Phase 31

1 2 0
                                    

Phase 31



Bow



Bumuntong hininga ako at pipikit pikit na. Bumaling si Sean sa akin at maingat na humawak sa braso ko.



"Let's go. You're tired," mahina niyang sambit. Tumango naman ako at tumayo na. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit at akmang yayakap. Hinayaan ko siya pero inayos niya pala ang buhok ko at tinali gamit ang panyo niya. Matapos ay tumuwid siya ng tayo at umupo sa harap ko.



"What are you doing?" antok kong tanong. Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap sa kaniya saka niya ako binuhat ng walang kahirap-hirap.



"Ang gaan.. kumakain pa ba 'to?" bulong niya pero rinig ko pa rin.



Tahimik siyang naglalakad habang pasan niya ako sa likod niya. Sa antok ay basta na lang ako yumuko at siniksik ang ulo ko sa leeg niya. Bumuntong hininga ako at natigil siya sa paglalakad.



"Shit.." pabulong niyang mura at dahan dahang inilayo ang ulo ko. I groaned a bit.



"Cian, don't put your face on my neck please" hirap niyang sabi. Hindi ko siya sinunod at huminga ulit. Maingat niya akong binitawan at hinarap nang nakakunot ang noo.



"You're burying your face on my neck." tiim bagang niyang sabi.



"Hmm?" tanging naisagot ko.



"Okay, I won't carry you anymore" kunot noong sabi niya at hinawakan ang siko ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang inaalalayan niya ako.



Nang makarating kami sa mansion ko ay hindi na ako umabot ng kwarto. Sumalampak na agad ako sa sofa ng sala. Antok na antok na ako at ang huling naramdaman ko ay ang paglagay ng kumot sa katawan ko.



Kinaumagahan, pagmulat ko ay nagtaka ako nang hindi ako makagalaw. Pagbaling ko sa gilid ay nakaunan pala sa braso ko si Sean at yakap niya ako sa tiyan habang nakaupo siya sa sahig. Gusto ko mang bumangon ay hindi ko na ginawa at hindi ko rin naman magagawa dahil natutulog si Tiger sa binti ko.



Ilang saglit ay narinig kong may dumating. Rinig ko pa ang mahinang pagtatalo nila at natigil nang makita nila ako.. o kami



"M–Ma'am Ace.." naguguluhang sambit ni Alexia at palipat lipat ang tingin sa akin at kay Sean. Dahan dahan kong tinapik ang pisngi niya.



"Sean.. wake up," mahinang sambit ko. Unti unti naman siyang nagmulat saka hinilot ang kaniyang leeg. Masakit siguro dahil sa maling posisyon siya natulog.



"Good morning," bati niya saka tumayo. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang oras. Ako naman ay naupo na sa sofa.



"I have to go.." sabi niya saka inilapit ang mukha sa akin. Natigilan naman siya at palipat lipat na tinignan ang mata ko.



"I should not kiss you.." wala sa sariling tumango ako sa sinabi niya. Lumayo siya at nagsimulang maglakad pero ilang hakbang lang ay natigil ulit siya. Lumingon siya sa akin saka tinakbo ang distansya namin.



"I really have to go. I'll be back after work," sabi niya saka mabilis na humalik sa pisngi ko.



Napakurap-kurap ako sa nangyari. Hindi nagtagal ay biglang tumili si Alexia. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.



"Ano po? Kayo na ba?!" she asked excitedly.



"Uh.. no" sagot ko at napatingin kay Zemn na walang kibo.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now