Phase 25

2 2 0
                                    

Phase 25



Argument



Sean's POV



"Save me" nanginginig niyang sabi.



"Okay, Cian. I'm on my way. Please calm down. I'm on my way to you" mahinahon kong sabi kahit na nanginginig na ako.



"Ano? Saan ka pupunta?" tanong ni Crystal.



"May pupuntahan lang ako. Mauna na kayo. Susunod na lang ako." nagmamadali kong sabi at iniwan muna sa loob ng resort ang mga gamit ko saka tinakbo ang daan papunta sa tinutuluyan ni Cian.



Nang makarating ako ay hingal na hingal ako. Habol ko ang hininga nang mahagip ng mata ko ang babaeng nakaupo sa buhangin habang yakap ang kaniyang tuhod. Nanginginig ito at basang basa. Ang kulay itim niyang bikini ay bumagay sa kaniyang kutis na kulay gatas. Nakatingin ito sa malayo at gumagalaw ang mga labi.



"Cian!" sigaw ko at nilapitan siya. Hinubad ko ang suot kong lab gown at ginawang panakip sa kaniya.



Nanghihina siyang tumayo at inalalayan ko. Nang bigla siya tumingala sa akin ay kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Those cold eyes before.. has unshed tears now.



Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Muntik nang mahulog ang phone niya pero nasalo ito ni Tiger.



"There's a yatch" mahinang sabi niya at tinuro ang dagat. Pero walang yate doon. Bigo niyang binaba ang kamay niya.



"I.. saw a yatch. I'm sure I saw it. I wanna go near to check if Mama and Papa came back but I don't know how to swim. But I really saw a yatch. I saw a yatch." paulit ulit niyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay niyakap ko siya ng mahigpit.



"Shh.. You saw it. You saw it, baby." bulong ko at hinaplos haplos ang buhok at likod niya. Kumawala siya sa pagkakayakap ko at tinignan ulit ako. Ngayon wala ng luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.



"You.. You believe me.." hindi makapaniwalang sambit niya.



"Yes, baby. I believe you" sabi ko at nginitian siya.



"Will you stay here for a while?" malamig na tanong niya.



"I'll stay until you don't want me here anymore" matigas kong sabi at nag-iwas ng tingin.



"Okay. Let's get inside" walang emosyong sabi niya at naunang pumasok sa bahay. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya. Parang walang nangyari. Bumuntong hininga ako at sumunod.



~~~



Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Naabutan ko si Sean na nakaupo sa sofa at napatingin sa akin. I looked away first. I was cursing myself while taking a shower.



Why did I call him? And why did I ask him to stay?



I'm loosing my mind.



Napatingala ako sa wall clock. It's half past five. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo at nilagay niya ang phone sa kaniyang tainga.



"Hello. Crystal" sabi niya.



Tumalikod na ako at pumuntang kusina para tingnan kung ano ang kakainin namin mamayang hapunan. May chicken adobo pa namang natira noong lunch, initin ko na lang. Bumalik akong sala at hinanap ang phone ko. Nasa center table ito kaya kinuha ko. Aalis na sana ako nang marinig ang sinabi ni Sean.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now