CHAPTER 27

538 18 0
                                    


I respond to his kiss hoping na sana kagaya halik ng kay ano na may spark din, ngunit tumagal nalang ang halik nya pero wala akong naramdaman na kakaiba..?

I dont know why, I know I like him as a person napaka buti nya sakin all the time pero bakit ganun, hindi pa ba yun sapat?
Ramdam ko pa nag paghagod ng kamay nya sa likod ko

Habol namin pareho ang hininga ng maghiwalay kame. Kita ko ang mumunting ngiti sa kanyang labi habang naka tingin sa akin alam kong pulang pula ang mukha ko at para itago ang hiya mabilis akong tumayo at tumalikod papuntang kusina.

"K-kain ka muna sigurado akong gutom ka.." sabi ko habang inaayos ang mga pinggan.

"Kumakain kaba ng laing?" Baka kase hindi nya yun alam.

"Ano yung laing?" Tanong nya

"Mayayaman talaga" sabi ko napa tawa kase ako sa sinabi nya

Umupo sya sa upuan sa may lamesa. Pinagmamasdan nya ako sa paghahain ng pagkain at ng matapos ay umupo ako sa katapat nyang upuan.

Tinitigan nya lang ang pagkain sabay tingin sa akin na para bang nag aalinlangan

"Masarap yan tikman mo kase" saad ko pa hindi pa kase nya ginagalaw yung pagkain.

Ngumiti sya ng pilit kalaunan ay sumubo na din. Kita ko ang gulat sa mukha nya " wow masarap nga". Ngumiti lang ako bilang tugon. Magana syang kumain sino bang aayaw sa laing ni tiya kahit si Lucas at Noah eh paborito yun.

Maya maya pa ay sumeryoso na ang mukha nya. "Andrea pwede bang pag usapan natin yung tungkol sa ating dalawa" seryosong sabi nya napatingin ako sa ibang direksyon hindi ko kayang sabayan ang mga titig nya

"Andrea alam kong alam mo na gusto kita, gustong gusto o higit pa nga eh... please hayaan mo ko na patunayan ko yung sarili ko saiyo."

"Alam ko yung hirap ng pinagdadaanan mo lalo na ngayon yung sa kambal yung kay AU, hayaan mong tulungan kita sa lahat Andrea"

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko bakit kase ang babaw ng mga luha ko.. "Sir Geo kase natatakot na ko..a-ayoko ng sumugal uli tapos b-bandang huli ako nanaman yung maiiwan ako nanaman yung talo"

"Pano si Emily si Tiffany ayoko na silang makaharap ayoko ng maramdaman yung sakit uli" lumuluha kong sabi napatikom pa ako ng labi ayoko na kaseng maulit yung dati na sa huli parang ako lang yung kawawa.

Ang hirap kaseng maging buo muli yung ilang taon mong sinubukan na maging ikaw uli kagaya nung dati, kaya kahit maraming nagtangka na pumasok sa buhay ko lagi kong nirereject kase lagi ka ng may takot baka bandang huli mag uumpisa nanaman uli ako sa simula.

Hinawakan nya ko sa dalawang kamay"Matagal na kaming hiwalay ni Emily.. wag mo syang intindihin.. Kay ate Tiff wala silang magagawa ipaglalaban kita sa kanila, hindi ako kagaya ni kuya Al na basta ka nalang iiwan , hinding hindi ko yun gagawin Andrea please hayaan mong mag umpisa uli tayo sa pinaka una, hayaan mong ligawan kita kayo ng mga bata let me love you... pero sana dumating din yung time na mahalin mo rin ako handa akong maghintay"

"Alam ko nung una palang kitang makita alam kong ikaw ang para sa akin." Seryoso nyang sabi naalala ko tuloy yung sa party

"Huuuyyyy ano to bakit parang may dramang nagaganap" malakas na sabi ni Mina binawi ko ang isa kong kamay at agad kong pinunasan yung mga luha ko.

"Sir Geo kelan kapa dumating?" Tanong nito na salitan ang pag tingin sa amin

"Ngayon lang"

"Ehh hangang kelan ka dito"

" Hangang mamaya lang tumakas lang kase ako ehh" napa awang ang labi ko sa sinabi nya at napatitig sa kanya.

"Ayy wow parang palengke lang yung Singapore Ahh" sagot ni Mina na kumuha din ng plato at umupo katabi ko

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon