Phase 33

1 1 0
                                    

Phase 33



In trouble



Third Person's POV



Pagpasok na pagpasok ni Zemn sa kwarto ni Alexia ay agad siyang nakatanggap ng malakas na sampal.



"Tangina naman! Bakit mo sinabi iyon? Alam mong nanliligaw iyong tao tapos—" pinutol siya ni Zemn.



"Shut up" malamig nitong sabi at basta na lang humiga sa kama.



"Hoy!" sigaw ni Alexia dahil ilang ulit na niyang niyuyugyog si Zemn pero hindi pa rin siya pinapansin nito.



"What? You ignored me for days and now that I'm ignoring you, you're losing your patience?" asik ni Zemn.



"Kinakausap kita hindi ako nagpapapansin sayo" irap ni Alexia.



Ilang minuto silang tahimik. Pero binasag iyon ni Zemn.



"You kissed me.." mahinang sabi niya at parang hindi naniniwala na nangyari iyon.



"Para naman matahimik ka." irap ulit ni Alexia



"Lisha, stop rolling your eyes" kagat-labing sabi ni Zemn. Pinalo naman siya sa braso ni Alexia.



"Bastos" bulong ni Alexia at tinignan ng masama si Zemn.



Ilang saglit pa ay bumangon si Zemn at lumapit kay Alexia. Si Alexia naman ay atras ng atras hanggang sa dumikit na ang likod niya sa dingding. Tinukod naman ni Zemn ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ni Alexia, kinukulong ito.



"So.. Ace told you about me fucking some other girl.." panimula ni Zemn.



"Girl? or girlsss?" taas kilay na tanong ni Alexia. Humalakhak naman si Zemn.



"That was before I know you.." sumama ang tingin ni Alexia sa kaniya.



"So inaamin mo nga?" inis na sabi ni Alexia at tinulak palayo si Zemn.



"Lisha.. Hey.." puno ng panunuyo ang boses ni Zemn. Busangot ang mukha ni Alexia habang nakaupo sa kama.



"Lumabas ka na" malamig nitong sabi. Agad na ring umupo si Zemn sa tabi niya.



"I like you, Lisha.." paglalambing ni Zemn, yumakap pa siya kay Alexia.



"Tigilan mo ko. Doon ka na sa mga babae mo" malamig na sabi ni Alexia.



"Lisha, no.." sabi ni Zemn at pilit na niyayakap si Alexia kahit ayaw ng isa.



"Ano ba?!" sigaw ni Alexia sa kaniya. Napalayo bigla si Zemn sa kaniya.



"You're just jealous—"



"Oo na! Nagseselos na! Nagugustuhan na kita!" malakas na sigaw ni Alexia. "Ngayon, lumabas ka na" malamig na dugtong ni Alexia.



"What?" tulalang tanong ni Zemn.



"Ay tangina bingi" irap ni Alexia.



Bigla ay tumayo si Zemn at ni-lock ang pinto. Nanlaki naman ang mata ni Alexia nang nakangising lumapit si Zemn sa kaniya.



"Is this soundproof?" tanong ni Zemn.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now