Phase 34

2 1 0
                                    

Phase 34


In Love


Nang pababa na ako ay saktong pagpasok ni Sean. Tumalikod ako saglit at dinama ang pisngi ko. Bakit.. ang init ng pisngi ko? Umiling ako at nagpatuloy sa pagbaba. Ngumiti siya sa akin at nakakapagtakang bahagyang kumalabog ang dibdib ko.


"Good morning" bati niya nang nakalapit na siya.


"H–Hi.." bati ko sa maliit na boses. Tiningala ko siya at tinitigan.


"Why?" tanong niya nang tumagal ang titig ko sa kaniya.


"I'm.. not ready yet" bigong sabi ko at yumuko.


"It's okay, Cian. We can just go on a date" napa-angat ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti na naman siya.


"Okay.." pagsang-ayon ko.


"Ma'am Ace.." mahinang tawag ni Alexia habang may panunuksong tingin. Lumapit naman ako sa kaniya saka niya ako hinila papuntang kusina.


"Ano magdi-date kayo?" tanong niya.


"Uh.. yes?" patanong kong sagot.


"Tapos ganiyan ang suot mo?" nakangiwi niyang sinuyod ng tingin ang suot kong itim na t-shirt at itim na pants.


"What's wrong with this?" tanong ko sabay tingin sa suot ko.


"Eh date iyon, Ma'am. Kailangan maganda ka. Halika't magbibihis ka." sabi niya at hinila na naman ako. Nadaanan namin si Sean na nakaupo lang sa sofa.


"Wait lang po. Magbibihis lang ang prinsesa!" sigaw ni Alexia habang mabilis kaming umaakyat. Pagdating sa kwarto ay agad siyang lumapit sa closet ko. Humarap siya sa akin ng nakangiwi.


"What?" tanong ko.


"Wala ka bang dress?" tanong niya at pilit na naghahanap sa mga naka-hanger kong t-shirt.


"I don't wear dresses" tanging nasabi ko.


"Hay nako.. ito na lang" sabi niya at pinakita ang puting t-shirt at maong pants. Pumasok akong banyo at nagbihis. Paglabas ko ay nakaupo na si Alexia sa harap ng salamin ko. Nakangisi niyang ipinakita ang mga dala niya.


"Upo ka po" sabi niya at tumayo saka ako pinaupo sa upuan at pinaharap sa salamin.


"Wag ka po magalit ha. Lalagyan kita ng manipis na manipis na make up." sabi niya at sinimulan niya na ang kung anuman ang gagawin niya sa mukha ko. Mabilis lang naman natapos.


"Ayan! Mas gumanda ka lalo!" excited niyang sabi matapos lagyan ang labi ko ng tinatawag na lipstick. Tinignan ko ang repleksyon ko at dahan-dahan akong napahawak sa pisngi ko.


"I.. like it" wala sa sariling sambit ko. Napahagikgik naman si Alexia. Ilang saglit pa at sabay kaming bumaba.


"Pababa na ang prinsesa! Walang mabibigla ha?" natatawang anunsyo ni Alexia habang pababa kami ng hagdan.


Napatayo si Sean at pinagmasdan akong naglalakad. Ngingisi-ngisi naman si Zemn sa tabi at hinihintay na makalapit si Alexia. Nahagip ng mata ko si Loverous na umiinom siguro ng kape pero bigla niya itong naibuga at uubo ubo siyang mahinang napamura. Nang nasa tapat na ako ni Sean ay bigla siyang lumapit at bumulong.


"You're so beautiful.." napayuko naman ako nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko.


"Let's go?" tanong niya saka umayos ng tayo. Tumango ako at bumaling sa kanila. Ngiting ngiti si Alexia habang nakapulupot ang braso ni Zemn sa baywang niya at nag-iwas naman ng tingin si Loverous.


Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now