CHAPTER 33

515 16 0
                                    

Bakit sila magkasama? Mukang close sila, sinundan ko pa sila ng tingin mukang masaya sila parehas bakit kaya hindi si Mr. San Diego ang kasama nya?, sabagay baka kaparehas lang namin nila Noah wala namang malisya.

" Sinong tinitignan mo" agad akong napalingon sa likuran ko, karga parin nya si Ag parehas silang kumakain ng ice cream.

"Iniispoiled mo nanaman yung anak ko." Lumapit ako at pinunsan ang labi ni Ag nagkalat na ang ibang ice cream doon.

"Weh gusto mo lang yata ng ice cream eh diba baby inggit si Mommy mo eh noh?"

"Tsss ewan ko sayo Noah patapos na ko" tinulak ko na ang cart papunta sa cashier, ang daming kinuha ni Noah na mga chips akala mo magtatayo na kami ng tindahan, pati yakult at chuckie akala mo naman talaga may ref kami.

"Band aid mo nakabili kana?"

"Anong band aid?" Takang tanong ko "ah gasa pa ang gamit ko ngayon pag lumiit na saka ako bibili ng band aid" paliwanag ko sa kanya

"Hindi yun yung malaking band aid ang sinasabi ko baka kase malimutan mo"

Napatitig ako sa kanya bago ma gets ang sinasabi nya, namula tuloy yung mukha ko.

Naalala siguro nya yung pinabili ko sya nun sa tindahan wala kase si Tyang nun hindi pala ako nakapag tabi. Hiyang hiya ako nun sa kanya pati sya pano nalang daw pag babae at dalaga ang tindera minus point daw sa ka gwapuhan nya.

Sabi ko sabihin nalang nya sa tindera band aid na pang babae yung may wings!

Haist "meron na"  sabay talikod ko sa kanya. Kada scan yata ng cashier eh todo tingin din ako sa screen. Baka ma short ako sa dami ng pinag kukuha nitong si Noah..

"4,854.50 po mam" yan na nga ba sinasabi ko sa susunod talaga hindi ko na to isasama, sinamaan ko sya ng tingin habang sya patawa tawang inaangat angat si Ag.

Kinuha ko yung wallet ko at nagbilang.

"Eto na miss dyan na lahat" sabay abot ni Noah ng card, akala ko ba naka freeze yung account nya. Kinakabahan parin ako baka ma decline yung card. Buti nalang naging ok naman.

"Akala ko ba naka freeze yung card mo" tanong ko habang palabas ng grocery
Pero ngumiti lang sya

"Babayaran ko nalang mamaya yung mga gatas ah"

"Tsss small things " sabay talikod

"Akyat muna tayo bilhan natin si Tiya ng regalo." Sabi nya kaya sumunod nalang ako pasakay kami ng elevator ng makita yung kaklase ko nung high school mukang sasakay din.

"Uy Andrea kamusta" masaya nyang sabi close kami nung high school.

"Uyy Rose ok lang ako tagal na natin hindi nagkita ah" Bumukas ang elevator at itinulak ko ang pushcart papasok tinulungan pa ko ni Rose.

" Saan ka na ba nakatira simula nung graduation di na tayo nagkita ah" pagtatampo pa nya

" Oo nga ehh dami kaseng nangyari nun" totoo naman saka wala akong number nya.

"Type mo nalang dito fb mo tas chikahan tayo hindi ka umaatend ng reunion" sabay abot ng cellphone.

"Mommy wat-ter" mahinang sabi ng anak ko kaya pagka type ko ng fb ko agad kong binalik ang cellphone nya at kumuha sa pinamili ng bottled water, at pinainom sya.

"Anak mo?" Takang tanong nya

"Oo" sabay ngiti

"Wow may anak ka na pala ang daya hindi ako updated" naka nguso pa sya.

" Ang gwapo naman hi baby Im tita Rose" kumaway pa sya sa anak ko. Nahihiya namang ngumiti yung anak ko at nag tago sa balikat ni Noah.

"Asawa mo?" Sabay turo kay Noah na bahagya pang ngumiti. Tinulak pa ko ni Rose palapit kay Noah " Ang gwapo ah bagay kayo"

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon