CHAPTER 29

543 13 2
                                    


Nang makalayo layo na ay binitiwan ko na ang mga kamay ni Mina.

"Ano ba yun drea, hinabol ba tayo nung bastos na yun" hingal nitong sabi.

Hindi agad ako makapag salita habol ko pa ang pag hinga ko iilang minuto bago ako naka sagot " oo Mina nakita ko syang lumabas" pagsisinungaling ko saka ko na sasabihin kay Mina ang nakita ko, siguro pag uwi nalang namin.

"Tara na sa ibang bar naman tayo" aya nya "

"P-pero Mina gusto ko na sanang umuwi parang sumama yung pakiramdam ko". Tumingin sya sa akin at sinipat sipat ang mukha ko. " Oo nga namumutla ka, sige uwi na tayo tutal mukang naka quota naman na tayo,tara na" naglakad na kami papunta sa van ng may ari, pumayag naman na itong maka uwi kami ng maaga,marami narin naman kaming naibenta.

Pagkababa ko ng tawag sa twins ko naalala ko nanaman yung nakita ko kanina.

"So ano palang plano natin sa birthday ni Tyang mo sa makalawa na yun diba?  Tapos yung sa kambal pag isahin nalang kaya natin"

Hindi agad ako nakasagot lumilipad ang isip ko, hindi ko akalain makikita ko sila, well oo expect ko naman na gagawa parin ang tadhana na magkikita kami lalo na at kaibigan ko na ang mga kaibigan nya plus si sir Geo,pero hindi ko akalain na ngayon na agad.

Nagulat ako ng tumapat ang mukha ni Mina sa mukha ko na naka duling ang mata. " Hoy ano ba Mina baka mamatay ako sayo ng maaga" sabay hawak sa dibdib ko.

"Eh kanina pa kita kausap lumilipad yang isip mo inday, ano ba may problema ba sabihin mo sakin at dadagdagan ko pa" printeng sabi pa nya

"Eh kasi... " Naputol ang sasabihin ko ng nakita kong tumatawag si sir Geo.

"Oh sige mamaya nalang tayo mag usap kausapin mo muna yang pag ibig mo at lalabas na muna ako, may sasaglitin lang ako mag lock ka na agad ng pinto" saan nanaman kaya to pupunta, pero hindi nalang ako nagtanong at tumango lang ako sa sinabi nya at sinagot ang tawag ni sir Geo.

"Hello love" bungad agad nito, bahagya naman akong napangiti, kita ko sa background nya na naka higa na din sya

" Tumawag ako sa mga baby natin kanina" sabi nya na lalong nag pangiti sa akin lagi syang ganyan tatawagan muna ang kambal, bago ako at magtatanong kung kamusta ang maghapon ko sabay magkukwento tungkol sa maghapon nya he's always sweet and happy kapag nagkukwento, exited na daw itong umuwi kapag tinatanong ko kung kelan sasabihin nya secret daw.

"Bakit miss mo na ako?" Sagot nanaman nya nung tinanong ko kung kelan nga ba sya babalik dito. "Medyo" sagot ko, bahagya itong sumimangot

" Grabe ka sakin Andrea ako miss na miss kita ng sobra sobra" napatawa ako

"Oo na miss na din kita ng sobra, sige na matulog kana alam kong pagod ka " sabi ko, pero kagaya ng dati tatanggi ito at papanoorin muna ako sa mga gawaing bahay para bukas maayos uli ang aming munting tahanan at kapag napansin kong tulog na ito ako na mismo ang magpapatay ng tawag.

Humiga na ko sa higaan, pero wala pa si Mina " kakatok naman siguro yun" mabuti nalang at pagod na pagod ako walang dahilan para mag isip pa tungkol kay Aldrich at Tiffany.

Huwag lang muna sana mag sanga ang mga landas namin wag na muna.

Pa pikit na ako ng may mag message nanaman yung Zzgrr8 hindi ko na sana papansinin pero sunod sunod ang message nya.

Nag tatanong kung musta daw ako, saan daw ako ngayon, sagutin ko daw dahil lonely sya ngayon. Halos araw araw nag me message din ito hindi ko nalang pinapansin.

Nilapag ko na ang cellphone sa tabi ko ng tumatawag naman nito sa messenger, iniisip ko kung sasagutin ko ba dahil curious ako kung sino sya? O wag na lang.. pero nanaig sa akin ang curiosity kaya sinagot ko.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon