CHAPTER 28

554 16 3
                                    

Pasado ala una na ng hapon ng maubos din ang aming magagandang customer, hindi naman araw ng mga puso ngayon pero dagsa ang mamimili kanina nakakapagod pero masaya

Kaya heto nga at ngayon pa lang kami makakapag pananghalian

"Grabe akala mo araw ngayon ng patay ang daming namili" reklamo ni Mina. 

"Grabe ka naman patay talaga hindi ba araw ng mga puso? " naka nguso kong sabi

"Ayy oo ano patay talaga patay kong puso" maarte nitong sabi. 

"Aysus andyan naman si Lance" natatawa kong sabi

"Lance ka dyan eh na friend zone ako nun matapos yung mga late night talks namin, laging mag kasama ganern sa mga misyon tapos friend zone ano kina gwapo nya?" naiirita nitong sabi. 

Napatanga naman ako sa kanya "anong misyon Mina?" meron kaya itong sikreto na itinatago sa akin?

Bahagya pa itong napatigil bago umiwas ng tingin "Misyon maglaba ganun hayy naku tara na Drea kumain na tayo" lumayo na ito at tinawag na rin si Resha upang maka pananghalian. 

Maghapon kaming naging busy sa dami ng customer halos hindi na namin namalayang ang oras hangang sa gumabi na at oras na ng pagsasara. 

"Birthday ngayon nang papa ko" naka ngiting sabi ni Resha. 

"Wow talaga Happy Birthday ahh" sabay pa naming sabi ni Mina. "Sama kayo sa bahay wala rin naman kase kaming bisita maghahanda ako ng kaunti"

Nagkatinginan kami ni Mina parehas naman kaming walang gagawin kaya pumayag na kami. 

"Grabe shuta ka Resha...! " hingal na hingal na sabi ni Mina "Sabi mong inday ka tatlong kanto lang pagka baba natin ng jeep ehh ni isang kanto wala pa akong makita bwisit ka!" gigil at hingal nitong sabi.. 

"Sorry naman! sakin kase malapit lang ito kaya hindi na ako nag t-tricycle tapos tinanong ko kayo sabi mo keri lang G lang" 

"Ayy pigilan mo ako Andrea at baka makaltukan ko yang babae na yan haiiist" 

"Haha para kang nakikipag away sa sarili mo ano" natatawa kong sabi. 

"Haha nakakatawa Andrea" sarsatiko nitong sabi sabay may pag irap pa. "Kase naman may mga bitbit tayo kaya talagang nakaka hingal" dagdag pa nito. 

"Matanda ka na yata Mina kaya pagod ka na agad hahaha" sabay takbo na sabi ni Resha

"Aba... Etong matandang sinasabi mo kaya pang umasinta ng sampung sintido" makahulugang sagot ni Mina. 

Matapos ang mahabang paglalakad narating din namin ang tahanan nila Resha simpleng bahay lang yun pero halata na puno ng pagmamahal. 

"Welcome sa aming tahanan" sabi pa nito pagka pasok namin. Pansamantala nya kaming iniwan upang ihanda ang binili nyang pagkain. 

Nang maihain na dumating na rin ang kanyang Ama galing sa trabaho "Wow Resha anak talagang pinaghanda mo pa ako" sabay kamot nito sa ulo. "Abay syempre kaya nga ako nag tatrabaho" sabay yakap sa Ama. 

Nakaramdam ako ng inggit naalala ko si Tatay ganyang ganyan din sya sa akin. Ramdam ko ang pag siko ni Mina. "Baka maiyak kapa dyan hindi mo moment ngayon" bulong nito. 

"Grabe ka sakin" napangiwi ako sa sinabi nya. 

"Ok sindihan na natin ang cake!" masiglang sigaw ni Resha. May pumasok pa na isang lalaki kahawig ito ni Resha kaya malamang kapatid nya ito. 

"May bisita ka pala Resh" sabay tingin sa amin. "Oo ya mga katrabaho ko sakto dating mo kakanta na tayo."

Sinindihan nito ang cake at nag umpisa na kaming kumanta ng Happy birthday song. 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon