Phase 23

2 2 0
                                    

Phase 23



Visit



Sa isang rest house ako inihatid, malapit sa dagat kaya tanaw ko sa malayo ang mga taong naliligo. Kung hindi ako nagkakamali ay dahil may nadaanan kaming resort kanina. Sinabi rin sa akin kanina na walang ospital dito o kahit Health Center kaya ako na lang mamaya ang maglilinis sa sugat ko.



Napabaling ako kay Tiger nang tumahol ito at masayang naliligo sa dagat. Napatingin naman ako sa damit ko. I look so out of place with my simple black t-shirt and black pants. I went inside and changed my clothes. I wore a simple white maxi dress. I don't wear dresses but that's what's in the closet that will match the view.



Paglabas ko ay sinalubong ako ng malamig n hangin. Sumabog ang buhok ko at ang damit ko ay sumasayaw dahil sa ihip ng hangin. Lumapit pa ako ng kaunti kay Tiger. Hindi ako tuluyang lumapit dahil nararamdaman ko na naman. Bumibigat na naman ang paghinga ko. At kahit ayaw ko naiisip ko na naman sila.



Mama.. Papa..



Pumikit ako ng mariin at ninamnam ang hanging dumadampi sa aking balat. Kung ang gusto ni Lux ay ang makapag-relax ako, makapagpahinga.. nagkamali siya ng lugar na pinili. Ang dagat at ang matirik na araw, ay nagpapaalala sa akin ng sakit ng nakaraan. At ang pinakamasakit sa lahat, ang alon at ang ingay nito sa paghampas sa buhangin.



"Who am I?" mahinang bulong ko sa sarili, nakapikit pa rin. "When will I ever get to know myself? All I know is my name" napayuko ako at nagmulat, bahagyang sinipa ang buhangin.



"Oh?!" gulat na sigaw ng kung sino kaya napaangat ang tingin ko at hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.



"Guys! Tignan niyo, nagkita ulit kami!" excited niyang sigaw. Napatingin ako sa likod niya at nakita ang iilang kasama niya kanina sa airport, isa na roon ang babaeng sumisenyas sa kaniya.



"Hi!" maligayang bati nito sa akin at sinuyod ako ng tingin. "You look gorgeous." ngiting sabi niya. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Hindi nagtagal ay hinawakan na siya ng babae at pilit na nilalayo sa akin.



"Ano ba, Crystal?" reklamo niya rito.



Isang tikhim naman ang nagpatigil sa kanila. Lumipat ang tingin ko sa matangkad na lalaking papalapit. Madilim ang mukha at kunot na kunot ang noong naglalakad si Sean. Halos sumakit ang dibdib ko sa biglaang pagbilis ng kalabog nito. Pinigilan ko ang sariling hawakan ang dibdib.



"What are you doing, Joules?" tanong nito sa kasama.



"Uhm, gusto ko lang naman makipagkaibigan—" agad siyang pinutol ni Sean.



"Sinama kita para sa isasagawa nating medical mission at hindi para maghanap ka ng babae, gusto mo bang sisantehin kita?" walang awang sabi niya.



"Sean, wag naman sana tayong umabot sa ganiyan?" maingat na sabi ng babae.



"Let's go back to the resort." matigas niyang sabi at saka humarap sa akin. Hinintay pa muna niyang makalayo ng kaunti ang mga kasama niya bago siya magsalita.



"I'm sorry.. you saw me again. I'm sorry about my friend, don't worry I'll make sure that we won't go near this area. Excuse me." walang emosyong sabi niya at kahit sa akin siya nakaharap ay lampas sa akin ang kaniyang mga mata.



Tumalikod na siya at gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa pag-iisip na pigilan siya sa pag-alis.



~~~



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon