CHAPTER 24

522 22 0
                                    


Pinaharap ako ni Lance sa kanya.

"What she did to you ? Sinampal ka nya ano kaya namumula yang mukha mo tara lagyan natin ng yelo" hinila na nya ako agad at sumakay ng elevator ni hindi na ako pinag salita.

Sa fifth floor kami nag stop at hinila papunta sa isang kwarto. Pag pasok palang namangha na ko sa ganda.

Umupo ako sa sofa  sa sala, sya naman ay dumiretcho sa kusina. Ramdam na ramdam ko ang pag kirot ng kanang pisngi ko ang lakas nyang manampal. Naalala ko nanaman ang mga pinagsasabi nya.

Ganun ba talaga ang tingin ng iba sakin? Pero wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko lalo tuloy kumirot yung kanang pisngi ko.

Dinig ko ang mga yabag ni Lance na papalapit na, kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko

"Ano bang pinag sasabi nya? Matagal na silang hiwalay ni Geo.. "Lumapit ito at may dalang ice pack bahagya itong lumuhod at dahan dahang nilapat ang ice pack sa mukha ko kaya napa iktad ako.

" A-ako nalang Lance" hinawakan ko ang ice pack pero hindi nya binitawan napa titig tuloy ako sa kanya.

Actually gwapo din si Lance muka syang half spanish nakaka attract ang matangos nyang ilong at ang nunal sa dulo ng mga mata nya at yung kilay nya sa kaliwa na naka twist sa dulo sabayan pa na may pagka misteryoso nyang katangian.

"Bakit na g-gwapuhan ka na ba?" sabi nya habang hindi tumitingin sakin dahilan para mamula ako kaya umiwas nalang ako ng tingin. Bahagya nya pang hinawi ang mga buhok ko.

"Hindi ko hahayaan na magkasiraan kami ng dahil lang sa isang babae" maka hulugan nyang sabi

"Huh? Ano ibig mong sabihin"

Napunta ang atensyon namin sa tumutunog nyang cellphone kaya agad kong kinuha ang ice pack para masagot nya ang tawag pero iniwas parin nya gamit ang kaliwang kamay.

Umupo din sya sa tabi ko at tinapik nya ang kanyang binti. "what? Miss me?" sagot nya sa kabilang linya sabay tumingin sakin at sumenyas uli pinapahiga nya ko sa binti nya.

Bakit kaylangan ko pang humiga nilakihan nya ko ng mata dahil hindi ako sumusunod kya no choice ako kung hindi himiga  hinawi nya ang buhok ko at dahan dahan nyang nilagay ang ice pack.

"So uuwi kayo? Uhhhm alright nandito kami sa resort... Kaming apat "

Sabay tumingin sya sakin, sige na mag bonfire kami mamaya paalam pa nya sa kabilang linya

" Andrea kapag ok na baba na tayo mamaya and umm your hair smells good"

"What! who's with you? Rinig kong sigaw ng nasa kabilang linya bigla pang nilayo ni Lance ang cellphone" see you soon San Diego"

Nanlamig ako bigla kilalang kilala ko ang boses na yun. pero ayokong ipakita na apektado pa ko sa kanya Never again.

"Sana wala na to bukas kung hindi lagot ako kay Mina" mahina kong sabi ibinalik na ni Lance ng hawak nyang ice pack.

"Sabi ko sayo wag mong intindihin ang iba laging unahin ang sarili"  hinawakan nya ko sa kamay at hinila na palabas.

Bakit ba ang hilig nila kong hilain. Lahat sila ganyan lalo na si Noah.

Lumabas kami sa hotel at pumunta kina Noah nag umpisa na silang mag bonfire. Si Emily ay naka hawak sa braso ni Sir Geo.

Nakita ko pang nag smirk sya sa akin.

"Emily hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kay Andrea" seryosong wika ni Lance at hinila ako paupo sa isa pang kahoy na bakante katabi kila Lucas.

Tumingin si Sir Geo kay Emily "Anong ginawa mo kay Andrea?" he said with his deadly look

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon