CHAPTER 17

625 19 0
                                    

Mahigit dalawang oras na yata kameng naka upo ni Aldritch dito sa bus pero mukang malayo pa ang pupuntahan namin, mukang wala din syang balak sabihin kung saan ba talaga kami papunta.

Ilang beses na kong naka tulog sa balikat nya dahil kulang pa ako sa tulog, pag nagising naman ako at magtatanong kung malapit na ba kami nagtaas balikat lang sya. Nakaka inis na din minsan pero tatawa lang sya at yayakap, sasabihing magpahinga pa ko

Matapos ang  mahabang pag byahe may van na sumundo samin sa terminal at dinala kame sa isang  beach house. 

Kung anong inip ko sa byahe sya namang saya ang naramdaman ko ng makita ang lugar. Sobrang ganda!

May malawak na beach hindi ko makita kung anong kulay ng  buhangin dahil madilim na pero baliwala kung ano mnag kulay nun, may mga bundok din sa paligid,  mukang private ang lugar wala naman kaseng mga cottage. 

" Do you love the view?" Naka ngiti nyang tanong. 

"Syempre naman sobrang ganda dito Aldrich." Mangha kong sabi habang inililibot ang mata sa buong paligid kahit gabi na kita parin ang kagandahan ng lugar.

Hinawakan nya ang kamay ko at marahang pinisil bago akayin "tara" 

Umakyat kame papunta sa nag iisang bahay dito, gawa ito sa woods at glass o muka lang yung kahoy? Ang paligid ay puno ng halaman at magagandang bulaklak. May bougainvillea pa na pinagapang upang magmukang arko. Ang mga hagdan na gawa sa pinagsama samang bato.

"Aldritch kaninong bahay to? Namamanghang tanong ko habang iginagala ang mata sa paligid. 

Pero gaya kanina nagkibit balikat lang sya. Dahan dahan lang kaming naglakad masakit pa kase yung gitna ko dahil sa kanya, kaya sa huli ay pinasan nalang nya ako habang bitbit ang mga bag na hindi ko alam kung saan nya nakuha

Kung anong ganda sa labas ganun din sa loob sobrang ganda ng interior halatang mayaman ang may ari bagay dito ang bungalow style na high ceiling. 

Binuksan ni Aldritch ang pinto ng kwarto gamit ng paa bahagya na kaseng naka bukas yun  inilapag nya sa sahig ang dala nyang bagpack at saka ako ibinaba humiga sya sa kama. 

"Hayy grabe nakakapagod" 

Tinapik nya ang gilid ng kama "come baby" 

"Baby ka jan hindi mo nga sinasabi kung kaninong bahay to eh' saka wala bang ibang tao dito?" Sabi ko habang naka cross ang mga braso.

"Tsss" mabilis itong tumayo at niyakap ako at sabay kameng nagpatihulog sa kama mabilis nyang ipinulupot ang mga hita nya sa hita ko.

"You will know soon pahinga muna tayo saglit, pagod pa ko simula kagabi"  

Alam kong namula ako dahil sa sinabi nya  

Nakayakap sya sa likod ko maya maya pa ay rinig ko na ang pantay nyang paghinga tulog na? pagod nga hay

Gusto ko din sanang matulog kaso pag na eexite ako sa lugar kahit anong pagod ko baliwala sa akin kakayanin ko naman ng maglakad kahit pano 

Isa pa kaylangan maka luto ako para pag gising ni Aldritch may kakainin na sya hindi pa naman kami kumain sa byahe,

Pa simple muna akong humarap sa kanya bago pagmasdan ang buo nyang mukha, bakit kase ang gwapo? Mabilis nanamang tumitibok ang puso ko dahil sa simple palang na pagtitig sa kanya

Pinindot ko muna ang ilong nya at mabilis na hinalikan saka marahang kumalas sa pagkakayakap nya

***

Ilang beses kong pilit iminumulat ang aking mga mata na antok na antok pa humahalik na sa pisngi ko ang sinag ng araw, ang bilis namang sumikat

Nakatulog ako sa duyan.. "anong oras na ba" 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon