CHAPTER 40

502 15 2
                                    

Kung anu ano pa ang binabanggit nitong si Noah kaya yung isa doon sa ibang bansa eh gusto ng umalis kaagad doon sa set at umuwi dito. I rolled my eyes.

Kaya ng medyo lumapit sya sa akin ay hinila ko yung buhok nya.

"Sira ulo ka pinapatay mo na ko!" Kunwari ay naaasar ako sa kanya. Pero hindi naman talaga thankful pa nga ako at nandito sya.

"Aray! aray ko naman Drea, joke lang naman ehh" reklamo nya.

Iniharap nya sakin yung cellphone. Tinabi pa nya yung mukha nya sa akin kaya medyo itinulak ko yun.

"Noah! You bastard!! I gonna kill you!" Gigil na sabi ni Geo sa kabilang linya.

"Init ng ulo ni lover boy? Oh ayan na po" sabay abot ng cellphone lumakad naman doon sa lamisita at mukang nag tingin tingin ng pagkain.

"How are you Im worried" concern nyang sabi.

"Ok na ako ang init kase kanina tapos ayun biglang ulan" naka ngiti ako sa kanya para hindi na sya magalala.

"Sir Au is awake you can come now in the ICU" sabi ng nurse mula sa pintuan.

Nanginig ako bigla, nawala yung ngiti ko. Dinig ko pa yung pag mumura ni Noah at Geo. Nagulat din yung nurse na napatingin sa akin with apologetic look.

Umalis ako sa higaan at tumayo bigla nakaramdam ako ng konting hilo pero kaya ko. "Love calm your self, she said she's already awake ok " pang aalo ni Geo sa akin.

Hindi ako nagsalita at naglakad papunta sa pintuan. Panay lang ang tulo ng mga luha ko lihim na pinag dadasal na sana ok lang yung anak ko.

Dinaluhan naman ako kaagad ni Noah. Sya na ang nag tulak nung stand ng swero ko.

"Listen Andrea make it slow, para maalalayan kita huwag mo sanang masamain" paghabol sakin ni Noah.

Kaya binagalan ko kaylangan gumana ng maayos yung utak ko ayokong mag panic hindi rin naman makaka tulong, ang sabi gising na sya diba? Kaylangan ko din ng makakapitan physically mentally and emotionally

Sumakay kami ng elevator, umakbay sya sakin at inilapit sa kanya. Pinunasan pa nya yung mga luha ko "She's fine ok, she's strong like you so don't worry" pag aalo pa nya sakin.

"Noah natatakot ako, ano bang nangyari?" Tanong ko hindi ko na napigil ang mapa hikbi, pagdating talaga sa mga anak ko sobrang nanghihina ako pag may ganitong pangyayari

"Later, ok later"

Nang makarating kami sa ICU nakita ko si Nilo doon sa labas ng pinto, bakit sya ang nandito ano bang nangyari.

May lumabas na dalawang doctor doon si Dr. Mendez yung isa nagulat pa sya ng makita ako pagkuway ngumiti din.

"Ms.Ruiz pwede ka ng pumasok, dont worry she's fine, Dr. Gonzalez is with her" tinapik pa nya ako sa balikat, nginitian lang din ako ng isang doctor at tinapik din sa balikat.

"Pasok na kayo dito nalang siguro ako"

Tinanguan ko si Nilo pinunasan ko pa muna yung mga luha ko saka kami pumasok ni Noah.

"Mommy" mahinang bigkas ni Au. May oxygen pa sya at swero kaya halos madurog yung puso ko. Gustong gusto kong umiyak pero ayaw kong makita nya yun kaya pinigilan ko. Dapat strong ako sa paningin nya para hindi din sya panghinaan.

"Doc kamusta po sya?" Tanong ko sa Doctor na tinitignan yung swero nya

"Sa labas nalang mommy" tumingin pa ito sa relo
"Babalik nalang ako after 30 minutes para makapag usap muna kayo" ngumiti sya saka nagpaalam na kasunod din yung nurse na nagbalita nun.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon