CHAPTER 5

765 19 2
                                    

Pauwi na ko ng makita si Aldritch sa labas may dala syang payong,

"H-hi" alangan kong sabi syempre nahihiya pa ako dahil sa nangyari kaninang umaga

Pinagmasdan nya akong maigi nanibago siguro sa suot ko,

"Umm bigay ng customer" pag kwento ko nalang sa kanya bago sumukob sa payong isa lang naman kase yung dala nya eh

"Aldritch may sahod na ako, gusto mo ilibre kita?" Natutuwa kong sabi bago dumikit sa kanya para hindi mabasa ng putik dahil sa pagdaan ng rumaragasang jeep bahagya nya din akong niyakap

"Sinong customer?" Sagot nya habang naka kapit parin sa braso ko ang kamay nya, dahil doon medyo nabawasan ang lamig na dulot ng ulan

"Umm bagong customer lang" sagot ko sa kanya hindi naman na sya sumagot mas inilapit lang ako sa kanya ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko

" Tara" dumaan kami sa bilihan ng damit konti lang kase yung mga damit nya yung iba mga pinag lumaan pa ni kuya

"Ipunin mo nalang diba nag iipon ka" pag protesta nya ng sabihin kong ibibili ko sya ng damit libre ko sa kanya

"Ano ka ba minsan lang naman sige na pumili ka na" pag tataboy ko pa sa kanya
Kaya napipilitan syang mag tingin tingin doon medyo nakaka ilang lang kase naka titig sa kanya yung dalawang tindera napopogian siguro

"Aldritch tignan mo hahaha gusto mo" itinuro ko pa sa kanya yung naka display doon

"Bakit bibilan mo ko? Sabagay nakita mo naman na at wala na akong malilihim pa mukang alam mo na nga kung kasya" kaswal nyang pagkakasabi pero lahat yata ng dugong meron ako ay napunta na sa mukha ko



Day off ko ngayong araw kakatapos ko lang magsampay nang tawagin ako ni tiya.

"Andrea pwede bang ikaw muna ang pumunta sa mansyon at nahihilo ako" naka upo ito sa upuan sa kusina habang sapo ang noo kaya agad ko syang dinaluhan at inabutan ng tubig na maagad naman nyang ininom

"Sige po tyang wala na man pong problema ang kaso po ok lang po ba na iwan ka? " nag aalalang tanong ko baka kase mapano sya kung iiwan ko

"Oo naman kahit pano maayos naman ako hindi ko lang kayang maglinis at magbuhat ng kung ano-ano batang ire ohh hihiga lang ako at ok na ok na ako" paninigurado ni tyang sakin kaya kahit pano napanatag na ako.

"Isama mo narin tong si Aldritch ng maka kita naman ng ibang tanawin hindi yung laging naka tanaw dyan sa bintana at inaantay ka"  ha inaantay ba nya ko? Kaso naaalala ko parin yung sinabi nya nung nakaraan sobrang nakaka hiya talaga pinag tinginan pa kami ng mga tindera

Nagka titigan kaming dalawa kalalabas lang nya ng banyo, ayan nanaman po si banyo parang ang memorable na tuloy dahil sa kanya

"Magbihis kana at aalis na tayo" mahinahon kong sabi.

Yun lang at tinalikuran ko na sya para makapag bihis baka gumana nanaman ang isip ko at biglang magbalik tanaw sa kung anong nakita ko haaaist

Maraming binilin si tiya wala daw ngayon doon ang matandang Montenegro nasa bayan upang magpa check up, pero kaylangang maglinis darating daw kase ang nobya ng apo nito.

Magkatabi kami ngayon sa tricycle mga bente minuto siguro ang byahe. Nakatingin lang ako sa labas ganun din si Aldritch, ewan ko ba dito naki siksik pa pwede naman syang sa labas

Magaganda ang tanawin dito probinsyang probinsya pa, ngayon pa lamang din ako makaka punta duon sa mansyon simula ng dumating ako kina tiya

Mabuti nalang at may service na si tiya kaya hindi na sya nahihirapan pa, Maya maya pa ay pumasok na ang tricycle sa napaka lawak na bakuran, napakaraming tanim na mangga at iba pang klase ng puno kita mo ang mga tauhan na nag aasikaso ng bawat pananim

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon