Phase 30

2 2 0
                                    

Phase 30


Confession


Dahan dahan akong nagmulat. Iginala ko ang paningin ko at sa palagay ko ay nasa hospital ako. Biglang bumukas ang pinto at may dalawang babaeng nurse na pumasok.


"Oh, gising na ang prinsesa" sabi ng babaeng may mahaba at straight na buhok at inirapan ako. Ang isa pang nurse ay nasa gilid niya lang.


"Nakakapagtaka lang na confidential ang record mo. Hindi kaya.. isa kang sindikato?" sabi niya at naningkit ang mata. Bigla ay lumapit siya sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay.


"Magsalita ka!" sigaw niya mismo sa mukha ko. I can't move my hand so instead, I spit on her face. Nagulat siya kaya nabitawan niya ako. Nandidiri siyang tumili.


"Turukan mo ng potassium 'yan!" sigaw niya sa kasama niyang nurse. Nanginginig naman itong lumapit sa akin na may dalang syringe. Akmang tuturukan na niya ako nang kumalabog ang pinto dahil sa marahas na pagbukas. Nagulat ang nurse kaya nabitawan niya ang hawak niyang syringe.


Magkasunod na pumasok si Loverous at Sean. Agad na lumapit si Sean at kunot noong pinulot ang syringe. Bumaling siya sa namumutlang nurse.


"Ano 'to?" sabi niya at pinakita ang syringe.


"A-Antibiotic po, Doc" sagot ng nurse.


"Really? Pero potassium ang rinig kong sigaw" sabi niya at bumaling sa babaeng nurse na dinuraan ko.


"Are you okay?" pabulong na tanong ni Loverous sa gilid ko. Tinignan ko lang siya saglit at binalik ang tingin kay Sean at sa dalawang nurse.


"This is potassium, right?" malamig niyang tanong at binalik ang tingin sa nurse na ngayon ay umiiyak na.


"O-Opo, Doc" umiiyak nitong sagot.


"You're going to inject this through her IV to stop her heart." napasinghap si Loverous sa gilid ko.


"Bakit? Bigyan ninyo ako ng magandang rason para gawin iyon," tanong ni Sean at pumikit ng mariin. Nagsalita naman ang nurse na dinuraan ko.


"K-Kasi confidential ang record niya kaya naisip naming baka isa siyang sindikato—"


"Sindikato?! She's my fiancé!" gigil nitong sigaw. Napanganga naman ang babae sa narinig. Ang isang nurse naman ay patuloy na umiiyak.


Nagtaka ako nang lumapit si Loverous sa pwesto nila. Hinawakan niya sa damit ang dalawang nurse at lumabas na sila. Si Sean naman ay maka-ilang ulit pang huminga ng malalim bago bumaling sa akin.


"Are you okay?" alalang tanong niya.


"Mm" tanging sagot ko.


"I'm sorry about what happened," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


"I want to be alone" sabi ko habang hindi siya tinitignan.


Naramdaman ko na lang na binitawan niya ang kamay ko at narinig ko ang pagsara ng pinto. Bumaling ko sa mesa at matagal na tinitigan ang isang bagay doon.


Ang phone ni Loverous.


~~~


Third Person's POV


"Fucking scheisse!" mura ni Cian habang mahigpit na nakahawak sa manibela ng kotseng ninakaw niya sa parking lot ng ospital. Nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.


Waves Trilogy 1: Waves of Smile Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz