CHAPTER 46

476 18 0
                                    

Gising na ang mga bata ng makarating kami, panay ang ngiti at tawa nilang pareho, tuwang tuwang sila sa mga nakikita nakay Mina si Ag at kahawak kamay ni Lucas.

Samin naman si Au ko karga sya ni Noah una kaming pumila sa carousel nag picture pa kaming anim. Tapos kaming tatlo ng mga bata sunod kasama si Noah tapos si Lucas at dalawa kami ni Mina.

Ang daming nag titinda sa gilid kaya tuwang tuwa ang mga bata may mga arcades din. Pumunta si Mina doon sa binabaril yung parang maliliit na tao at talagang nagulat ako ng effortless nyang tamaan ang lahat ng yun.

Kaya nakuha nya yung malaking teddy bear na ibibigay daw nya kay Au. Sunod naman si Lucas at Noah na nagtig isa pa dun sa hinuhulugan ng ng token para maka kuha ng stuff toy

"Sira yata to eh, magaling ako dito eh" mayabang pang sabi ni Noah na nagpatawa sakin, mukang paubos na lang yung tokens nila eh wala pa silang nakukuha.

Kaya si Mina naglaro uli naka kuha pa ng tatlong stuff toys kaya natuwa nanaman yung mga bata.

"Ang weak" tumatawang sabi ni Mina pa tungkol sa dalawa na sinamaan sya ng tingin. May nakita akong bilihan ng mga pony tails kaya pumunta kami dun ni Au may hairband din pala tinuro ni Au yung umiilaw kaya kumuha ako ng tatlo na parang tenga ni Minnie mouse kulay pink yun para sa aming mga girls kinuha ko din yung parang mickey mouse at pinasuot sa tatlong lalaki magreklamo man sila wala naman na silang nagawa ng pumalakpak ang dalawang bata. Ang cute kaya naming lahat

"Pag ako talaga Andrea hindi nagka-" napalingon pa sya bigla sa dalawang babae na dumaan. Muka namang kinilig yung mga babae sa kanila ni Lucas. Napa hinga nalang ako ng malalim

Naka hilera kami habang naka upo doon at kumakain ng ice cream at cotton candy mamaya pipila kame sa ferriswheel. Ilang beses pang kumuha si Noah ng picture naming lahat maging si Mina at Lucas.

Dahil natakot si Au na sumakay si Lucas at Noah ang sumama kay Ag si Mina naman ay tumawag sa cellphone kaya naalis sa pila.

Umupo nalang kami ni Au sa upuan doon habang nag aantay sa kanila. Natanaw ko sa di kalayuan yung lalaki na kaibigan ni Kuya Rex may kausap syang babae posible kayang nandito din si Kuya? Lumingon ako sa pila nila Lucas hindi pa naman sila nakaka sakay makaka balik pa ako mamaya

Tumayo ako habang buhat si Au at naglakad palapit sa kanila, pero bago pa ako makalapit ay nawala na sila doon nagpalinga linga ako pero hindi ko na sila makita.

Bakit ang bilis naman nilang mawala? Nakita ko din si Mina na nagmamadali at palinga linga sino naman kaya ang hinahanap nya? Kami ba? Tatawagin ko na sana sya ng may lumapit sa kanyang dalawang lalaki na naka itim mukang seryoso yung usapan nila ah.

Nakita ko pa na may inabot sila kay Mina at sumaludo bago umalis, may inililihim talaga tong si Mina sa akin kaylangan kong malaman yun haiist hindi naman siguro sya naging drug dealers ano?

Bago pa ako mapansin ni Mina ay agad na akong tumalikod at bumalik sa pwesto kaso may naka upo ng bago kaya naisipan kong bumili ng hotdog on sticks. Medyo hirap ako dahil tulog na si Au sa balikat ko

"Wait lang ate ha hirap dukutin eh" kinukuha ko sa bulsa ko yung fifty pesos ko kaso nalaglag pa yung suot ni Au na hairband paupo na ako para kunin yun ng may iba ng dumampot.

"Ah thank yo—" napa titig ako sa kanya yung lalaki!

"Ako na magbabayad mukang hirap na hirap ka na eh" sabay abot ng pera doon sa tindera

"May anak ka na pala?" Gulat pang sabi nya.

"Oo " maikli kong tugon naka black cap na sya ngayon.

"Anak mo din yung karga nila Monfort?" Tanong pa nya so nakita nya pala kami kanina

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon