Phase 18

3 2 0
                                    

Phase 18



Confirmed



"You're free to go" sabi ng nurse ng IISS kaya mabilis na akong tumayo at naglakad.



Huminto kami ni Zemn sa tapat ng elevator. Nang bumukas ito ay natigilan ako dahil sa pagtama ng mga paningin namin ng lalaking head. Ngayon ay nakita ko ang buong mukha niya dahil wala siyang cap at mask. Bakit parang kilala ko siya? Bakit ganito na lang ang kabog ng dibdib ko?



"Majesty? Are you alright?" tanong niya. Ngayon ay bahagya na siyang nakayuko na parang tinatago niya ang mukha niya. Pumasok na lang ako ng walang imik.



Nasa ground floor na kami ng IISS building at naunang lumabas si Zemn at sumunod naman ako. Naalala kong kailangan ko palang ibigay ang singsing na kinuha ko. Tinanggal ko muna ang singsing bago bumaling sa kaniya.



"Uhm.. we're done with our mission. Here's the ring." sabi ko at binigay sa kaniya ang singsing.



"Where did you get that?" tanong niya at tinuro ang sugat ko.



"On my way home. It's nothing serious." sabi ko habang nakatitig sa mukha niya.



"Be careful next time." sabi niya kaya tumalikod na ako.



"Baerietta!" sigaw niya kaya napalingon ako.



"You called me what?" tanong ko.



"Huh?.. I uh.. I mean Majesty. I just wanna say that you and your team did a great job." sabi niya at nauna nang umalis.



~~~



Zemn is driving my car because I injured my hand. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinuntok ang mesa kanina.



'Baerietta!'



Nagpa-ulit-ulit iyon sa utak ko. Bakit niya ba ako tinawag ng ganon?



"You're angry at me" sabi ko kay Zemn. He's driving so damn fast.



"Yeah" kunot noong sagot niya.



Wala na akong sinabi pa at isinandal na lang ang ulo ko at pumikit. Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay mabilis rin kaming nakauwi. Maingat akong bumaba at naglakad dahil kumikirot pa rin ang ulo ko pati na rin ang kamay kong masakit kapag nagalaw.



Hindi ko inaasahang bubuksan ni Zemn ang pinto para sa'kin. Nang makapasok ako ay nahagip ng mata ko si Sean na tulog na tulog sa sofa. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya nang bigla na lang tumahol si Tiger at tumakbo palapit sa'kin. I turned to look at Sean that is now awake.



"Hey" antok niyang sabi at bumangon saka ako nilapitan.



"Why are you sleeping here? The guestroom is upstairs." sabi ko habang nakakunot ang noo.



"No.. I'm fine here. Uh, how are you? Are you okay now? Are you hungry? Do you want to eat something?" sunod sunod niyang tanong.



"I'm good," simpleng sagot ko. Natigil kaming dalawa nang padabog na umakyat si Zemn at binagsak ang pinto ng kwarto niya.



"Let's go upstairs" sabi ko at naunang maglakad pero humabol siya at inalalayan ako. Si Tiger naman ay nag-ingay na tila nagrereklamo.



Huminto kami sa harap ng guestroom. Binuksan ko ito at bumaling kay Sean.



"Take a rest" sabi ko at aalis na sana nang hinawakan niya ang siko ko.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang