Chapter Thirty

1K 41 24
                                    

SA dami ng pinagdaanan ko, eto ang pinaka napagod ako. Sunod sunod na. To the point na pagod na ako at wala na akong mailuha!

Our break up, financial problem, me dropping med school, lagay ng mga kapatid ko dito. And now, this. Alden getting his girlfriend pregnant?

Akala ko hindi na ako maiiyak ngunit nagkamali ako. Hindi kinaya ng tuhod ko kaya napaupo na ako sa lupa. This is just too much! Napahagulhol na ako ng sobra! Kaagad namang lumapit sa akin si Aldrich.

"Sorry, ate. . ." Umiiyak na rin sila.

Sa dami ng sakripisyo at paalala ko sa kanila, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Pagod na ako sa lahat. Kay Vyn, kay mama, kina tiya, sa mga kapatid ko, sa bahay, sa school. Gusto ko na matapos lahat! Bakit nangyayari sa amin lahat ng ito? Wala naman kaming na agrabyadong tao!

He knows how I worship Him every Sunday. Pinaparusahan niya ba ako?

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak at natulala. Ang huling alam ko ay papunta kami sa bahay namin. Ngunit kagaya ng inaasahan ay may tao na roon. Nasa labas na rin lahat ng gamit namin at parang mga basurang nakatambak sa labas.

Kumibot ang labi ko at muling napaiyak. Hindi ko na kaya! So I called Ella to ask for a help.

"Sorry, girl. Hindi na kasi ako sa bahay nakatira. Sa bahay na ng asawa ko. Kinasal na ako last month pa pero hindi na kita makontak kaya hindi na kita naimbitahan." Natigilan ako dahil hindi ko man lang alam na may asawa na ang bestfriend ko.

I was so pre occupied sa mga nangyayari sa kin to the point na hindi na ako aware sa mga nangyayari sa buhay ng malalapit sa akin. Am I selfish? Puro sarili lang ba ako?

"S-sorry, Ella." I apologized.

"Ano ka ba! Ayos lang! Pasensya na rin dahil hindi ko kayo matulungan."

I also tried calling some of my friends here back then but most of them are out of reach. Siguro dahil it's been a years na rin at marahil ay nagpalit na sila ng numero. Hindi ko na naisipan kontakin sina Phia at Rivera. Masyado na silang maraming nagawa para sakin especially Rivera. And this is our problem. Hindi na dapat sila maiinvolve dito.

Ngayon ay nasa isang waiting shed kami malapit sa 7/11. Madaling araw na at wala pa kaming matulugan. Wala pa rin akong pahinga simula nang makipag hiwalay ako kay Vyn. Kinikimkim ko pa rin lahat ng sakit ng pangyayaring iyon.

"Mag explain ka sakin, Alden. Anong nangyari at bakit nagkaganito?" Kalmadong tanong ko.

"Its a accident ate. Parehas kaming lasing and we're both out of minds nung nangyari so we did it without any protection." Maiksing paliwanag n'ya.

Napaawang ang labi ko at napasapo sa noo. "How could you be so careless, Den?!"

"I'm sorry, ate." Paulit ulit n'ya lang yan sinasabi. 

"I'm not mad, Alden. But I am very disappointed." Turan ko. Napayuko sila pareho. "I'm not blaming you Janice, ha. But I just can't talk to you right now."

Tinalikuran ko sila matapos non. Today was just too much! Parang bibigay na ang katawan ko sa dami ng pinagdadaanan ko. Gusto nang sumabog ng puso ko sa bigat ng lahat ng dinadala ko. Ni hindi ko pa nasasabi sa kanila na half siblings lang kami. Wala pa rin silang alam sa break up namin ni Vyn.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan ngunit tila wala itong balak huminto bagkus ay mas lalo pang dumami ang luhang bumabagsak sa king mga mata. Tahimik akong humagulhol. Pinipilit na hindi marinig ng mga kapatid ko ang hikbing bunga ng aking pag iyak.

Paano ko sila bubuhayin? Wala nga kaming bahay. Wala na rin kaming pera. I've already spend the cash I have! Paano ako magpapaka magulang sa kanila? I don't have a job!

Love at First TouchWhere stories live. Discover now