Chapter Eighteen

1K 49 16
                                    


DING DONG!

Sabay kaming napalingon ng kaibigan ko sa pinto. Lumabas ako ng kusina habang naiwan naman si Nade sa kusina. Pagbukas ko ng pinto ay ang pamilyar na bulto ni Vyn ang bumungad sa akin. Halatang galing sa trabaho dahil suot niya pa ang coat at may dala dala pang briefcase.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Kunyari ay naiinis na turan ko. Hell, I'm so happy that he's here! It's been days since I last saw him.

"Hey. It's been three days since I've been here. I miss your cook." He nonchalantly said.

Aray, beh. Yung cook mo lang daw yung miss.

"And of course, I miss you too and I want to see you."

I bit the inside of my cheeks to avoid myself smiling like an idiot. Instead, I open the door wide and let him in. Nagpalit siya ng tsinelas niya na nasa unit ko na saka kami dumeretso sa kusina.

"Sinong dumating?" Naiwan sa ere ang huling salita na sinabi niya nang makita ang taong nasa likod ko. "Kuya.."

"Nade? What are you doing here?" he asked his sister.

"Dianne and I are doing research. What about you? What are you doing inside my best friend's unit? And you're still on your working suit.." pansin niya sa suot ng kapatid.

"Im going to eat here. And oh, I change. I have clothes here." Sabi pa nito na nagpakunot ng noo ko.

Anong damit?

"Clothes? Nasaan?"

"In the guest room. Some of my things are there."

"WHAT?!" I exclaimed loudly. "Bakit hindi ko alam? Kailan pa mga damit mo doon? At bakit may damit ka sa unit ko?"

"Hey, hey, chill..." pagkakalma niya sa akin. "Minsan kasi nakakatamad umakyat ng pabalik balik sa penthouse ko so naisipan ko na magdala na lang ng ilang piraso ng damit dito."

"At bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakapameyawang na ako.

"It's because you'll be mad. Ayokong nagagalit ka." He pouted like a child.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya.

Wala na.

Hulog na.

"Ay nahulog!" Sabay kaming tumingin sa kinatatayuan ni Nadia dahil sa tunog na nagmula sa pwesto niya. Aksidente niya atang nahulog yung tinidor. "Sorry may nahulog na kasi dito, eh..." Sumulyap pa sa akin. "..Yung tinidor, nahulog."

Tumikhim ako. "Sige na, mamaya ka na magpaliwanag. Kumain na muna tayo."

Buong kainan ay si Vyn at si Nade lang halos ang nag uusap. They're talking about things that I don't understand. Hindi pala sa hindi maintindihan, di lang ako maka relate. Also, I'm still thinking of Vyn's property inside my unit.

Pagkatapos namin ay ako ang naghugas habang yung magkapatid ay nagderetso na sa sala. Magpapatulong na gumawa ng research sa kapatid si Nadia. Hinayaan ko na lang sila doon at nag intindi na lang ako ng sarili para maglinis at magpalit ng pangtulog.

Bumalik ako sa sala pagkatapos at ganoon pa rin ang pwesto nila.

"Do not forget to put the citation at the last part of your sentence here, Nade." Dinig ko pang utos ni Vyn sa kapatid at may tinuro turo pa sa laptop.

Sa sobrang busy yata nilang dalawa ay hindi na nila ako napansin. Humalukipkip ako at pinanood muna silang magkapatid.

"Was this part sent by your groupmates?" Tanong niya kay Nade matapos iscan ang isang folder.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now