Phase 3

20 3 0
                                    

Phase 3

Necklace

"Why are you late?" tanong ni Joules. Nagbibihis na ako ngayon at alam kong mapapagalitan ako ni Papa dahil late ako.

"I nearly died today" walang gana kong sabi.

"Nagmeet pala kayo ni kamatayan. So, what does he look like?" pabirong tanong niya.

Ako naman ay inalala ang babaeng kanina ko lang nakita. Hindi siya masyadong matangkad, ang mga mata niyang nag-aalab, ang mukha niyang walang emosyon, at higit sa lahat ang boses niyang malamig at nakakatakot.

"You wait until you meet her" sabi ko at lumabas na. Sumunod naman siya.

"Ooh.. Kaya pala nalate ka kasi babae. I can't wait to meet her" nakangiti at nakatingin pa siya sa kisame na parang ini-imagine ang babae.

"Kung ikaw siguro sa posisyon ko kanina paniguradong aayaw ka," sabi ko at pupunta na sa mga pasyenteng kailangan kong puntahan.

Tatlong pasyente na ang nabisita at nacheck ko nang may tumawag sa akin.

"Doc Sean! Tawag po kayo ni Director Alvezo" sigaw sakin ni Crystal. She's my girl best friend.

"Doc Sean? What's with the formality, Crystal?" kunot noong tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Ba't ba hindi ka pa sanay? Tawag ka nga kasi ng papa mo!" sabi niya at pasigaw na binulong ang huling mga salita.

"Oo na pupunta na." walang ganang sabi ko at tumalikod na. Tumuloy na ako sa office ni Papa.

"First time mong malate, Doc. Sean Rafael Alvezo," nakangisi pero galit niyang sabi. Buong pangalan ko na ang sinabi kaya alam kong galit na siya.

"Pa, hinatid ko si Bia. Nagpaalam ako kay Mama." mahinahon kong sabi.

"At sa akin hindi ka nagpaalam" nagtatampong sabi niya.

"Director Anthony Alvezo, tulog ka pa kanina nung umalis ako" sabi ko at umupo sa upuan sa gilid.

"Akala ko wala na kayo ni Bia?" kunot noong tanong niya.

"But we're friends. Hinatid ko siya kasi walang ibang maghahatid" sabi ko.

"Ang sabihin mo, mahal mo pa rin. Move on, son" sabi niya at may kinuha sa drawer.

"Pa, naka move on na ko" sabi ko at kinuha ang inabot niyang folder.

"Kailan lang kayo naghiwalay?"

"A month ago. Wait, why are we talking about this?" sabi ko at umirap.

"Okay, I'll stop." natatawang sabi niya.

Tumayo na ako dala ang folder na naglalaman ng mga tungkol sa mga gamot na kailangan ng palitan. Umalis na ako at napadaan sa garden. Patapos na sila sa kanilang zumba at kumaway ang iilang pasyente. Kumaway rin ako pabalik saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makasalubong ko si Joules ay padabog kong hinampas sa dibdib niya ang folder.

"I-check mo ang mga stocks." utos ko na tinanguan niya ng nakasimangot.
Sunod ay nilapitan ko si Crystal.

"Hi, Doc!" pabulong niyang bati kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You're fired, Nurse Crystal." pagalit kong sabi na tinawanan niya.

"Fire me, then." ngising hamon nito na inirapan ko lang.

"Wala pa rin bang susundo kay Mrs. De Ala? Maayos na siya noong nakaraang buwan. Ngayon ay napapansin ko ang lungkot niya. Gusto niya na daw makita ang asawa't anak niya." seryosong sabi ko.

"Tinawagan na namin ang asawa niya pero parang ayaw niyang sunduin si Mrs. De ala. Sinabi niya ring 'baliw' na daw ang asawa niya," nakayukong sabi niya.

"Call him again tomorrow. Kapag ayaw pa rin, sabihin mong ipapapulis natin siya," pigil ang galit kong sabi at umalis para makauwi.

