Phase 27

2 2 0
                                    

Phase 27



Fiancé



Dahan dahan akong nagmulat. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaan nitong pagkirot nang bumangon ako. Napatingin ako sa panlalaking bag malapit sa pinto. Naamoy ko na rin ang bango ng pagkain. Nakita ko sa mesa ang tatlong bote ng alak na nainom ko kagabi. So dito ako natulog sa sala?



Nakarinig ako ng papalapit na yapak. Paglingon ko ay nakangiti na sa akin si Sean habang papalapit.



"Morgen" he greeted. Napakurap-kurap naman ako. Did he just greet me in German?



"I cooked something for you" ngiting ngiti niyang sabi at lumapit sa akin saka ako hinawakan sa siko. Inalalayan niya ako papuntang kusina. Pinaupo niya ako at may nilapag. Hindi ko pa alam kung ano ang laman noon dahil may takip.



"Tada~" maligayang sabi niya nang inalis na niya ang takip.



"Kartoffelpuffer" proud niyang sabi na akala mo ay ilang beses nag-practice kaya tama ang pronunciation.



It's just a German potato pancake why is he so proud of himself?



Tumikim ako. It was surprisingly good. Kahit hindi naman ganoon ang dapat na lasa ay maayos pa rin naman.



"How was it?" tanong niya.



"It was fine" sabi ko at sumubo ulit.



"At least you didn't say it was bad" kibit balikat niyang sabi at umupo sa harap ko at kumain na rin.



Matapos kumain ay siya na ang naghugas ng pinagkainan namin. Ako naman ay lumabas at pinanood si Tiger na mag-isang naglalaro. Payapa lang akong nagpapahangin nang mag-vibrate ang phone ko. It was from an unknown number.



"Hello, Majesty?" bungad nito.



"Hmm? Who's this?" tanong ko.



"This is Lux. How are you?"



"I'm still alive" sagot ko na tinawanan niya.



"Okay. I received a report that you're with a guy. Is that true?"



"Yes. I'm with a doctor. He.. uh.. checked on me yesterday"



"Is that so? I was just checking on you. Do you like it there?"



"Not bad. The weather is fine. There are only a few people so yeah, it's good"



"Okay! Enjoy!" biglang sigaw ng babae sa kabilang linya. At nagkagulo muna bago namatay ang tawag. Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng message mula kay Lux.



I'm sorry about that. It was my sister.



It felt weird. My heart beats so fast like it knows something.



Tulala ako sa kawalan nang bigla kong naramdaman ang mainit na kamay na humawak sa magkabilang braso ko. Lumingon ako at ang matamis na ngiti ni Sean ang nakita ko.



"Do you want to swim? I'll teach you" ngiting sabi niya. Wala sa sariling tumango ako.



"Good. Go and change" sabi niya. Naglakad ako pabalik ng bahay. Papasok na ako nang lingunin ko siya.



"Aren't you busy? Uh.. medical mission?" tanong ko na inilingan niya. Tumango naman ako at tuluyang pumasok ng bahay.



Lumabas akong naka-itim na one piece swimsuit. Nakita ko si Sean na naliligo na sa dagat at walang damit pang itaas at nakikipaglaro kay Tiger. Lumapit ako at tumigil nang nababasa na ng tubig ang mga paa ko. Nagsisimula na naman akong hindi makahinga ng maayos. Humakbang ako paatras ng dalawang beses. Yumuko ako at pumikit ng mariin.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now