Phase 40

2 1 0
                                    

Phase 40



Waves of Smile



Gabi na nang makauwi ako. Agad akong sinalubong ng nag-aalalang si Alexia.



"Ma'am Ace, kumain ka na po ba?" maingat niyang tanong. Tumango lang ako at umakyat na papuntang kwarto ko.



Bago ang kwarto ko ay may isa pang kwarto at nagulat ako nang bahagyang bukas iyon. Sumilip ako at nakitang nakaupo si Lux doon. Tinulak ko ang pintuan at nakuha ko ang atensyon niya. Tumayo siya at lumapit sa akin.



"Prax.. kararating mo lang?" tanong niya. Hindi ako kumibo at tinitigan lang siya.



Hindi ko man lang nakilala ang mukha niya. Hindi ko makitang magkahawig sila ni Papa dahil limot ko na rin naman ang mukha niya.



"You're.. my brother?" tanong ko pa. Tumango siya.



"I didn't know.. I wasn't informed" naguguluhan kong sinabi.



"It's okay. We'll explain everything to you" ngiting sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.



"We?"



"Mama and Papa and Lolo" napakurap-kurap ako sa sinabi niya.



"They're alive?" tumango siya.



"Then why didn't they find me? I was looking for them for years! Why didn't they try to contact me and at least tell me that they are alive? or They don't want to see me?" naluluha kong sambit. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.



"You can ask them that but you should rest for now. You'll meet them soon. You can talk to them and—"



"I want it tomorrow" putol ko sa kaniya. Natigilan naman siya. Ilang saglit ay ngumiti na siya sa akin.



"Tomorrow it is" sabi niya at inangat ang kamay para haplusin ang buhok ko.



~~~



Third Person's POV



"Baerietta, cover your mouth and don't shout." pabulong na sabi ni Lux habang katawagan ang kapatid.



"Mm!" sagot naman ng kabilang linya, patunay na ginawa niya ang sinabi ng Kuya niya.



"I'm in Lola's mansion. Alam na niyang apo niya ako." diretsong sabi ng binata. Naguluhan naman siya nang tahimik lang ang kabilang linya.



"H-Hello? Baerietta?" tawag ng binata. Bigla ay tumili ito.



"Napakadaya mo naman!" reklamo ng kapatid.



"Shut it. Si Praxiscian ang nagdala sa'kin dito" sabi ng binata at bumuntong hininga.



"Anong naging reaksyon niya?" tanong ng kapatid.



"She ran away. Pero nandito na siya. Kauuwi lang"



"Sinabi mo na bang.."



"Sinabi kong buhay sina Mama, Papa at Lolo. Hindi ko pa nasabi ang tungkol sayo."



"Ang sama mo, Kuya. Hindi na kita mahal" malamig na sabi ng kapatid niya.



"Intindihin mo muna, Baerietta. Kailangan nating unti-untiin si Praxiscian dahil nag-uumapaw na ang nararamdaman at mga tanong niya. Naaawa na ako sa kaniya. Imagine, hindi niya nakasama sina Mama at ilang taon niya itong hinanap, tapos malalaman niyang buhay pa ang mga ito at ni hindi man lang sila nagpakita sa kaniya." mahabang sinabi ng binata.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Where stories live. Discover now