Nang nasa kotse na ako ay napatingin ako sa tissue na nasa sahig. Bumalik ang takot na naramdaman ko kanina nang makita ko ang dugo doon. Ang gusto ko lang naman ay makatulong sa kaniya. Nag-alala ako sa kulay ng paa niya. Sa tantsa ko ay tatlong araw na nang ma-injure niya ang sariling paa. Sa lagay ng paa niya, ang ibang babae ay baka umiiyak na sa sakit pero siya? Ilang beses ng tamaan ng maleta niya at pinatid niya pa ako, poker faced pa rin. Tinapos ko na ang kakaisip sa babae at nagdrive na.

Nang nag traffic ay kita ko ang mga nakakaawang taong may problema sa pag-iisip. Pagala gala, sira sira ang damit, madumi. Naaawa ako. Gusto ko silang dalhin sa ospital namin pero maliit pa lamang ito. Puno kami dahil ang ibang maayos na ay ayaw namang kunin ng kanilang pamilya dahil aakalain nilang baliw ito. Iyon ang nakakalungkot. Hindi namin matulungan ang may kailangan ng tulong namin at hindi rin namin kayang paalisin na lang ang mga pasyenteng ayaw kunin ng kanilang pamilya.

Ang ibang tao ay nandidiri sa kanila at kinakalimutang tao pa rin sila. Kailangan silang tulungan dahil hindi pa huli ang lahat. Magiging mabuti rin ang kondisyon nila at babalik sa tamang pag-iisip. Nagagalit ako sa tuwing ayaw silang kunin ng kanilang pamilya. Bakit parang ang dali sa kanilang mang-iwan ng kapamilya? Samantalang ako, nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng isang tao, isang pamilya kahit ilang taon na ang lumipas. Bakit ayaw nilang kupkopin ito habang nandito pa sila sa mundo pero kapag tuluyan silang nawala ay iiyakan nila? Ano na ang nangyayari sa mga tao ngayon?

~~~

"Nandito ka ulit?" tanong ng batang lalaki sa batang babaeng nakatingin sa dagat.

"Get lost" malamig na sabi ng batang babae at tumayo. Agad siyang hinawakan sa braso ng batang lalaki.

"Let go of me" sabi ng batang babae at tinignan ng masama ang batang lalaki.

"Hindi. Ayoko. Lalangoy ka na naman kahit hindi ka naman marunong." sermon ng batang lalaki at sapilitang pinaupo ang batang babae.

"Hindi uubra yang sama ng tingin mo sakin. Hindi mo ko matatakot kasi mas matanda ako sayo," sabi ng batang lalaki at naupo sa tabi ng batang babae.

"Ma, Pa" mahinang sabi ng batang babae habang nakatingin sa dagat.

"Kung nalulungkot ka, pwede kitang pahiramin ng balikat ko" maingat na sabi ng batang lalaki. Dahan dahan naman siyang nilingon ng batang babae.

"You're allowed to cry on my shoulder," ngiting alok ng batang lalaki.

Dahan dahang inilapit ng batang babae ang kaniyang ulo sa balikat ng batang lalaki. Ilang sandali ay sumisinghot na ito. Nang tignan siya ng batang lalaki ay sunod sunod na dumadaloy ang mga luha sa pisngi niya. Nag-iwas ng tingin ang batang lalaki at dahan dahang inangat ang kamay para haplosin ang buhok ng batang babae. Napansin niya ring may mga tao sa di kalayuan kaya tinaas niya ang kalahating bahagi ng jacket niya para takpan ang batang babae.

Ilang minuto pa muna bago umayos ng upo ang batang babae. Hinawakan ng batang lalaki ang balikat nito at hinarap sa kaniya. Basang basa ang mukha kaya siya na ang nagpunas ng pisngi nito. Habang pinupunasan niya ang pisngi ng batang babae ay nasa kwintas niya ang tingin. Nang matapos siya ay hinubad niya ang kwintas at sinuot sa leeg ng batang babae.

"If you need a shoulder to cry on, you can use this whistle necklace to call me" ngiting sabi ng batang lalaki sa batang babae sabay gulo sa buhok nito.

~~~

To be continued..

Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now