Phase 12

13 2 0
                                    

Phase 12



Found



"What are you trying to say?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.



"That this necklace is not yours." sabi ko at binulsa ang kwintas.



"Fine. It was from a workmate. Now, give it back" sabi niya at naglahad ng kamay.



"Is your workmate's name Yael?" sabi ko at inilabas ulit ang kwintas.



"Yael?" sagot niya at nagsisimula na siyang mainis.



"There's a name engraved in this necklace," sabi ko at pinakita ang tinutukoy. Tinignan niya ito ng mabuti.



"It's my name" sabi niya at tinignan ako gamit ang nababagot niyang mukha.



"Is there a 'Yael' in Cian Lei Mosquera?" sabi ko, nang-aasar. Mabilis niyang kinuha ang espada at tinutok sa akin.



"Where did you get that name?" malamig niyang sabi.



"Whoa! Calm down.." gulat kong sabi.



"I'm asking you" mariing sabi niya.



"Your ID on the side pocket of your coat." mabilis kong sabi. Ang nakakagulat lang ay hindi ako natakot nang tutukan niya ako ng espada.



"That's not my ID" sabi niya na ikinatawa ko.



"Then, it's not you in the picture? You're shitting me" sabi ko at tinawanan pa siya lalo. Natigil lang ako nang mapikon siya at kwinelyohan ako. Nilapit niya pa sakin ang galit niyang mukha.



"You better watch what you say. Beheading—" natigil ang sasabihin niya nang dumapo ang kamay ko sa pisngi niya.



"Ang cute mo pa rin magalit" nakangiting bulong ko. Batid kong nagulat siya sa sinabi ko dahil sa pagkurap niya ng dalawang beses. Hindi nagtagal ay marahas niyang inalis ang kamay ko sa pisngi niya.



"Don't you touch me like that." mariin niyang sabi at tuluyang umalis.



"Kapag napatunayan kong ikaw iyon.. hindi ka na makakawala." napangiti ako nang wala sa sarili dahil sa naisip habang tinitignan ng mabuti ang kwintas.



~~~



Kinaumagahan, nang makarating ako sa hospital ay kaliwa't kanang bulungan ang bumungad sakin. Alam kong dahil ito sa nangyaring 'pagtakas' kahapon. May isang nurse na naglakas loob na lumapit.



"Hi, Doc Sean. It's good to see a handsome man this early in the morning." ngiting sabi niya. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.



"I heard nakatakas yung witness? Uh.. witness nga ba? Siya yung may gawa non sa mga bad guys diba? I wonder if she's a witness or just like the bad guys" maarteng sabi niya at umaktong takot. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.



"She's neither of the two" mariin kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay.



"So, what is she?" sabi niya at pinagkrus ang braso.



"She is.. special to me" I said, smiling as I remember her angry face. Iniwan ko ang gulat na nurse.



Pumunta akong police station pagkatapos ng duty ko. May binigay akong letter sa pulis.



"I managed to get her statement." pagsisinungaling ko. I made a fake statement para matapos na to at hindi na nila kailangang makaharap si Cian. Baka magkagulo lang kung makaharap niya ang mga pulis.



Pagkatapos ko sa police station ay umuwi na ako. Hindi na muna ako magtatrabaho sa hospital namin. Mag-aalala lang si Joules at Crystal kapag nakita nila ang papagaling kong mga sugat. Usually, once or twice a week ako nagtatrabaho sa hospital ni papa pero dahil may nangyari sakin hindi na lang muna. Hindi alam ng mga nurses doon na anak niya ako. Ako ang may gusto non dahil gusto kong maging komportable sila sakin.



Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Dumiretso ako sa silid ko at nagbihis. Matagal kong tinignan ang sariling repleksyon. Wala sa sarili kong hinawakan ang kwintas.



Sa muling pagkikita namin ay masamang tingin pa rin ang ipinukol niya sa akin.



Mahina akong napatawa. Natigil ako nang may kumatok.



"Kuya? Kakain na daw," sabi ni Lyra.



"Sige, bababa rin ako" sabi ko at niligpit muna ang mga damit ko bago bumaba. Nang makababa ay agad akong napansin ni Mama.



"Oh, Sean. Let's eat." ngiting sabi niya. Ngumiti lang ako bilang sagot at umupo na. Nakalimang kutsara pa lang ako nang mapansin kong nakatingin si Lyra sa bandang dibdib ko. Tumingin ako sa katabi niya at nakitang nakatingin din si Pearl sa tinitignan ng ate niya.



"Uh.. Kuya, ang ganda ng necklace mo" sabi ni Pearl at nakangiting bumaling kay Lyra.



"Necklace?" takang sabi ni Mama. Nang makita niya ang kwintas ay agad na nanlaki ang mata niya.



"Akala ko ba nawala mo?" sabi niya.



"Hmm.. I found it," wala sa sariling sabi ko at ikinangiti ko. Agad namang naghagikgikan ang dalawang kaharap ko.



"Luh! Si Kuya namumula!" tawa ng dalawa.



"Lyra, Pearl.. tumigil kayo at mukhang kinikilig ang Kuya ninyo sa kaniyang kwintas" makahulugang sabi ni Papa na ikinatawa ng lahat.



~~~

To be continued..

Waves Trilogy 1: Waves of Smile Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