Phase 26

1 2 0
                                    

Phase 26



Her Pain



Pagkatapos ng sagutan namin ay nagpresenta si Sean na maghuhugas ng plato. Hinayaan ko siya. Ako naman ay naghanap ng alak sa ref. Isa isa kong inamoy ang mga alak at napapapikit sa mabaho nitong amoy. Yes. I don't like smelly liquor. Sa huli ay itong maliit na bote na kulay green ang napili ko. Hindi ko maintindihan ang nakasulat basta ito lang ang mabango. Tinignan ko kung ano ang mababasa ko. At tanging grape fruit lang ang nabasa ko.



Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng baso. Dumiretso akong sala at naghanap ng magandang palabas. Nang makahanap ay tinikman ko ang alak. Sa una ay matamis ito, pagkatapos ko itong tuluyang malunok ay mapait at mainit sa lalamunan. It's good.



Tumayo ulit ako at naghanap ng pulutan sa ref. May mga chips dito pero ayaw ko kahit wala na akong choice. Bumalik akong sala at tahimik na uminom. Hindi pa nakaka-tatlong minuto ang pinapanood ko ay biglang bumuhos ng malakas ang ulan.



Nakatingin ako labas at naalala si Sean. Tumayo ako at pupuntahan sana siya nang muntik na akong mauntog sa dibdib niya kung hindi lang agad ako nakakilos. Umayos ako ng tayo at tumikhim.



"You can stay until the rain stops" sabi ko at bumalik sa pagkakaupo. Kinuha ko ang bote at uminom.



"Okay," mahinang sabi niya. Umupo sa tabi ko.



Tinaas ko ang alak. At tinignan siya, nagtatanong.



"No, thanks" tanggi niya. Tumango ako at nagpatuloy sa panonood at pag-inom.



Ilang saglit pa ay naubos ko na ang alak ko nang hindi ko namamalayan. Bumaling naman ako kay Sean. Agad siyang naglapag ng isa pang maliit na bote na kulay green.



"Thanks," pipikit pikit kong sabi. Kinuha ko ang bote at uminom.



"It's still raining. You can go and sleep in my room" sabi ko at uminom ulit.



"What? I'll sleep in your room?" tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.



"Eh? Why would you sleep in my room?" tanong ko pa.



"You said— Oh, you're drunk" sabi niya at umiling.



~~~



Sean's POV



"I'm not drunk, dummy" sabi niya kahit parang hindi na niya mamulat ang mga mata niya.



"Really?" natatawang sabi ko.



"Uh-huh," sagot niya.



Tumayo naman ako at tinawagan ang resort. Pina-secure ko ang gamit ko at sinabing babalik naman ako bukas. Naintindihan naman nila dahil nga masama ang panahon. Pagbalik ko ay napangalahatian na ni Cian ang kaniyang iniinom.



"That's enough, Cian" sabi ko at kukunin na sana ang iniinom nang marahas niya itong inilayo kaya bahagya siyang nabasa.



"Scheisse," bulong niya. Tumayo naman ako at kumuha ng tissue at pinunasan ang basa niyang kamay. Ang kaniyang hita ay nabasa rin kaya binigay ko sa kaniya ang tissue.



"Wipe it. It was your fault" nakapikit niyang sabi.



"I can't, Cian" napapalunok kong sabi ay tumalikod para hindi ko na siya matignan.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now