Phase 2

27 3 0
                                    

Phase 2

Name

"Who sent you?" tanong niya gamit ang malamig at nakakatakot niyang boses.

Natatakot na ko. Hindi basta basta ang espadang hawak niya. Ramdam ko ang galit niya sa paghapdi ng leeg ko. One. Wrong. Move. Tiyak na hindi na ako aabot bukas. Nanginginig ako pero kailangan kong kumalma.

"Miss, we can talk without that dangerous weapon" kalmadong sabi ko. Napaka-creepy. She's still smirking. Gusto ko lang naman siyang tulungan.

"She knew that I'm already here?" tanong niya kahit hindi naman patanong ang tono niya. Kanina ko pa napapansin na iisa lang ang tono niya. Wala ba siyang emosyon? Hindi ko rin naman alam ang tinutukoy niya.

"I was about to surprise her." sabi niya at itinaas ang espada niya kaya napapikit ako. Nang walang maramdaman ay nagmulat ako at nakitang nasa kabilang banda naman ng leeg ko nakatutok ang espada niya.

"Miss? Put that thing down and we'll talk. Actually, I don't know what you're talking about." lakas loob kong sabi. Magsasalita sana siya nang mag-vibrate ang phone niya.

"Yes, Ma." sabi niya at nakinig.

"Yeah. He's not answering.. Oh.. Ok.. Ma, there's this guy.. I think.. How can we be so sure.." sagot niya at tinignan ako. Dahan-dahan niyang binaba ang espada niya kaya napahinga ako ng maluwag.

Maraming salamat sa tumawag! Mabubuhay pa ako ng matagal!

Nagulat naman ako nang abutan niya ako ng tissue mula sa bulsa niya. Tinitigan ko lang ito kaya siya ang nagpunas ng sugat ko sa leeg.

"Ako na. Ikaw na nga tinulungan may gana ka pang manutok ng espada," reklamo ko at tinabig ang kamay niya.

"T-tagalog" sabi niya sa kausap. Anong 'Tegelog'?!

"What's that? Chocolate?" sagot niya sa kausap niya sa phone. Inilayo at tinignan niya ang phone at binalik sa tenga niya. Bigla siyang napatingin sakin kaya sinimangutan ko siya at nagpatuloy sa pagpupunas ng leeg ko. Nagulat naman ako nang ilapit niya sa tenga ko ang phone niya.

"Hello?" panimula ko.

"Oh, hi. Uh.. sabi mo tinutukan ka niya ng espada?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Opo. Actually dumugo yung leeg ko." sumbong ko at tinignan ang katabi.

"Jusko ka, Az! Sorry ha.. ako na magso-sorry hindi kasi yan exposed sa tao kaya sana intindihin mo hijo. Sorry talaga." paghingi niya ng tawad.

"Wag po kayong mag-sorry.. siya po yung may kasalanan." sabi ko.

"Ah.. eh.. ako na lang hijo. H-Hindi yan marunong mag-sorry." napanganga ako sa sinabi niya. Anong hindi marunong mag-sorry?

"Ang weird po. Pero nagtatagalog po kayo? Paanong hindi siya maka-intindi?"

"Ah.. Sa Ger— I mean sa ibang bansa siya lumaki. Nakakatawa nga eh kapag may sinabi akong hindi niya maintindihan, sasabihin niya "What's that? Chocolate?" " sabi niya at tumawa.

"Ang weird niya po 'no?" sabi ko at tinignan ang katabi.

"Oo nga.. teka bakit ka nga pala niya tinutukan ng espada niya. Sorry ha, hindi naman niya gagawin yon kung wala kang ginawang masama." naging seryoso bigla ang babae sa kabilang linya.

Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now