Chapter 77

393 12 1
                                    

Sa sasakyan ako ni Geo sumakay si Mina naman kay Mark mabuti naman at wala na yung media kanina, chinat nalang ni Mina kung saan kami magkikita kita

Sya na daw bahala kay Mark since Gemini moon daw ang sign ni crush meaning may pagka flirt sya? Hindi ako sure kaya sya na daw ang bahala sa lalaking yun Mina's word

Sabi ko kay Geo daan muna kami saglit sa department store at may bibilhin lang ako sandali

Naglalakad na kami sa loob ng may mapansin ako sa ibabang floor napahinto pa ako at sinilip sila tama ba yung nakikita ko?

Bumitaw ako kay Geo at sinubukan pa silang habulin ng tingin pero wala na sila bakit ganun anong meron?

"What is it?" Takang tanong ni Geo na tinitignan din kung ano ba yung hinahanap ko ng tingin

"W-wala akala ko lang may nakita akong kakilala ko" humawak na uli ako sa braso nya at nagpanggap na ayos lang ang lahat

Sa womens section kami dumerecho sabi ko nga kay Geo mag ikot ikot muna sya eh kaso ayaw naman nahihiya tuloy akong pumili ng maayos na undies pano halos wala na kong masuot kasalanan yun ni Aldritch!

Pa simple akong tumitingin tingin doon tinitignan kong maigi kapag sa iba naka tingin si Geo haiiist naman kase!

"I think it suits you" inabot pa ni Geo isang black undies na may lace namula tuloy yung pisngi ko

"Geo naman eh! Tumalikod ka muna" naaasar kong sabi tumatawa lang sya bago magtanong

"May bibilhin ka pa?" Tanong nya inirapan ko muna sya bago sumagot

"Umm tsinelas sana"

"Alright ako na titingin 520" nag wink pa sya bago lumakad na haist ano ba kase yun may utang ba ako sa kanya?

Matapos maka pili ay hinanap ko na si Geo hindi naman sya mahirap hanapin kase kita mong may mga kinikilig na mga babae at pasimpleng kumukuha ng litrato kahit pa naka mask at cap naman sya

"Try this" inabot nya yung tsinelas na Minnie mouse sa kabilang pair ay si mickey naman may kinuha din sya na mukang sa kanya para parehas kami

"Couple slippers" tuwang sabi pa nya sya pa ang nag sukat sakin at ng kasya nga ay hindi ko na hinubad pagod nadin kase ang mga paa ko sa heels

Sabi ko nga ako na magbabayad pero makulit sya at inabot kaagad yung card nya haiist pangarap ko din yung ganyan Geo

Palabas na kami ng may madaanan kaming bazaar may nahagip yung mata ko kaya lumapit ako doon at hinila si Geo papunta doon

May mug kase doon na kapag pinagdikit naka kiss yung character na babae doon sa kabilang mug na boy characters naman napaka cutie

Kaagad ko yung kinuha at binili habang busy pa si Geo na mag tingin tingin doon bago pa ibalot ay pinakita  ko muna kay Geo

"Geo tignan mo tig isa tayo!" Napakagat labi naman sya bago magpasalamat ay mabuti naman at nagustuhan nya

"Thank you para pag umpisa palang ng umaga ko ikaw na ang maaalala ko" sabi pa nya napahinto tuloy ako panira ba yun ng umaga?

"Only my good memories of loving you" pinisil pa nya ung ilong ko haist ano ba

Nang mapabalot na ay tinignan ko din yung tinitignan nya yung mug na lalagyan ng init tubig tapos lalabas yung picture ang galing naman!

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon