CHAPTER 6

683 25 1
                                    

"Andrea, Andrea" dinig ko ang mahinang pag tawag ni Aldritch "nandyan na ang tricycle." dugtong pa niya

"Ahh anjan na ba salamat naman tara na" mahinang sabi ko hindi ko namalayan na naka tulog pala ako, halos hindi ko pa nga maidilat yung mga mata ko sa sarap ng tulog ko.Iba talaga ang dulot ng ulan napaka presko sa pakiramdam

Inalis ko na ang tela saka tumayo na akmang hahakbang na palabas ng sya namang sigaw ni Aldritch.

"Huuuyy A-Andrea ano ba!" sigaw nya na halos mapatalon pa ako sa gulat.

"Bakit ka ba sumisigaw" naka nguso kong sabi pwede naman kase akong tawagin ng mahinahon lang

Napa titig ako sa kanya iba kase yung paraan ng pagtingin nya. Naka ilang lunok yata sya umm bakit?  kita ko din ang pag galaw ng Adams apple nya, kanda duling pang tumingin sa akin

"I-ikaw talagang Andrea ka m-magbihis ka kaya muna, ako na muna ang lalabas baka k-kung ano pang magawa ko at ma mapag samantalahan pa kita" kanda utal pa nyang sabi at dali dali ngang at lumabas.

"Magawa? Mapagsamantalahan?"  pagkatapos ng ilang segundong pag iisip, nanlaki ang mata ko at napakagat labi at unti unting tumingin sa sarili halos mapunta lahat ng dugo ko sa mukha bago umupo ng mabilis at yakapin ang sarili

"hayyy bakit? bakit naman ganto eto nanaman ako sa kalutangan ko wala na.. Wala na akong maiitago sa kanya kainis" sabay batok sa sarili parang gusto ko ng sabunutan ang buhok ko

Mabilis kong hinanap ang mga damit pero tanging ang t-shirt nalang ang nakita ko na nandito, "tinangay kaya ng hangin?" padilim na baka hindi ko na mahanap yun itong Aldritch kase na ito sabi mag hubad ayan wala na akong ma isuot. Kapag sinuswerte ka nga naman.

Narinig ko ang palapit nitong mga yabag kaya ibinalot kong muli ang sarili sa tela, narinig ko pang inuubo ubo ito, sa lamig siguro kanina.

"Bakit hindi kapa naka bihis?" kunot noo na tanong nya sabay tingin sa bintana

"wala na yung mga damit ko  tinangay yata" nahihiya kong sabi ni hindi ko kayang tumingin ng diretcho sa kanya kakainis naman wala na nagka kitaan na kaming dalawa ng mga hindi dapat makita!

Mabilis nitong hinubad ang t shirt na suot at inabot sa akin, "yan nalang ang suotin mo hindi ka naman pwedeng lumabas na naka ganyan mas masagwa". Seryoso nitong sabi saka lumabas ng muli.

Dinoble ko nalang yun sa t shirt na suot ko kanina, para hindi naman masyadong halata na wala akong panloob, mabuti at umabot naman yun hanggang kalahati ng hita ko.

Kung pwede lang na huwag na kong lumabas sa kubo na ito eh kaso hindi naman pupuwede, pag labas ko sa kubo ay wala din ang tsinelas na suot ko jackpot naman talaga, nahihiya akong lumakad palapit sa tricycle buti nalang at hindi na mahangin.

Mariin kaming tiningnan ng driver, at napabuntong hininga pa ito "kabataan nga naman" iiling iling pa nitong sabi. Sino ba naman ang hindi mag iisip ng kung ano eh suot ko na yung tshirt ni Aldritch na kanina lang ito may suot at parehas pakaming walang tsinelas galing pa kami sa kubo.

Yakap ko ang sarili habang bumabyahe pa simple ko ding tinitigan si Aldritch nanginginig yung kamay nya kaya kahit nakaka hiya ay pasimple akong sumandal sa kanya bago pumikit, para kahit papaano ay may konting init naman syang makuha

Naramdaman ko pa ang pag pulupot nya ng mga braso sakin, inilagay pa nya ang ulo ko sa balikat nya, may naramdaman akong kung ano hinalikan nya ba ang buhok ko?

Madilim na ng makarating kami sa bahay mabuti nalang at nasa kwarto ang tiya ko kaya naka puslit kami parehas sa aming kanya kanyang silid. Kumuha kaagad ako ng damit at naligo kinalaunan.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon