan na umuwi na. Sinundo siya ng driver nila kaya doon na rin ako nakisakay. On the way naman sa daan pauwi sa bahay nila yung VNC.

The same night, I tried contacting mama again. Naghahanap na rin kasi sina Desiree at ang kambal pero hanggang ngayon ay wala na akong balita. Ilang linggo pa ang lumipas ay ganon pa rin. Palaging can't be reached ang cellphone ni mama.

"Nag open ng bagong bookstore yung pinsan ko sa mall nearby the school and nangangailangan siya ng assistant and I offered you to him. Pwede ka na daw magpunta sa kaniya bukas and don't forget to bring your bio-data." It was Nade's who is currently on the phone and talking to me.

"Really?!" tuwang tuwa saad ko.

Ilang araw na rin akong naghahanap ng trabaho para kahit papaano ay may mai support ako sa mga kapatid ko. Tatlong linggo na lang din kasi at pasukan na kailangan pa namin ng pera para sa enrollment nina Alden at Aldrich. Though nakapasa sila sa scholarships dalawa, tuition lang ang covered non pero hindi ang mga miscellaneous fees. The materials were also not provided by the school skaya malaking pera talaga ang kakailanganin namin.

"Yup. Don't worry my cousin's kind." Nadia said.

I repeatedly thanked Nadia after that. Just like her brother, sobrang thankful rin ako na siya ang naging kaibigan ko sa lugar na to. She was once a stranger who asked me to be his report partner and now we're best of friends. No. We're most likely to be sisters.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now