CHAPTER 55

453 15 0
                                    

Dahil wala daw kaming pasok at sarado sila kuya D ay napag pasyahan ko nalang mag laba.

Inasikaso ko muna si Ag , nagluto narin ng pananghalian namin, maglalaro at magkukulay lang naman sya doon alam na nya kapag busy ako eh gumagawa din sya ng sarili nyang gawain

Parehas pa kaming napa lingon sa pintuan ng maka rinig ng pagkatok excited syang tumungo sa pintuan at binuksan yoon, tuwang tuwa sya ng makitang dumating si Noah at Mina.

"Yehey! Daddy Noah Mommy Mina"

"Wow pa gwapo naman ng gwapo ang anak kong to ah!" Binuhat sya ni Mina

"Ay juice ko bumaba ka na Ag hindi ka na kaya ng balakang ko matanda na ang Mommy Mina mo"

Natawa nalang ako sa sinabi nya agad din akong lumapit sa kanila para yakapin sila.

"Buti ok na ang mga kalsada"

"Naku taeng tae na nga tong si Noah na makita ka" agad naman syang siniko ni Noah

"Pinag sasabi mo si Ag lang ang gusto kong makita" sagot nya bago umupo sa sofa at kandungin si Ag

"Hay grabe sumakit kaagad ang bewang ko, parang mas mabigat ka pa sa Mommy mo Ag ah" nag inat inat pa sya doon

"Kumain na ba kayo?"

"Tapos na sinakal ko si Noah para mag labas ng pera" lumapit sya sa mesa at kumuha ng saging

"Parang nag blooming ka, nadiligan ka ba?" Namula kaagad ako sa sinabi nya

"Grabe yang bibig mo Mina dyan muna kayo maglalaba kase ko may pagkain naman dyan kung sakaling magutom kayo ha"

"Tulungan na kita" prisinta ni Mina

"Marunong bang maglaba ang heiress?" Panunukso ko sa kanya kaya hinampas nya ko sa braso, nag uumpisa nanaman syang manakit huh

"Hayp ka tigilan mo ko Andrea San Diego Di malaman Cheng" pang aasar pa nya kaya inirapan ko

Nagpalit sya ng short at tinulungan nga ako, nagpa lobo pa sya ng mga sabon doon akala mo bata eh

"Ohh alam mo na ba" tanong nya pa

"Ang alin?"

"Sa Sunday na ang kasal nila Tiffany" patay malisya nyang sabi bago magpa lobo uli

Natulala ako sa sinabi nya, kinagat ko pa yung pang ibaba kong labi bago nag iwas ng tingin at nagkusot na uli

"Wasak na yang panty mo te"

Sinamaan ko sya ng tingin so na grant pala ang annulment? Ni hindi man lang ako sinabihan ni Aldritch nakaka inis talaga! Tapos ako pumayag pa akong may mangyari samin! So ano pala ako? Nakaka inis talaga!"

"Nakay Noah yung invitation hindi ba binanggit ni Geo sayo?"

"Baka nalimutan nya" sabi ko nalang

"Pumunta ka ah, tapos kakabugin natin sila"  exaggerated pa nyang sabi mukang may ini imagine eh

"Tama bang pumunta ako? Ininvite pa talaga ako Mina!" Napalakas yata yung pag ka sabi ko kaya napa hinto sya

"Ohh bakit apektado ka ba" Nilakihan pa nya ako ng mata

"H-hindi na" pero gusto ko sanang sabihin na oo apektado ako! Apektadong apektado!

"Edi pumunta ka!"

"Pag iisipan ko!" Sabi ko nalang para tumigil na din tong si Mina

"Si Resha pala kamusta" ni minsan kase hindi nya ko chinat hindi ko alam kung galit ba sya sakin

"Ayun bola na yung tyan"

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon