Chapter Thirty Two

985 29 12
                                    

"PUPUNTA KA?"

Tumango ako sa tanong ni Juliana. Despidida ngayon ng aming head surgeon at alam ko naman na hindi papayag si Juliana na wala ako roon kaya sasama na lang ako. Today was supposed to be the day na dadating ang bagong head surgeon namin ngunit nanghingi raw ito ng extension kaya next week na raw namin siya makikilala.

We were voluntarily assigned to give some token if appreciation sa aming head surgeon. And I am going to give him one because he's one of the doctors here na naging ka close ko. Teacher ko rin siya sa med school kaya nakakalungkot din na aalis na s'ya.

"Saan ka pupunta?" Salubong sa akin ni Juliana.

"Mall,"

"Wearing your lab coat?!"

Tiningnan ko ang sarili at nakitang naka lab coat pa nga ako. Kakatapos lang din kasi namin  mag rounds kasama ang isang fellow surgeon. Doon ako naka assign sa fellow doctir na iyon kaya everytime na may rounds siya, kasama dapat ako. Because her patients are also my patients.

"Hayaan mo na! I'll be back after one hour din naman."

Lunch naman kasi and it's supposed to be my break time so yon ang ginamit kong time para mag mall. Bumalik na rin naman siya sa duty n'ya kaya nakaalis na rin ako. Nag taxi lang ako papunta sa mall upang mas mabilis ako.

Pagdating sa mall, hindi kaagad ako nakapag decide ng bibilhin ko kaya maraming stores. Unlike in the Philippines, if you walk wearing your work attire,  pagtitinginan ka. Here in Canada, walang pakialaman.

At the end, I decide to buy a ballpen for my senior head surgeon. Maaga pa at may konting oras pa nang makabili ako kaya naman naisipan kong magtingin tingin na rin ng libro.  Bumili rin ako ng ilang medical books na nakita ko sa store at kaagad rin na bumalik sa hospital.

My day went just like usual. Nang matapos ang duty ng lahat ay excited na sila para sa despidida. Hindi sa aalis kundi mostly ng aming department ay kasama at maaga ang uwi mula sa duty. I just wore white top and a high waisted pants and paired it with a sandals.

Sa isang restaurant na ni reserve ni chief ang venue. And I don't know why pero tila kinakabahan ako sa despidida na ito. Pakiramdam ko ay may mangyayari. Si Juliana ang kasabay ko papunta roon at tuwang tuwa ang babae at hindi na night shift. Marami nang tao noong dumating kami kaya nagsimula na rin agad.

"So, may I call on our chief surgeon to please give us his message." One of the doctor who serves as the host said.

It wasn't just a usual goodbye party. Hindi kagaya sa Pilipinas na mga kaibigan at pamilya ang kasama at mga malalapit na kamag anak, dito mas sa mga katrabaho at kaibigan lang.

"Thank you guys from coming. I know you're all a great doctor. Either I am here or not, you should always know that we, doctors, are the savers. People's lives extension are always dependent on us." He trail his speech. "Ah, by the way, I forgot to say that the new head surgeon of our department will come today—." Nabitin sa ere ang kaniyang sinasabi nang bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang isang lalaki.

At dahil mas malapit kami sa pinto ay kaagad kong namukhaan ang pumasok. Umawang ang mga labi ko at literal na napatitig na lamang sa kaniya. Kumurap kurap pa ako ngunit talagang nandidito siya.

Six years.

I watched Khalil proudly walked in the middle as our gazes were fixed to him. Don't tell me he's our new head surgeon?! But as far as I can remember, he took business management back then kasi siya ang heir ng kanilang company. But how the hell he's here?!

I watched him hugged our chief surgeon at maging ang maiksing pag uusap nila ay pinanood ko rin.

Nandidito si Khalil. Ibig sabihin may malaking posibilidad na nandidito rin siya?

Love at First TouchWhere stories live. Discover now