CHAPTER 4

816 22 0
                                    

Kinaumagahan nagising nalang ako na nasa kwarto na ako

"Dito ba ko natulog? O nag sleepwalking ako? O baka naman..." Ipinilig ko ang aking ulo sa naiisip imposible namang buhatin ako ni Aldritch walang pakialam sa akin yun eh kausapin nga hindi magawa

Naghihikab pa ako ng mapa tingin  sa orasan ay hala mag aalas nuebe na ng umaga!

"Ohh shocks" napabalikwas agad ako ng bangon mabuti at closing ako ngayon alas onse ang pasok ko hanggang alas otso ng gabi.

Dali dali akong nagtungo sa banyo upang maka paligo na sana kahit pupungas pungas pa

Haist nalasing ba ako kagabi? bulong ko sa sarili, nakapikit pa ako habang nag huhubad ng damit dahil sa pagka antok ko mabuti nga at hindi naman masakit ang ulo ko, hindi ko na rin ramdam ang pagsakit ng mga binti ko

"Re-reypinin mo ba ko?"tanong nya kaya napatawa ako bakit naman narinig ko ang boses ni Aldritch dito tapos yun pa talaga huh

"reypin daw" natatawa ko nalang na sabi teka napadilat ako ng mata ano daw? Rape? Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita, naliligo pala sya at ako naman ay nag naghuhubad. Oh my gosh..! Kaagad akong napa atras

Ayaw ko man  mapa tingin sa hindi dapat tignan ng dalagang babae eh hindi ko mapigilan mapadako ang mga mata ko doon na lalong nagpadilat sa akin at napa nganga ng malaki.

Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko natataranta ako na hindi ko malaman.

"Ehh kung tumalikod ka kaya at lumabas na" patawang sabi nya sabay buhos ng tubig hindi ba nya tatakpan ang sarili?

Susme buti dalawang manggas palang ang naaalis ko at expose pla dito ang bra ko, kaya agad kong pinagtiklop ang mga braso upang mapag takpan ang harapan, tumawa nanaman sya ng malakas.

"Kaylangan kong lumabas tama dapat lumabas na ako" tarantang sabi ko akmang bubuksan ko naman ang pinto ng banyo ng marinig ko ang boses ng Tiya.

"Aldritch pagkatapos mong maligo paki samahan mo ako sa palengke ha" sabi pa ni tiya naman oh!

"Opo Tiya" sagot naman ng huli,pano ako lalabas mukang nagluluto na si Tiya, patawa tawa naman si Aldritch habang patuloy na naliligo.

"Hindi ka maka labas ano? May balak ka siguro sakin?" Pag aakusa nya.

Napanganga nalang ako sa sinasabi nya at napabuga ng hangin hindi talaga ako maka paniwala kaya napaharap ako sa kanya habang takip ang mga mata

"h-hindi n-nuhh h-hindi k-ko kasssse a-alam na nandito ka" kanda utal utal kong sabi sabay talikod na.

"Ehh bakit ayaw mo pang suotin ng maayos yang damit mo?" Ganting sabi nya

Napatingin ako sa sarili hindi ko parin pala  naayos at nasa leeg ko parin ang damit ko.

Ramdam ko ang pag lapit nya, inilapit pa nya ang labi sa aking tenga na nagpatayo sa balahibo ko," Wag mo ng i-ayos ako na ang lalabas, at ako na rin ang bahala kay Tiya para maka ligo kana" sabay ihip sa tenga ko.

Pakiramdam ko lahat ng balahibo ko ay nagsi tayuan bakit naman kase kaylangan pang mangyari ito napahawak ako sa aking tenga. "ngeeee" para akong kinilabutan.

Kumindat pa sya bago  lumabas ng naka tapis, hindi parin ako maka paniwala sa nangyari, nakita ko ba talaga yung ano? Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Iba pala kapag harap harapan ka ng naka kita nun, ipinilig ko ang ulo, hindi to pwede!

Bakit ba kase, ano naman kase tong pinag gagawa ko dahil sa pag mamadali ko kung anu na ang nagawa ko at rape pa talaga ahh.. Ako huh hindi ahhh basta ano umm malaki yung n-nakita ko, hayy anu ba yan ayoko na mag isip at mahuhuli na ako.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon