Chapter Ten

1.1K 36 1
                                    

PABAGSAK kong ibinaba ang aking gamit sa sofa pagkarating ko mula sa eskwelahan. Nagpahinga lang ako saglit saka naisipan na magpalit bago ako nagluto ng aking hapunan. Nagprito lang ako ng tilapia saka gumawa ng sawsawan saka ako kumain.

Pagkatapos ay binuklat ko ang mga notes ng mga pinag aralan namin kanina. Habang nag aaral ay nahagip ng paningin ko ang panyo na ipinahiram sa akin ni Iñigo kahapon. Hindi ko pa nga pala naiibalik 'yon. Nagpakilala siya sa akin pagkatapos gamutin ng nurse ang sugat ko.

Mag aalas nuebe na nang naisipan kong magpahinga na. Pumunta ako sa kwarto bitbit ang gatas na tinimpla ko at kinontak si Aldrich.

"Hello, ate? Kamusta naman?"

"Ayos lang ako. Kayo kamusta?"

"H-ha? Ah ayos lang din ate." Utal utal na sagot niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagkautal niya.

"Anong nangyari, Aldrich?" Maawtoridad na tanong ko.

"S-si Des ate... Nakipag away.." Mahinang sabi nito at tila yata ay ayaw iparinig.

Saglit akong natigilan. Si Des makikipag away? Hindi gawain ng kapatid ko 'yon! Umayos ako ng upo para matanong ng ayos si Aldrich.

"Anong nakipag away? Hindi ganon si Desiree, Aldrich. Where is she by the way?" Sunod sunod na tanong ko.

I heard Aldrich sigh. "She's sleeping. Kakatapos lang mag review. Sabi sa akin ng teacher niya ay nagkapikunan lang naman. And you know ate how short the temper of that girl is."

"Kakausapin ko na lang siya bukas. Kayo ng kakambal mo kamusta?"

"We're good ate." Sagot nito sa akin. "E ikaw ate? How are you? Marami na bang umaaligid sa'yo dyan? Do you have friends?"

"I'm fine, Aldrich. And yes may mga kaibigan na ako."

"That's good ate."

Nagkwentuhan pa kami saglit bago nagdesisyon na ibaba ang tawag. Gabi na rin at matutulog na sila. Kinabukasan alas kwatro pa lang ay gising na ako dahil tumatawag si mama kada madaling araw. Habang nagiintindi papasok ay kausap ko si mama na matutulog naman. Sa Saudi siya kaya limang oras ang pagitan.

"Ingat ka, ma." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Kinabukasan mas maaga na akong gumising dahil hindi naman masyadong busy sa acads ngayon. Pagkatapos kumain at magsepilyo ay nagsimula na ako maglakad papunta sa school. I was humming a song when I heard a beep sound in my back. Huminto ako at nilingon at ang kotseng tumapat sa pwesto ko.

"Hi!" Iñigo's warm smile greeted me.

Uh, since when we close?

"Hi, good morning."

"Papunta ka ng school?"

Hindi ba obvious? I wanted to answer him that but that would be rude so nevermind.

"Yeah, ikaw din ba?"

"Yup! Gusto mo sumabay?" Umiling ako dahil unang una ay nakakahiya. Pangalawa ay mas bet ko maglakad. Nakakapag isip isip ako pag ganon.

Nilagpasan niya ako kaya kumaway na lang ako sa kaniya at tiyak naman akong nakita niya sa side mirror dahil bumusina pa siya ng dalawang beses. Pagkadating ko sa gate ng school ay saktong huminto ang isang sasakyan at bumaba si Nadia. Bumaba si Vyn sa sasakyan kasunod ng daddy nila. Wow, hinatid nila ang prinsesa nila.

"Bye, dad! Bye kuya!" She waved her hands to them and kissed their cheeks and I just watched her.

"Bye, baby-oh Dianne, right?" Nagulat ako dahil napansin din ako ng daddy ni Nadia. Lumapit ako sa kanila to greet them man lang.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now