Phase 17

5 2 0
                                    

Phase 17


Worried


Praxedes' POV


"Madam, nandiyan na po ang bisita." sabi ng isa sa mga kasambahay.


"Patuluyin ang bisita." sabi ko at nakangising nakatingin sa kawalan.


~~~


"Mayette, samahan mo ako. Matagal na rin nang huli akong nakapag-shopping." utos ko kay Mayette.


"Mama, masyadong malayo ang mall." alalang sabi ni Mayette.


"Gusto kong mamasyal," mariin kong sabi.


"Sige po, mama. Ipapahanda ko na ang sasakyan," sabi niya at umalis.


Nang handa na ang sasakyan ay umalis na kami. Masyadong malayo ang mall mula sa mansyon pero hindi ko alam.. parang may nagtutulak sa akin na umalis. Ilang sandali pa nang makita ko ang isang makintab at mukhang bagong kotse. Bahagyang bukas ang bintana nito kaya kita ang kalahati ng itaas na parte ng mukha niya. At nasisiguro kong si Praxiscian iyon.


"Sundan ang kotseng iyon" sabi ko at ni-U-turn ng driver ang kotse.


"Bakit, mama?" tanong ni Mayette na hindi ko sinagot.


"Siguraduhin mong malayo tayo sa kotseng yan," sabi ko sa driver.


Masyadong malakas ang pang-amoy ng batang iyon at maaamoy niya na may nakasunod sa kaniya.


Huminto ito sa harap ng isang mansyon. Napataas ang kilay ko nang makita sa hindi kalayuan ang isang lalaki kasama ang aso ng apo ko. Matangkad ito, gwapo, maputi at malinis manamit.


Nang bumaba ang apo ko ay siya namang paglapit ng lalaki saka sumunod ang aso. Ano naman kaya ang koneksyon niya sa apo ko? Nagulat ako nang may lalaking lumabas sa kotse ng apo ko. At sino naman ito?


Ilang sandali pa ay hinatak palayo ni Praxiscian ang lalaking kasama ng aso niya kanina. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero may binigay ang lalaki at agad namang sinuot ng apo ko. Kwintas?


Nang umalis na ang lalaki ay agad namin itong sinundan. Sobrang layo ng binyahe namin kaya pagod na pagod ako nang huminto kami sa Alvezo Mental Care. Hmm.. Alvezo? Ito na ba ang ospital na matagal nang  pinlano ni Albert? Tinuloy pala ni Anthony. Well, I am impressed.


~~~


"Good evening. I got a call that I need to pick up a patient." magalang na sabi ng lalaki. Napataas ang kilay ko at nagpilit ng ngiti.


"Why don't we settle down first? Alam kong napagod ka sa byahe, hijo" sabi ko at sumenyas sa maid.


"No, it's fine po" magalang niyang sabi at ngumiti.


"So, uhm.. gaano ka na katagal na nagtatrabaho sa mga Alvezo, hijo?" tanong ko habang hinihintay ang pagkain.


"Since it opened pero hindi po ako permanent na nagtatrabaho doon," sagot niya.


"Oh wow, is it okay? I mean okay lang ba sa mga Alvezo na—" hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko.


"Yes po. To tell you the truth, I'm the son of the Director" sabi niya at nagpilit ng ngiti. Natigilan naman ako sa sinabi niya. He's the son of the Director of the hospital. Does that mean.. He is an Alvezo?


Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now