Chapter Three

1.8K 42 0
                                    

"TAMA na yan. Maupo na kayo." Tawag sa amin ni William. Itinabi ako ni Vyn sa gilid kung saan walang pwedeng tumabi sa akin then he sat beside me.

"What do you want to eat?" mahinang tanong niya sa akin.

"Huh? A-ako na po kukuha, sir." nahihiyang sagot ko. Isa pa ay ramdam ko ang panonood sa amin ng mga kaibigan niya.

"You're my responsibility since I brought you here."

"Kahit ano na lang po." Magalang na sabi ko. His face crumpled like he don't want of what he heard.

Tumayo siya para kuhanan ako ng pagkain. Nakatungo lang ako at pinaglalaruan ang kuko. Nang subukan kong iangat ang mukha ko ay nasalubong ko ang tingin ni Brixton. Iniwas ko kaagad ang paningin ko dahil tila ay binabasa niya ako.

"Sir Vyn." Tawag ko sa kanya habang nag lalagay siya ng pagkain sa plato. Narinig ko kaagad ang sunod sunod na komento ng mga kaibigan niya dahil sa itinawag ko sa kanya.

"Sir Vyn amp."

"Gago kailan pa nagpatawag ng Vyn yan?"

"Wow, naghimala yata bigla ah."

Lumipad kaagad ang tingin niya sa akin. "what?" Masungit na tanong nito.

"Pwede pong magpa charge. May kailangan lang po akong tawagan," I raised my phone to showed him.

"I have powerbank, Dianne. Wait!" Khalil stood up and ran inside. Pagkabalik niya ay may dala nga siyang power bank at adoptor. I thanked him and charged my phone.

Nang mabuhay ay sunod sunod na text ni Aldrich at Alden ang bumungad sa akin. Maging si tiya Teresa ay may mensahe na rin, hinahanap ako. Nag reply lang ako na wag silang mag alala at magtetext na lang ulit ako kapag pauwi na ako. Wala pang limang segundo ng reply ko kay Aldrich ay tumawag na siya. Tumayo ako para masagot ang tawag.

"Kumain na ba kayo? Si Desiree?"

"Kakatapos lang ate. Ikaw kumain ka na? Nasaan ka ba ate? Uuwi ka ba ngayong gabi? Nag aalala na kami ate. Umuulan pa rin hanggang ngayon dito at kapag lumakas huwag ka nalang muna umuwi dahil delikado." Mahabang lintaya ng kapatid ko. Napangiti na lang ako.

"Ayos lang ako Aldrich. Intindihin mo sina Desiree..sige na, bye."

"Bye ate. Mag iingat ka."

Bumalik kaagad ako pagkatapos. Nakabalik na si Vyn at hinihintay na lang ako. The plate is full of different foods may barbeque din. Naexcite naman ako kumain dahil ang iba ay ngayon ko pa lang matitikman. Umupo ulit ako sa upuan ko kanina at nagsimula na ako kumain. Syempre mabagal lang ang pagkain ko dahil nakakailang ang tingin niya. Bawat subo at nguya ko yata ay pinapanood niya.

"May gusto ka pa ba?"

Ikaw. Joke.

"Wala na po sir Vyn-"

"Can you please drop the sir?!" Inis na sabi niya sa akin.

"Pero.. sige po-"

"Drop the 'po' too. It's irritating!" Tumayo siya pagkatapos sabihin 'yon.

I saw how his friends laughed like they saw something interesting to watch. Bumalik ako sa pagkain pero bigla akong nabilaukan. Brixton gave me a glass of something at iinumin ko na dapat iyon pero naamoy ko na alak iyon.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now