Phase 37

2 1 0
                                    

Phase 37



Cold



Third Person's POV



Nakatanaw sa bintana ng mansyon sina Praxedes, Alexia, Zemn, Love at iba pang kasambahay ni Praxedes. Nakatingin sila sa labas, kay Praxiscian.



"Madam, tawagin mo kaya?" sabi ni Alexia sa matanda na nakatingin sa apo.



"Hayaan ninyo siya." tanging sabi ng matanda at tumalikod, hindi na tinignan ang apo.



"Eh kanina pa po siya naglilinis. Tapos na po siya sa kusina, dito sa bintana, ngayon nasa hardin na po siya. Baka po gabihin po siya sa ginagawa. Ang lapad po ng hardin." alalang sabi ni Alexia.



"Mas mabuti na iyan kaysa naman magbasag siya ng gamit sa mansyon." sabi ng matanda at napangisi. "Ganiyan din ang papa niya kapag galit na nag-iisip." iiling-iling na sabi ng matanda saka bumaling sa kanila.



"Umalis na kayo diyan at baka makita kayo, ihahagis niyan ang kung ano man ang mahawakan" natatawang sabi ng matanda at umakyat na sa silid nito.



Patuloy pa din sa pagwawalis si Praxiscian. Doon niya binubuhos ang galit niya habang nag-iisip. Huminto siya saglit at kumuha ng rake. Kung ano-ano na lang talaga ang maisipan niyang gawin. Pagod na pagod na ang katawan niya pero hindi niya ito ramdam.



Gumabi na't lahat nasa labas pa rin si Praxiscian. Ngayon, ginugupitan niya ang mga halaman ng iba't ibang hugis.



"Tama na iyan, Praxiscian.." napalingon siya ng magsalita ang lola niya. Hindi niya ito pinansin at binalik ang kaniyang atensyon sa mga halaman.


"Kailan ka pa naging hardinera?" pigil ang tawang sinabi ng matanda. Kunot noong bumaling sa kaniya ang apo.


"Are you making fun of me?" malamig nitong sabi.


"Tumigil ka na kasi. Buong araw kang walang kain, apo" mahinahong sabi ng matanda.


"Get lost" sagot ng apo at binalik ang tingin sa halaman. Narinig naman niya ang papalayong yapak ng matanda.


"Oh? Alvezo? Anong ginagawa mo dito?" malakas na sabi ng matanda kaya agad na napalingon si Praxiscian. Natawa naman ang matanda sa naging reaksyon ng apo.


"Siya pala ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan.." ngising sabi ng matanda at pinagkrus ang braso.


"Will you stop talking to me?" inis na sabi ni Cian.


"Ano bang nangyari?" pilit na tanong ng matanda. Hindi naman siya sinagot ng apo.


"Aren't you curious about the rest house?" tumaas ang kilay ni Praxiscian sa narinig at nilingon ang matanda.


"Why? Will you tell me about it?" tumango ang matanda. Iniwan naman niya ang ginagawa at lumapit sa matanda.


"And if you're bluffing?" hamon niya. Tumawa ang matanda at napailing. "You're free to kill me" mayabang na sabi ng matanda. Huminga siya ng malalim at tinignan ng seryoso ang matanda.


"I told him that I'm a part of a mafia—" agad siyang pinutol ng matanda.


"Ikaw naman pala ang nagsabi.. eh anong pinoproblema mo diyan?" inirapan siya ng matanda.


Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now