CHAPTER 21

567 15 1
                                    

Mabilis kong inalis ang kamay ko at tumayo, alam ko pulang pula ang mukha ko.

"B-baka kung a-anong iniisip nyo ha.. Mali yun n-nadulas lang kami.." pagpapaliwanag ko habang  may pagkumpas pa ng mga kamay. Hay bakit kase nauutal ako.

"Ikaw Andrea ahh hindi ko alam na may ganyan kang side ahh" panunuksong sabi pa ni Noah dahilan para lalong mamula ang mukha ko.

"Pinagpapalit mo na ko ah" dagdag pa nya with a fake hurt face humawak pa ito sa dibdib nya ang drama huh

"Wait what? Kayo na ni Andrea?" Naguguluhang tanong ni Sir Geo

"Naniwala ka naman" natatawang sabi ni Lance

"Magbihis kana huyy wala kaming pang bayad sa naka balandra mong katawan milyon milyon ang presyo nyan.


****



Dahil tapos na kaming kumain pinag luto ko nalang si Lance at Noah request nila mabuti nalang at maraming stock si Sir Geo pinag grocery daw muna sya ng on call maid nya,

i surprised sana nila si Sir Geo dahil dumating na nga ito. Habang kumakain sila ay tinawagan ko si Mina, may pupuntahan daw sya kaya wala din ito sa bahay..

Nang matapos silang kumain ay nagkukwentuhan na sila sa sala malamang na miss nila ang isat isa.

Ako naman ay pinagmamasdan sila magkatabi si Lance at si Geo tapos ako at si Noah. Ang totoo naiilang talaga ako sa dalawa mabuti at nandito si Noah, pero sila? parang ok lang naman na nandito ako?

"So kayo na uli ni Emily" paniniguradong tanong ni Lance..

"No actually hindi ko lang sya mahindian hindi ko sya kayang ipahiya sa mga reporters" kaswal lang nyang sabi.

"Ehh akala ko ba mahal na mahal mo yun? Mamamatay ka pa nga sabi mo pag nawala si Emily eh bakit buhay ka pa,?" tanong ni Noah na nagpatawa sakin

"Gago!" nagtawanan nalang kaming apat. Baliw talaga

"Nasaan ba si Lucas" tanong ni Sir Geo "minsan na lang tayo magkita kita ohh tapos wala sya"

"Busy yun sa business nila. Alam mo naman inatake kamailan yung daddy nya kaya li-low muna yun"

"So ano beach tayo? Dun sa Resort mo nalang Lance maganda dun". Sabi ni Noah habang nilalaro ang buhok ko tinitirintas nya yata

"Sure sino kasama?" sagot naman nito habang tinitignan kung anong ginagawa ni Noah sa buhok ko. Palagi nilang nilalaro yung buhok ko kapag katabi ko ang kung sino man sa kanila.

"Susunduin ko bukas si Emily ehh pero baka sumunod nalang kami"

"Ayy wait !"napahampas pa sa noo si Lance may shoot pala para sa isang magazine sa resort."

"Ok lang yun malawak naman dun saka maganda nga sure na may sexy babe"  ginanahan naman lalo tong si Noah nakarinig lang ng shoot sa magazine inaayos pa nya ang pagka buhol ng buhok ko sa daliri nya.

"Dala nalang kayo ng ka date suggest ni Sir Geo"

"Sige ba dadalhin ko yung pang malakasan kong chika baby" mabilis na sagot ni Noah.

Tahimik lang akong nakikinig wala din naman akong planong sumama sa kanila. Kinahapunan hinatid ako ni Noah sa apartment namin ni Mina.

"Bakit kase hindi ka sasama" tanong pa nya habang printeng umupo sa upuan

"Eeh maglalaba ako, saka hahanap ako ng extra"

"Sabi saiyo ako ng bahala eh"  pag pupumilit nanaman nya habang pinapa ikot yung lagayan ng susi sa daliri nya

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon