Phase 28

2 2 0
                                    

Phase 28



Sunset



Sean's POV



Rinig ko mula sa labas ang usapan ng dalawa. Nakakainis na nandito ako at walang ginagawa. Paano kung saktan siya nung lalaking iyon? Lasing pa naman iyon.



"Then I should get rid of him" rinig kong sabi ni Love.



"Order to kill a doctor. The one who's with the Underboss." dugtong niya. Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan.



May inutusan siyang patayin ako? Siraulong lasing yan!



"I will behead whoever try to harm my fiancé. I am still the Underboss and the heiress of Schadel. Try to disobey me and I will bring down the whole Schadel." malamig at nakakatakot na banta ni Cian.



Underboss? Heiress? Schadel? Ano bang sinasabi niya?



Pero.. sinabi niyang.. Fiancé niya ako.



Naalala ko naman ang ginawa niya kanina. Bumaba ang tingin ko sa dibdib ko kung saan siya nakahawak kanina.



"Thank you, Sean" marahan niyang sabi kanina sa akin at ilang beses iyong umulit sa tainga ko. Sobrang sarap noon sa pandinig. Sana hindi niya ramdam yung pagkalabog ng dibdib ko kanina. Nung hawak ko pa lang ang kamay niya ay parang wala lang. Pero noong bahagya niya akong hinila ay nagkanda-ikot na yata ang mga internal organs ko. Tapos lumapit pa siya, hinawakan ang dibdib ko. Sinong hindi magwawala ang puso sa ginawa niya?



"What did you say?!" sigaw ni Love.



"Will you just get out? I'm tired, Loverous" malamig na sabi ni Cian.



"Please, Ace. I know you're just lying. Let's go back to Germany and—" hindi na natapos ni Love ang dapat niyang sasabihin at nakarinig ako ng malakas na pagkalabog. Sa kaba ko ay agad akong napalabas.



"I'm so done with you" rinig kong sabi ni Cian.



Tuluyan akong lumapit at nakita ko si Cian na nakaupo at hinihilot ang sintido. Dumako ang paningin ko sa sahig. Nakahandusay na si Loverous. Nilapitan ko naman si Cian.



"Hey, are you okay?" maingat kong tanong. Tumango naman siya.



"Is he.. dead?" kabadong tanong ko. Marahas namang napatingin sa akin si Cian.



"You think I killed him?" kunot noong tanong niya.



"N-No" sagot ko kahit nanginginig ako ng kaunti.



Tinignan kong maigi si Love at humihinga pa naman siya dahil tumataas-baba ang kaniyang dibdib. Nakahinga naman ako ng maluwag. Bumaling naman ako kay Cian nang matamlay siyang tumayo.



"Let's change and go somewhere else." sabi niya at tinalikuran ako.



Mamamasyal kami?



~~~



Third Person's POV



"Ano ang nangyayari dito?!" dumagundong ang malakas at malalim na boses ng matandang lalaki.



Natigilan naman ang dalawang nag-aaway at tuwid na tumayo, humarap sa matanda habang nakayuko.



"Lux, magsalita ka." utos nito.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now