Phase 11

12 2 0
                                    

Phase 11



Lost



I slowly opened my eyes. I noticed that I'm in an unfamiliar room. I can feel the sudden pain in my head. I was about to massage my temple when I can't lift my hand. When I look at it, it was handcuffed. I scanned the room and realized I'm at a hospital. I'm starting to breathe heavily and my head is not helping. I heard some footsteps outside so I closed my eyes.



"I'll check on her. She's still  not waking up" rinig kong sabi ng pamilyar na boses.



"Sige po, doc. Kapag nagising ay tawagin mo po kami. Nasa labas lang po kami," rinig kong boses ng lalaki. I heard the door opened. Tinignan ko kung sino ito. It's Sean.



"Why am I handcuffed?" I asked that made him jump. Napahawak pa siya sa dibdib niya.



"Uh.. I'll just get some water" sabi niya at akmang lalabas.



"Stay," sabi ko na ikinatigil niya.



"Huh? Why?"



"I'm talking to you so you should stay" tumingin pa muna siya sa labas bago lumapit sakin.



"Are you okay? Do you need something?" tanong niya.



"You're asking me?" takang sabi ko.



"Uh.. yeah?" kunot noong sagot niya.



"You were the one who got hurt." sabi ko at nangunot ang noo nang makita ang iilang sugat niyang papagaling na.



"I'm fine now." he then smiled.



"That fast?" at napapikit ako ng husto dahil sumakit ulit ang ulo ko.



"Your head hurts?" tanong niya at hinawakan ang noo ko. "Your temperature went down." sabi niya at umayos ng tayo.



"You passed out and did not wake up for three days straight. Over fatigue." he said.



"And Luke didn't bother to come here?" tanong ko. Bigla ay tinaas niya ang kamay at hawak hawak niya ang phone ko.



"I turned it off. He wants to take you but I won't let him." sabi niya at pinatong ito sa mesa sa gilid ko.



Is he.. an enemy?



"What? What do you need from me?" I asked while trying to unlock the handcuff.



"Whoa, calm down. I just need your statement." natatawang sabi niya.



Statement? Kaya ako nakaposas dahil kailangan ng pulis ang statement ko? This can't be.



"I need some tissue" sabi ko.



"Wait" sabi niya at may binuksang pinto at pumasok doon. Mabilis kong tinangkang hugutin ang kamay ko pero hindi kaya. Nang lumabas siya ay tumigil ako sa ginagawa. Binigay niya sakin ang tissue.



"I need water" sabi ko at bumuntong hininga siya.



"Okay" sabi niya at lumabas.



I tried to unlock it with my nails. Hindi ko maabot. Wala na akong choice kundi ang hilahin ang kamay ko. I'm sweating, big time. My wrist is starting to bleed. Isang malakas na paghila ang ginawa ko kaya nakawala ang kamay ko. May isang kamay pa akong nakaposas pa sa kabilang bahagi ng hospital bed. Kinuha ko ang kumot at itinali ang dulo nilo sa posas. Ang kabilang dulo naman ay tinali ko sa kabilang banda ng hospital bed. Pagkatapos ay hinila ko ito ng malakas. Tatlong hila pa at nasira ito. Agad kong kinuha ang phone ko at binulsa.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now